Chapter 9 - Training/New invention/Extra ability

10 0 0
                                    




ANASTASIA'S POV


"Anastasia? Kamusta ang lagay mo? Ayos ka na ba?" Tanong sakin ni Dr. Hunt. Hays. Nandito na naman ako sa clinic. Magiging suki na yata ako nito eh. tinignan ko naman siya at tumango ako.

Pumunta na ako sa Dorm pagkasabi ni Dr Hunt na pwede na daw akong bumalik. pagkapasok ko ay nakita ko ang Specials. Why are they here?

"Stasia!"

"Shiera, can you please keep your mouth shut? Ang ingay mo." I said at mukhang nalungkot naman siya sa sinabi ko.  hindi ko rin alam kung bakit ang init ng ulo ko ngayon at ang dali kong mairita.

"Sorry. Masaya lang kasi ako kasi nagising ka na." Sabi niya and I rolled my eyes.

"Ilang oras lang naman akong nakatulog. Anong oras na pala?" Tanog ko.

"A-ah eh Stasia. You slept for 2 days. Wednesday na ngayon." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"What? I slept for 2 days?!" Tumango naman sila sa akin. Ano bang nangyari? Ganun ba kalaki ang epekto ng mga pagbabalik ng mga ala-ala ko?

"Stasia, You rest and we'll go training." Sabi ni Chaos. Ha? Wednesday pa lang ngayon a? Bakit magttraining?

"Training for what?"

"Para sa Mystic Duel Games Stasia. Since naiannounce ang palarong iyon ay nagttraining na ang mga sasali tuwing Vacant time nila. Since Vacant tayo ngayon ay magttraining muna kami." Pagpapaliwanag sakin ni Cianel.

"At bakit hindi ako sasama magtraining sa inyo ngayon?" Tanong ko at nagtaas ako ng kilay.

"You need some rest. Kakagising mo lang at baka hindi mo pa kayanin." Ani Chaos. Tss.

"I'll go with you. Stop treating me like a disabled person. I can handle myself." I said at pumunta ng banyo. Dahil dalawang araw akong natulog ay malamang na ang baho ko na. Naligo ako ng isang oras at paglabas ko ay--

"Fvck! Why are you still here?!" Singhal ko. Nagulat ako kasi akala ko wala ng tao sa dorm kasi wala naman akong naririnig na ingay nila. Pero pag labas ko ay nakita ko si Chaos na mukhang hinihintay ako. Hindi naman sana ako magugulat eh pero shit lang, Nakatapis lang ako! Towel lang ang nagsisilbing suot ko para matakpan ang katawan ko. At nakita niya ako sa ganitong paraan! Shit.

"I-i'm sorry." Sabi niya at tumalikod.

"Bakit ka pa kasi andito?!"

"I just want to make sure na maayos kang makakapunta sa training room. naisipan kong hintayin ka para sabay na sana tayo."

"Ano akala mo sakin bata ha? Hindi naman ako maliligaw papunta don at walang mangyayaring masama sakin!" Sigaw ko pa.

"Magbihis ka nalang! Wag ka mag-alala, kahit makita kitang nakahubad wala akong balak pagnasaan ka at hindi naman maganda yang katawan mo."
Sabi pa niya. Aba at inaasar niya pa ako ha? Ang lakas din ng loob nitong lalaking to eh.

"Fvck you!" I said at nagbihis na ako habang nakatalikod siya. Bwisit na lalaki to nakuha pa akong asarin.


Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na kami ng Dorm at pumunta ng training room.

"So today, we'll practice fighting with your weapons." Sabi ni Chaos at nagsummon si Raze ng Sword. Si Shiera naman ay nagsummon ng Bow and Arrow. Si Cianel ay nagsummon ng Spear at kay Axe naman ay guns. Wow. Naidiscuss kasi sa Tech Class ang tungkol sa pagsusummon ng Weapon non. At ngayon lang ako nakakita ng actual na pagsusummon. Ang sabi, You just have to feel na mapupunta sa kamay mo ang weapon mo at masusummon mo na iyon. Ang sabi rin, sa pagpili daw ng weapon ay hindi raw ikaw ang pipili ng weapon mo kundi ang weapon classifier detector. Nadedetect nito kung anong klaseng uri ng ability meron ka at kung saang area ka mas magaling at nagagawa nitong maclassify kung ano ang nababagay na weapon para sayo. Pero wala pa akong weapon kasi bago lang ako dito. Hindi rin magkaroon ng oras para madala ako ni Ms. Daizy sa Tech Department.

ANASTASIA MYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon