"Ugh! dapat ko ba siyang patayin o hindi?" napapakagat-labi kong tanong sa sarili ko habang pinag-iisipan kung dapat ko bang patayin ang isa sa mga bida ng storyang sinusulat ko.Nasa original plan ko naman kasi talagang patayin siya since I want Marcos and Jen to be together happily at the end. Pero ewan ko ba, masyado na 'rin kasing napamahal sa'kin si Mimi lalong-lalo na 'yong Operator niya na block-mate ko lang pala.
"Mag-e-ending na 'rin naman bakit ba ayaw mo pa siyang patayin?" napagitla ako at agad-agad na sinarado ang laptop ko nang may tumabi sa'kin habang sinasabi 'yon.
Sa totoo lang napapadalas 'yung pagiging magugulatin ko. Kaya nga minsan naghihinala na sa'kin si Thads, ang boyfriend ko. Pero dahil ako 'to, syempre mabilis naman akong maka-isip ng mga dahilan at isegway agad 'yong usapan para 'di na mauwi sa away. Hindi niya kasi alam na isa akong Author, but let me rephrase it. Isa akong Author na sikat na sikat ngayon pero walang nakakaalam ng identity ko maski itsura ko sa likod ng username ko sa Wattpad. Bukod na lang siguro dito sa babaeng katabi ko ngayon.
"Bwisit ka, Kiss! bakit ka ba nanggugulat?" medyo iritado pero mahina kong pagkakasabi. Iba na, baka makakuha pa kami ng atensyon at ayoko no'n.
"Hindi ka naman kasi magugulatin noon. Saka bawas-bawasan mo nga 'yan! kaya naghihinala sa 'yo 'yong boyfriend mo, eh. Honestly, mukha ka talagang nanla-lalaki sa ginagawa mo. Kung 'di ko nga lang alam 'yang sikreto mo baka pinaghihinalaan na 'rin kita, eh." irap niya. Saka ko lang napansin na may nginunguya na pala siya.
"Sa tingin mo? at teka lang wag mo kong inirap-irapan diyan ha! hindi tayo close." sabi ko at nakikain din sa nginangata niya ngayon. Infairness masarap!
Sa totoo lang kailan lang naman talaga kami nagkakilala niyang si Kiss. Wala naman kasi talaga akong permanenteng kaibigan dahil irregular student ako at mahirap humagilap ng makakasama mo talaga. It's just that napakaliit ng mundo para sa aming dalawa dahil Operator ko pala siya sa latest kong storya at siya ang may hawak Mimi. Kaya nga napakahirap din saking patayin siya dahil nga dito sa babaing 'to. Naawa ako, masyado rin kasing hopeless ang lovelife niya katulad ni Mimi.
"Hiyang-hiya naman ako ha? hindi talaga tayo close." pagkasabi niya noon, nilayo niya naman sa'kin 'yong kinakain ko.
"Joke lang! eto naman nagtatampo agad." saka ko kinuha muli 'yong pagkain. "Pero maiba tayo bes, naguguluhan kasi ako ngayon. Parang mas gusto ko na magkatuluyan sina Marcos at Mimi. Peste ka kasi, eh! bakit ka pa dumating sa buhay ko!"
"Hindi ako Author at alam ko namang alam mo na 'to pero doon ka sa kung saan ka sasaya sa ending ng storya mo. Yung hindi mo pagsisihan na nag-stick ka sa desisyon mong 'yon. At 'yung hindi ka masasaktan sa bandang huli. At isa pa, ikaw ang Author diyan tapos ako sinisisi mo? Don't me ha!" tignan mo 'tong babaeng 'to, hinugutan pa ko. Palibhasa minsan nang nagsisi sa naging desisyon sa buhay. Ayan tuloy iiyak-iyak ngayon!
"Kailangan talaga hinuhugutan ako? Hindi ka nakatulong bes." iling ko.
"Hindi naman kasi talaga ako tumutulong. Nandiyan na pala boyfriend mo! layas na me." paalam niya saka naman biglang umupo sa harap ko si Thads.
Ganyan talaga 'yang si Kiss. Never ko pa nga 'yang napakilala ng formal kay Thads dahil sa tuwing dumadating si Thads umaalis na agad siya o di naman kaya pag nakikita niya kaming magkasama hindi na siya lumalapit pa, kahit na tawagin ko pa siya. Ang dahilan niya? baka daw kasi madulas pa siya at siya pa mismo ang magbunyag ng sikreto ko kay Thads. Sa tingin niya naman maniniwala ako, eh, hindi mo nga siya mapagsasalita hangga't hindi ikaw ang nag-uumpisa lalo na kung 'di naman kayo close.
BINABASA MO ANG
Author [COMPLETED]
Teen FictionThe funny thing is nagsusulat ako noon dahil siya ang isa sa mga inspirasyon 'ko, pero ngayon nagsusulat pa 'rin ako dahil siya na ang bida sa masaklap 'kong storya. Masokista Series #1