Masokistang Masori #4

8 0 0
                                    



Pagkahatid sa'kin ni Thads sa bahay nag-stay pa muna siya saglit dahil inaya siya ni Mama na dito na mag-dinner at may ibibigay daw siya. Eto namang si mothershing at yung kambal ko pang kapatid na babae eh, tuwang-tuwa dahil nandito uli si Thads, secret lang natin 'to ha? Pero crush kasi nila si Thads lalo na yung kambal kong kapatid paano kasi boyfriend material daw. Eh kung pagsasabunutan ko kaya sila ano?


"Mag-iingat ka Thads anak, ikamusta mo din ako sa mommy at daddy mo." ngiting-ngiting paalam ni Mama at todo kaway naman yung dalawa kong kapatid. Naks naman, career na career!


"Yes Tita, I will. Thank you po uli dito sa brownies." sabi ni Thads at inangat pa yung dalawang box ng brownies na hawak niya.


Yun kasi yung sinasabi ni Mama na ibibigay niya daw kay Thads, sobrang paborito rin yan ni Thads wag ka! Hindi ko nga alam kung anong gayuma nilagay ni Mama diyan para maging baliw na baliw siya. 


"Sige na Mahal lumayas ka na. Bye!" paalam ko saka siya pilit na pinapapasok sa driver's seat. Baka kasi hindi na maka-alis kakadakdak nila eh anong oras na kaya!


"Jealous again, eh?" pangangasar niya pagkababa niya ng bintana ng kotse niya. 


"Ako? nagseselos? Leche wag ka ng bumalik dito!" irap ko saka bahagyang lumayo. Kabwisit mang-ara daw ba?


At ang loko tinawanan pa ko lalo. "Seriously Mahal? pati ba naman nanay at mga kapatid mo pinagseselosan mo?"


"Wala kang paki! I'm one of the kind." sagot ko na kina-iling niya naman. 


"I know, kaya nga patay na patay ako sayo." kindat niya at syempre pigil na pigil naman ang kilig ko. Hindi pwedeng masira ang pagi-inarte ko no!


"Ewan ko sayo! sige na lumayas ka na." kaya mo yan Masori! Pigilan mo ang kilig mo. 


"Oo na lalayas na po. I love you Mahal." sabi niya pero hindi ako sumagot. Grabeng pagpipigil 'to! Parang pagpipigil sa pag-ihi at pagtae, di ko keri! "Subukan mong hindi ako sagutin Masori, hindi talaga ako aalis dito." biglang seryoso niyang sabi kaya nabalik naman ako agad sa wisyo. 


"Oo na. I love you too!" naka-cross arm ko pang sabi. Saka naman siya ngumiti uli ng nakakaloko. 


"Ingat sa pagda-drive!" dagdag ko pa saka siya umalis. 


Nang makalayo na siya saka naman ako pumasok at tumulong na muna sa gawaing bahay. Matagal-tagal na rin kasi nung huling beses kaming magtulungan ng ganito dahil busy na kami sa kanya-kanya naming ginagawa lalo na ako at si Mama. 


"Anak, gaano katagal na nga pala kayo ni Thaddeus?" tanong sa'kin ni Mama pagka-akyat nung kambal. 


"Magdadalawang-taon na po next month Ma." ngiting-ngiti kong sagot ng maalala ko nanamang magdadalawang-taon na pala kami.


 "Ang tagal niyo na 'rin pala ano? Hindi ba kayo nagkakaroon ng mga problema ngayon?" tanong niya na kinatigil ko rin. Mga tanungan ni Mama nakakatakot! 

Author [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon