Chapter 2- The hardest desicion

13.2K 296 11
                                    

Queen Clarisse's POV

"Arthur hindi ko na alam ang gagawin ko " sabi ko habang may luha na lumalabas sa mata ko .Hindi ko kakayanin na mawalay si Rose sa akin.

"Please have hope my wife, we'll get through this," sabi na aking asawa habang pinipigilan ang pagluha.

"B-but how? Surrender Rose to Berth? You know that we can't trust him?!" Parang Hindi ko na macontrol ang pagtaas ng boses ko na nagpalutang ng mga crystal sa Palasyo..I'm a crystal Manipulator that's why.

"My Queen no, no we will not give Rose to my brother, but please you have to control your emotions you know you can destroy the palace in just one snap of your fingers, we will think of a solution" pagpapatahan ni Arthur sa Emotion ko

Bumalik na sa dati ang mga crystal..

"May naisip na ako"

"What is it?"

"Let Rose live in the mortal world'

Third Person POV

"Let Rose live in the mortal world"

"What?!" Kasabay ng pagsigaw ng Reyna ay syang paglitaw ng mga matutulis na crystal sa Direksyon nilang mag-asawa, Galit na talaga sya

"Clarisse, please calm down" mas lalong nahirapan si Haring Arthur dahil alam nyang kapag nagagalit si Clarisse kaya nyang pulbusin ang palasyo gamit ang kanyang mga kamay

"Alam mo Arthur kung anong ginawa nila Kay Carithina!! Alam mo kung paano pinatay ng mga tao ang kapatid ko!" Si Carithina ang nakababatang kapatid ni Clarisse, na syang pinatay ng mga tao dahil pinagbintangang isa daw syang halimaw dahil lamang magkaiba ang kulay ng mata ni Carithina isang Bughaw at Dilaw..

May laban naman si Carithina sa kanila dahil isa syang babaeng marunong sa espada, ang espadang Ginagamit nya ay ang ginawang espada ni Clarisse para sa kanya..Ngunit ubod naman ito ng bait sa mga tao dahil minsan na syang napaibig sa uri nila at Hindi nya kayang saktang ang mga tao ngunit nasawi ito sa pagibig na pawang kasinungalingan lamang..

"Kumalma ka nga Clarisse!!" Nagalit na rin si Arthur dahil pati rin sya naguguluhan na "Hindi masusolusyunan ang problema kung pinapairal mo ang galit mo Clarisse" natahimik naman si Clarisse dahil sa pagtaas ng boses ng kanyang asawa

"May pagkakamaling nagawa si Carithina kaya namatay sya, ngunit si Rose? Ang Innocente pa nya, pwede namang gawan natin sya ng proteksyon diba? Dalawa sila ni Luciana ang lalakbay papunta sa Mundo ng mga Tao, kaya Hindi sya mag-iisa, kaya magiging iba sya Kay Carithina" mahinahong pahayag ni Arthur sakanyang asawa na mahinang tumango sabay tulo ng mga masasaganang butil ng luha mula sa napakaganda nyang mukha..

"O-oo na, pa-pasensya na naunahan ak-ako ng aking galit, pero" tumigil muna si Clarisse sa pagsasalita at tumingin ng diretso sa mata ng kanyang asawa "Sana naman, makabalik sya dito pagka sumapit na ang araw na sya ay labingpito na ang edad, at duon sya pag-aralin sa paaralan na nababagay sa kanya, ang Forbidea School if Magix"

"Sige mahal ko,makakaasa ka alam mo naman na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka" nakangiting sabi ni King Arthur na nagpagaan sa loob ni Queen Clarisse

"Salamat mahal ko" pagkasabing-pagkasabi iyon ng Reyna, sumilay ang isang napakagandang ngiti sa kanyang mga labi

"Walang anuman aking asawa, magpapaalam muna ako saglit, sasabihin ko na Kay Luciana ang ating plano"

Luciana's POV

Dito ako ngayon sa kusina, nagluluto ako ng paboritong ulam nila, pero sa totoo lang imbento ko lang ang ulam na iyon, pero nagustuhan naman nila.

"Luciana pwede ba kitang makausap?" Sabi ni King Arthur, na dahilan ng aking pagkagulat.

"A-ano po iyon mahal na Hari? Pagpasensyahan nyo na po at medyo Hindi malinis ang kusina"medyo nahihiya Kong sambit sakanya..

"Ok lang, nandito pala ako dahil may isang importanteng bagay akong ipapautos sa iyo" seryosong sagot ng hari

"Ano po iyon?" Sagot ko. Parang may Hindi tama dito..

"Luciana, dumating kahapon si Berth, binantaan niyang burahin ang Mundong Forbidea sa mapa ng Magix World, at Hindi tayo pwedeng magpakampante, kapag may sinabi si Berth gagawin at gagawin nya iyon" Seryosong sabi ng hari at nakaramdam Ako ng kaba. Hay naku!! Simula nung nagselos yang Berth nagkandaleche-leche na ang Magix world..

"Pero sabi namin ng asawa ko ayaw naming gawin niya iyon kasi apat na kaharian ang madadamay"

"Kung ganoon pala madadamay ang Fire Kingdom, Water Kingdom, Air Kingdom , Earth Kingdom at ang Forbidea Kingdom?" Aba! Aba! Hindi talaga pwede yan bawat reyna ng bawat kaharian ay kapapanganak rin lamang ng kanilang mga tagapagmana!

"Pero may isang paraan para matigilan ang kasamaan ni Berth" Sambit ni King Arthur

"Ano po iyon?" Sagot ko naman hindi parin kasi mawawala ang kaba ko, bago sumagot ang hari ay nakita ko sa mukha niya na malaki at mahalaga ang kapalit, pinipigilan niya pa ang luha niya.

"Para matigilan iyon ay kailangan naming ibigay ang pinakamagandang regalo at kayamanan naming mag- asawa." Malungkot na sabi ng hari. Pero sa mga narinig ko, parang alam ko na ang kapalit....hindi maari si Princess Rose nga ang kapalit?!

"Kailangan mong ilikas si Rose mamaya sa mortal world , pero pakiusap pwede bang dito mo pag aralin si Rose sa Forbidea School of Magix? huwag mo muna ipagsabi kahit kanino ang secreto natin, at sana hayaan mo siya na siya ang makadiscubre ng kapangyarihan niya" alam kong pilit lang ang ngiti ng mahal na Hari, ang sakit kaya na mawalay sa anak..

"Makakaasa po kayo mahal Na Hari" iyan na lang ang natugon ko sa mga sinabi mg hari, at sisiguraduhin ko na magiging ligtas siya sa mortal world at aalagaan at mamahalin na parang tunay na anak.

King Arthur's POV

Nagsimula nang maglakbay sina Luciana papunta sa portal papunta sa mortal world.

Nakatitig lamang ako sa asawa ko na kanina pang gustong umiyak.

"Clarisse pwede mong ibuhos ang lahat na nararamdaman mo" pagpapagaan ko ng loob sa kaniya.

"Arthur its really painful to see that the most Precious Gift you received, ay mawawala sa piling mo, ang sakit" Umiiyak na sabi ni Clarisse

"Mahal hindi naman siya mawawala makakasama rin natin siya. Sisiguraduhin ni Luciana na pagbalik ni Rose dito magiging malakas na sya ngunit kailangan nating maghintay sa tamang panahon"

🍀🍀🍀🍀🍀🍀🍀🍀🍀

Sixteen years later
A new chapter of this story begins ^__^

Ni-revise ko po ito!!😊😊

💜💜💜💜

"BE YOURSELF" 👌👑

Princess of the Forbidden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon