Pagkahatid sa'kin ni Thads dito sa bahay, dumiretso naman ako agad sa kwarto at nagkulong. Kaylangan ko kasing tapusin yung naudlot na tina-type ko kanina dahil ngayon desidido na ko sa desisyon ko kung anong gagawin kong mega plot twist sa storya nila Mimi, Jen, at Marcos. Galing kasi ng boyfriend ko, kahit walang connect yung mga pinag-uusapan namin nakakapulot pa 'rin ako ng mga idea sa kanya. Iba talaga pag may inspirasyon!
Speaking of Thads, sa sobrang dami ng librong nabili niya panigurado isang buwan nanaman uli bago kami makabalik ng National Bookstore. Pero after naman naming bumili ng libro nanuod naman kami ng sine at ang seloso kong boyfriend ginitgit talaga ako sa tabi niya na halos masubsob na yung mukha ko sa kili-kili niya. Paano kasi may lalaking tumabi sa'kin kaya kunot na kunot nanaman ang noo ng loko. Imbis na ma-enjoy niya yung movie ni Captain America, mas gusto niya pa daw sapakin yung lalaking nasa tabi ko eh wala namang ginagawang masama sa kanya. Baliw talaga eh no? Baliw na baliw sa'kin.
Maya-maya pa habang chine-check ko yung group ko, bigla namang tumunog yung phone ko senyales na may tumatawag. Panigurado si Thads 'to. "Hello?"
"Hello Mahal? I'm home. Anong ginagawa mo?" bungad niya at narinig ko pang kakasarado niya lang ng kotse niya mula sa kabilang linya. Gawain niya na kasi yan, yung pagtawag sa'kin pag nakauwi na siya, kung anong ginagawa ko, at kung ayos lang ako. Ang sweet diba?
"Eto nagsa-sound trip lang." palusot ko at mas lalo ko pang nilakasan yung volume ng laptop ko para kani-paniwala. "Ikaw? diretso pahinga na agad mahal ah? wag ng makulit!" medyo bossy kong pagkakasabi, pero yun talaga yung gustong-gusto niyang attitude ko dahil ang hot ko daw tignan.
"Yes Madam! And by the way, check my facebook account okay? I love you!"
Aba mukhang may pakulo nanaman ang loko. Nung nakaraan kasing pinapa-check niya sa'kin yung facebook account niya may tinag siya saking long message with our picture together. Ang dami ngang naki-comment dun kahit hindi naman para sa kanila.
"Opo Mahal, I love you too!" sabi ko bago ko ibaba yung tawag.
Agad ko namang binuksan yung real account ko, mamaya na lang siguro ako makiki-update sa mga nangyayari sa group. Sobrang active kasi doon at napaka-friendly ng mga tao dahil na rin sa pamamalakad ng mga Admin ko. Tatlo lang naman yung Admin ko dun tapos yung isa wala ring kwenta, hulaan niyo kung sino? Syempre si Kiss. Never ko pa atang nakitang nag-post yun o nakisali sa mga diskusyon sa group gamit yung real account niya, basta magawa niya yung trabaho niya bilang si Mimi okay na sa kanya yun. Bali dalawa lang talaga silang active na Admin doon.
Pagbukas ko ng RA ko, bumungad agad sa timeline ko yung bagong profile picture ni Thads. Kaming dalawa yun sa restaurant kanina, siya ang gwapo-gwapo habang ako parang baboy na kumakain kaya stolen nga ang dating. Hindi ko alam kung dapat ba kong mainis, matuwa, o kiligin lalo na nung mabas ako yung caption.
'Kahit malakas kang kumain mahal na mahal pa 'rin kita. Kahit tumaba ka pa, kaya ko pa ring ipagsigawan kung gaano kita kamahal. I love you Maria Masori Montey.'
Sa tagal niya ng ginagawa yan minsan hindi pa rin ako masanay-sanay, mas gusto niya daw kasi yung stolen dahil mas angat daw yung ganda ko. Like wtf right? nagmukha ka ng baboy, naliligo ka na sa laway mo dahil tulog ka pa, nagmukha ka ng galit na gorilla dahil sa pang-aasar niya tapos maganda pa rin ako? Hindi ko siya maintindihan, pero ang nakakakilig na part doon kahit ganun yung ginagawa niya never niya kong kinahiya.
BINABASA MO ANG
Author [COMPLETED]
Teen FictionThe funny thing is nagsusulat ako noon dahil siya ang isa sa mga inspirasyon 'ko, pero ngayon nagsusulat pa 'rin ako dahil siya na ang bida sa masaklap 'kong storya. Masokista Series #1