Chapter 30- MayZ Witchy II

4K 110 6
                                    

Mayzhell's POV

Good Morning Thursday!!

Bumangon na ako nakita ko kaagad ang note na iniwan ni Lisa

Good morning Tulog Mantika!
Mauuna na ako dahil alam Kong may gagawin ka..mag ingat ka! Sabay ka nalang sa amin maglunch

                                       -Lisa <3

Hehe ang sweet sweet niya talaga ^__^

Naligo na ako at saka nagbihis ng isang maluwang na T-shirt at jogging pants nag sneakers nalang din ako.. Pagtingin ko sa salamin

Hehe..Ang baduy Kong tingnan! Pero Hehe wala akong pake, masyado maganda ang gising ko! ^____^

Naglakad na ako palabas ng dorm at pumunta sa TR..pagkalabas ko maraming nagtataka kung bakit Hindi ako naka-uniform pero Hindi ko nalang sila pinansin..

*******

"Good Mo-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagkabukas ko ng pintuan nakita ko pang natutulog si Harry..

Teka?! Dito siya natulog?!

Anong ginamit-

Tss..kaya naman pala inutusan akong magpalabas ng unan, kumot at comforter! Tsk talino ah!?

Pumasok na ako ng tuluyan at umupo sa uluhan niya..

"Haay, kung Hindi ka lang talaga mas bata sa amin irereto na kita Kay Lisa, walang lablayp yun..Oo aaminin kung gwapo ka at malakas ngunit,tsk ubod ka naman ng yabang! Ang yabang yabang mo!" Para akong timang na kinakausap ang taong tulog

"Tsk look who's talking"

"Ha?!, G-gising ka n-na?" Hala gising na siya?! Nakakahiya narinig niya lahat ng sinabi ko!

"Yup, because you're very noisy" sagot pa niya at dahan-dahang tumayo at kinusot ang mga Mata niya

"Hehe pasensya na, halika na pupunta tayo ng canteen mag-breakfast muna tayo" napapahiya Kong tanong sa kanya

"If its okay with you then let's go" sagot niya at sabay kaming pumunta sa canteen

"Jusmiyo Marimar sino ang kasama ni Mayzhell?!"

"Hala ang gwapo!"

"Nanliligaw ba siya Kay Mayzhell?! Kung Oo bagay sila!"

"Kyahh Oo nga no?"

Muntik na akong mapatid dahil sa huling sinabi ng mga babaeng estudyante ngunit agad naman akong inalalayan ni Harry

"Tsk"

Dumiretso nalang kami sa canteen at pag bukas ko ng pintuan

0____0

Insaktong nakaharap sa entrance sina Lisa, Mark,at Pearl bale napapagitnaan nila si Mark, at gulat silang napatingin sa akin....

*gulp

>__< AWKARD!

Takang lumingon naman sina Cassy, Mikaela, Eric at Nicolline at gaya Nina Lisa nagulat rin sila..

>>___<<

"Ah eh, Ha-harry pwede bang su-sumabay tayo sa sa-kanila?" Utal Kong tanong Kay Harry dahil binibigyan ako ng makahulugang tingin ni Lisa na para bang sinsabing 'may-hindi-ba-kami-nalalaman' look

"OK"

Pumunta kami sa table nina Lisa at naupo ako sa gilid ni Lisa at sa Harry naman ay nasa dulo, rectangular table ang table namin ngayon

Princess of the Forbidden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon