Chapter 13 - The prophecy

2 0 0
                                    




LENON'S POV

"Natatakot ako Lenon." sambit ni Amethyst, kasulukuyan kaming nasa principal's office. Pag tapos ng insidente kanina ay tumungo kami dito upang pag-usapan ang babalang sinabi ni Sinneor kanina sa infirmary. Totoo ang sinasabi niya dapat na nga naming sabihin kay Ana ang totoong pagkatao niya at ang totoong dahilan kung bakit siya nawalay sa amin. Dahil marahil ngayon ay naguguluhan na siya sa mga pangyayari at nais niya ng malaman ang totoong pagkatao niya.

"I know Ana, she will understand this Amy." Kilala ko si Ana, matalino siyang bata maiintindihan niya naman siguro ang dahilan namin pero alam kong masasaktan ito sa naggawa namin sa kanya.

"Nagsisisi akong pumayag ako sa desisyon ni Alena."

"Pero kung hindi natin iyon ginawa ay mamamatay si Ana."

"P-pero Lenon pwede natin siyang iligtas bakit hindi nalang yun ang ginawa natin kesa ganito?" Saad niya at nangingilid na ang mga luha nito hindi nagtagal ay humihikbi na siya. katulad niya, ay gusto ko ring maging malungkot sa sitwasyon ngayon pero walang mangyayari kung magpapadala ako sa emosyon mas kailangan na mayroong isang tao na magiging matatag. Tumayo ako sa upuan at lumapit sa kanya niyakap ko siya upang kahit papaano ay gumaan gaan ang pakiramdam niya.

"L-leonel." Bigkas niya hudyat na tinatawag niya ang aming kapatid. Si King Leonel. wala pang limang segundo ay naririto na si Leonel. Nagteleport siya papunta dito. magkakadugo kami kung kaya't may kakayahan kaming marinig sa aming isipan ang boses ng bawat isa kung gugustuhin namin.

Nagtataka siyang nakatingin sa amin.

"Kapatid, nagsisimula na nilang kunin si Anastasia." sabi ko. hindi siya umimik nanatili lang siyang nakatingin sa amin na parang alam niya ng darating ang araw na ito.

"Amethyst, conduct a meeting with all the teachers of academy tell them that all class hours will be change to training hours. No more classes but only training. kailangan nilang maghanda lalong lalo na ang aking anak."

"Pero paano kung magtanong sila kung bakit?"

"King's order. No one shall disobey my orders."

"Kailan mo balak sabihin sa kanya ang lahat Leonel?" Tanong ni Amy. Oo nga kailan niya kaya balak sabihin ito.

"After the mystic duel games."

"Kailangan mo ng sabihin ngayon Leonel, nanganganib ang buhay niya ngayon! paano kung sumama siya sa mga Vultos?" Ani Amethyst.

"She wouldn't."

"At paano ka nakakasiguro?"

"Because she love her family in the mortal world."

"Tama ka leonel, mahal niya ang mga ito pero tayo ano? tayong totoo niyang kadugo? mahal niya ba tayo? Hindi leonel! hangga't hindi niya tayo naaalala o nakikilala hindi niya tayo magagawang mahalin at nasasaktan ako sa ideyang iyon!" Sabi ni Amethyst habang humihikbi. Kung tutuusin ay tama siya, paano kaya niya kami magagawang mahalin kung hindi nya kami naaalala? Namimiss ko narin ang mga ngiti at malalambing na boses ni Ana.

"It's not the right time, katulad nga ng sinabi mo, kumikilos na ang mga Vultos once na malaman niya ito ay maaari siyang magpadala sa kanyang emosyon kapag nangyari yon mas malaking tsansa na makuha siya ng mga Vultos."

"I want to see her train hard so when the time comes that the prophecy will happen she will be ready to fight." Dagdag pa niya.

Hindi ko na alam kung anong gagawin namin sa sitwasyong ito. Naaalala ko pa noon kung paano kami humagulgol ng tanggalin namin ang mga ala ala niya at ipasok sa mundo ng mga mortal upang mailayo siya sa mga Vultos.

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon