Chapter 21- Home

4.7K 122 8
                                    

Lisa' s POV (Princess Marigold)

"Babalik kayo sa Nehelenia Kingdom" Sabi ni AM habang may ngiti sa kanyang mukha

"Nehelenia??" Ang weird ng pangalan niya..

"Nehelenia, Marie yung kaharian NIYO" diniinan pa talaga ni AM ang word na NIYO bakit iniisip niya bang hindi ko gusto pumunta duon?

Kung pwede nga lang ngayon mimo pupunta na ako duon eh..

Namimiss ko ang tunay kong mga magulang..

"Eh kailan po ang alis namin?" Mikaela

"Bukas" AM

"WHAT?!" Silang lahat maliban sa akin eh excited ako eh kaya kahit ngayon pa mismo hehehe.

"AM eh bakit hindi pa ngayon?" Nakangisi kong giit , wala lang trip ko lang ngumisi

"Alam mo ba kung gaano kalayo ang kaharian niyo mula dito?" Ani Nicolline

"Gaano ba kalayo?"

"Sabihin nalang natin na kung ilalagay natin sa solar system ng mga mortal parang Earth to Jupiter ang layo!" Ay hala! Ang layo naman pala hehe napahiya ako duon ah..

Nagpeace sign nalang ako sa kanila at lumabas sa office

"Where are you going Marigold?" Tsk hindi pa ako sanay eh, ano ba..

"Tawagin niyo akong Lisa, Alisa Reyes"

*****Dorm*****

"Grabe! Ano kaya ang itsura ng mga magulang mo Lisa?" Ani Nicolline, bumisita dito ang mga babaeng supernaturals pagkatapos nilang lumigpit ng gamit..ang bilis nga eh

Pero ano kaya itsura nina Mommy at Daddy? Siguro maganda at gwapo silang dalawa namana ko kasi... Opo maganda po ako hehe..

"Wahh nagugutom na ako" pagmamaktol ko sabay hipo sa tiyan ko

"Punta kaya tayo sa canteen?" Sushetisyon ni Mayzhell na tinanguan ko nalang.

"Ooops! Mamaya na yan ang kain magligpit muna kayo" humarang pa talaga si Mikaela sa daan ah..

"Huhuhu pero nagugutom na kami" giit ko..

"Hmm what about kung magligpit nalang kayo diyan at ako nalang bibili ng kakainin niyo" ani Pearl kaya tinanguan nalang siya namin..

"Ako sa inyo, bilisan niyo na ang pagligpit ng dapat niyong dalhin." Sabi ni Cassy

Sige.....

Ligpit dito

Ligpit doon

Half bath dito

Half bath doon....

Pagkatapos ng 959593204984202 hours ng pagliligpit tapos na kaming la-.........ay hindi pala nagliligpit pa ang Dakilang taong turtle na si Mayzhell....Isang dorm siguro dala nito...tsk tsk tsk!

"May, dalian mo na magligpit oh! Past 7 na" Pagmamaktol ko....

Binilisan na niya ang pagliligpit, huh! Salamat naman at Tapos na siya..

Natapos na kaming kumain ng hapunan kaya nagsipasok na kami sa aming mga silid at humanda na para matulog..

Ma, pa, makikilala ko na kayo bukas, aalamin ko na kung kanino ako nagmana.....hihihihi
Goodnight!

Princess of the Forbidden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon