Chapter 18- A visit from the Sparks Royal Family

4.7K 125 3
                                    

Mayzhell's POV

Waaaahhh!! Inaantok pa ako!!

"Ikaw! Bumangon ka na!!" Sigaw sa akin ni Lisa at hinila niya ako papasok sa banyo

"Huhuhu Lisa, alas syete palang ng umaga oh!!" Pagmamaktol ko sakanya

"Ok na sana yung pagiging isip bata mo eh, pero hindi bagay sa'yo!" Giit niya kaya nag-pout nalang ako

"Bakit kasi ang aga pa eh!" Sagot ko habang kinakamot ang ulo ko..

"May transferee kamukha ang bias mo kaya dali!" nakangiting sambit niya, ako namang uto-uto naligo kaagad wala eh basta si bias hyper hahaha..

Pqgkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad kaming dalawa at nag-agahan sa canteen..

"Isang club sandwich nga po at isang tea" health conscious po ako kaya ayan ang inorder ko..

"Totoo bang may trasnferee Lisa or nagjo-joke ka lang?" Tanong ko kay Lisa na kumakain ng pizza

"Oo nga"

"Kamukha ni bias?"

"Ewan ko" gusto ko talagang tusukin ng tinidor tong babaeng to..

"Woi alam ko ang mga titig mong yan atsaka sorry na ginamit ko yung style na yun para bilis-bilisan mo ang kilos mo para kang pagong makakilos kasi" grabeng apology may kasamang lait..

Pinagpatuloy lang namin ang pagkain at nang matapos ay dumiretso na kami sa classroom

"Students, magsilabas kayo at dapat nating i-welcome ang ating mga bisita, at May ikaw ang magsasabit sa kanila ng garlands na to" ani Sir Brandon at ibinigay sa akin ang mga garlands...Seriously nasobrahan siya yata kaka-favouritism sa akin ah..

After 30 minutes

"Lisa ang hirap tumayo ng ganito katagal, tsk gaano ba kalayo ang planeta ng Royal Family na yan??" Pagrereklamo ko, kanina pa kami naghihintay dito tapos wala pa sila

"Mayzhell easy ka lang medyo malayo talaga ang tirahan nila" giit ni Eric napabuntong hininga nalang ako, nangangalay na ang kamay ko kakabitbit ng garland na toh, hula ko mamaya tuyo na tong mga bulaklak

Wala na! Nangangalay na ako! Umupo ako sa sahig at ibinigay ang mga garland kina Lisa, bahala sila diyan..

After 5 minutes

Nauubos oras namin sa Royal Family na to ang tagal nila ah!!

"Waahhh ayoko na!" Pagrereklamo ko kay Lisa

"Uhm Mayzhell, friendly advice wag kang lilingon sa entrance" bali kasi nakaharap ako kay Lisa so that means nakatalikod ako sa entrance get it?

"Ba-" bago ko matapos ang sasabihin ko may tumikhim sa likuran ko, sa tinig palang ng tikhim parang ma-autoridad na..

"Hi" nabigla ako sa nagsalita at humarap..

Ay xiomai ang gaganda at gwapo ng pamilyang to!!

Naramdaman kong siniko ako ng mahina ni Mikaela at kinuha ko ang garlands at sinabit sa leeg nila isa-isa

"H-hello po" utal-utal man pinilit ko silang batiin habang sinasabitan ng garlands..

"Hello dear" inalok ng isang babae ang kanyang kamay na parang gustong makipagkamay shems ang ganda nila..

Tinanggap ko ang kanyang kamay pero parang mababato naman ako sa aking kinatatayuan dahil sa ubod ng lamig ang kanyang kamay..parang kamay ng patay ah..

Bigla nalang sumulpot si AM at binati ang mga bisita

"Maligayang pagdating sa Academya Queen Irenea at King Dominic Sparks" bati ni AM na may kasama pang bow..

Nakipagshake-hands ako sa tinawag nilang Queen Irenea tapos tatanga tanga pa ako..

"May tara na sa canteen tapos na ang duty natin dito" sambit ni Cassy at nagsimula na kaming maglakad

"Cassy kilala mo ba sila?" Bulong ko

"Oo naman, pero hindi kami close" napatango nalang ako sa sagot niya

"Mayzhell hija" napatingin ako sa reyna na tumawag sa akin, uhmmm paano niya ako nakilala?

Natigilan kami ng lumakad siya papunta sa akin, I notice na mabigat ang gown niya ah..

"Pwede bang isama niyo si Snow at Jack sa canteen niyo?" Napakagat labi nalang ako sa request niya, paano ba to?

"Sure po!" Biglang sabat ni Lisa sa tabi ko, tsk naku naman!!

"Good, Snow At Jack follow them" sumunod naman sa amin yung anak ni Queen Irenea ang ganda nung Snow at gwapo yung Jack..

Totoo pala ang sinabi ni Lisa, parang si Bias lang..

Pero hindi!! Erase erase!! Malayong-malayo sila ni Bias no!! Si Bias may talent, nakakakanta, nakakasayaw, mabait, down-to-earth, cute, magaling mag-acting, biniyayaan ng kagwapohan at higit sa lahat may ab-

"Mayzhell mabubungo ka!"

"Ouch!!"

"Yan kasi! Ano bang iniisip mo!" Inalalayan ako ni Nicolline sa pagtayo

"Ok ka lang?" Pinanliitan ko nalang ng mata si Lisa sinong magiging okay kapag nabangga ka sa pader ng pagkalakas-lakas aber?!

"Tatanga-tanga kasi eh" rinig kong bulong ng anitpatikong si Mark Andrei na kulang nalang maging bato..

"Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong sa akin ni Pearl pero sumimangot nalang ako, tsk ang ilong ko!!

"Hula ko si Bias nanaman yan"

Tama ka Lisa!!

Hindi ko nalang sila sinagot at nagdire-diretso papunta sa canteen.. Yan kasi!!

💜💜💜💜💜

This Chapter is Edited😘😘

Mwaaaahhhh😘

Princess of the Forbidden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon