Chapter 32- Preparations

3.7K 98 5
                                    


Monday...

Mayzhell's POV

"Hmmm" unti-unti Kong minumulat ang aking mga Mata at nakita Kong sinisinigan ng Haring Araw ang aking hita..

7:30 AM...

Haaayyy mabuti nalang walang pasok ngayon, yup sinuspend na ni AM ang klase Monday at Tuesday dahil maghahanda na kami para sa Magix Ball sa Wednesday, Pero actually nagsimula na ang Mga Staffs sa pag-aayos ng venue...Ang Royal Garden ng Forbidea Kingdom..

Okay lang naman sigurong walang date diba?? Tsk di naman required siguro talaga yun..

*knock knock

"Pasok"

Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa aking Kama habang tinitingnan ang bagong gising rin na si Lisa

"Good Morning May, di ka ba natagusan dyan?" Pambungad nya sa akin

Sinipat ko ang Kama at negative naman..

"Wala naman, ikatlong araw ko naman ngayon"

"Tara sa canteen mag- breakfast tayo, para makapunta na tayo sa classroom"

Tumayo na ako at sabay kaming pumunta ni Lisa sa canteen..

"Mayzhell may date ka na ba??" sabi ko nga Ba't itatanong nya to

"Hmm, wala, pero ok lang naman eh di naman mababawasan grades ko kapag wala akong date" ani ko sabay hikab, masiyahin naman akong tao pero Hehe peace medyo sensitive lang ako sa mga crush crush na yan..kaya nga ayun na yung nasabi ko tungkol Kay *ehem* Mark

"Mayzhell!!" Sabay kaming lumingon ni Lisa sa sumigaw ng pangalan ko

Nashaile...

"Oh Nashaile saan ang punta mo?" Tanong ko Kay Nashaile na mukhang kasama pa sina Devon, Steffen at Eicko

"Sa iisang dorm lang kayo?" Biglang tanong ni Lisa

"Papunta kami sa canteen para mag-lunch, and yeah nasa iisang dorm lang kami" ani Nashaile

"Sup Mayzhell! Alisa! Or is should say Lady Marigold?" Bati naman sa amin ni Steffen

"Lisa nalang wag yung Marigold, tsk di pa ako sanay eh" sambit ni Lisa

Tumingin kaming lahat Kay Devon at Eicko na parang busy talaga sa binabasa nila

"Huy kayong dalawa anu yan??" Parang nanunuksong tanong ni Steffen sa kanilang dalawa

"Sshhhhh!!" Sagot naman ng dalawa at bumalik ulit sa pagbabasa ng libro..

Pffft. Ang cute nilang tignan nakasalamin silang dalawa at parehong titig na titig sa iisang libre kung saan sila nag-share sa left side si Eicko sa right side naman si Devon..

"Hello , Steffen, Nashaile" may biglang sumulpot na dalawang linta-este mga estudyanteng kulang nalang pumutok ang cleavage dahil masyadong revealing yung suot nila..

Yung isang babae bigla nalang inangkla yung kamay sa braso ni Nashaile na parang linta eeewwww! Tsk tumitindig ang balahibo ko sa inyo

At eto namang si Nashaile wagas makangiti!!!

"Tsk pakboi" biglang nagwalk-out si Lisa at dumiretso nalang sa canteen..

"Girl tingnan mo naman si Remi oh tsk parang akala mo Good girl sa klase yun pala linta rin" turo ng isang babaeng estudyante sa kasama nya sa babaeng linta kung kumapit Kay Nashaile na Remi daw

"Tsk tsk, may pagka-pakgirl tong si President ah! Kadiri! Akala ko anghel yung ugali di rin pala" sabay walk out nilang dalawa

"Psst Devon, Eicko Tara na" pasimpleng yaya ko sa kanilang dalawa at iniwan nalang namin yung mga pakgirls at pakbois duon X__X

Princess of the Forbidden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon