"Ate bilisan mo daw, naghihintay daw sa labas si Kuya Thads." sabi ni Nikki, kapatid ko na panganay sa kambal. Parehas pa nga silang nakapamewang habang sinasabi sa'kin yun.
Dahil sa kakamadali ko lumagpas na yung lipstick na nilalagay ko kaya gahol na gahol naman ako kakahanap ng ipangpupunas at buti na lang may inabot sa'kin si Bree na panyo, ang bunso namin.
"Thank you Bree, kanina pa ba naghihintay si Kuya Thads niyo?" walang lingon-lingon kong tanong habang nagpapabango na ngayon.
Simpleng lipstick, pulbo, at pabango lang naman ang kolorete ko sa katawan dahil hindi naman ako marunong ng mga make-up na yan. Yung napapanuod ko ngang pagkikilay napakahirap nung tinry ko nung isang beses ka tinigilan ko na agad. Saka nakakasayang ng oras!
"Hay nako ate, hindi nga napansin yung presensya namin ni Nikki kanina. Ayoko mang sabihin 'to ate pero naturn-off na ko diyan sa boyfriend mo." bakas ang iritasyon sa boses ni Bree kaya agad ko naman silang hinarap na dalawa.
"Bree! hindi mo dapat sinasabi yan. Hindi naman ikaw yung girlfriend eh." hampas ni Nikki sa kanya pero mas kapansin-pansin yung sinabi ni Bree kanina.
Kung kilala ko si Thads, syempre mas kilalang-kilala ko 'tong mga kapatid ko lalo na kung ganyan sila magsalita. Maldita at hindi man maganda ang ugali nila sa unang tingin, hindi mo naman sila basta-basta maiinis kaya malamang may nagawa o may hindi magandang inasal si Thads sa harap ni Bree kaya siya ganyan.
"Bakit Bree? Inano ka ni Thads?" kunot-noo kong tanong na kinabuntong-hininga na lang niya saka tumingin kay Nikki.
"Wala namang ginawa samin si Kuya Thads, ate. Pero kasi yung ngiti niya abot langit kaharap yung phone niya, hindi niya man lang kami napansin nung tinatawag namin siya. Kung hindi pa umubo si Mama sa harap niya hindi niya pa kami mapapansin. Okay lang ba kayo ate?" litanya ni Nikki na kinagulat ko naman pero hindi ko pinahalata sa kanila.
Ayoko kasing nalalaman nila yung mga problema o nagkakaroon kami ng tampuhan ni Thads dahil hindi mo talaga gugustuhing magalit 'tong dalawang 'to. Mukha man silang mga bansot at uhuging bata sa panlabas pero wag mo silang kakalabanin sa mga argumentong kahit alam nilang mali pinapatos nila para lang maitama. Ganyan sila, ayaw rin nilang nasasaktan ako kaya laking pasasalamat kong nagkaroon ako ng kapatid na katulad nila.
"Ang sarap ipakain sa kanya yung cellphone niya!" inis pa ring sabi ni Bree kaya hinawakan na siya ni Nikki sa kamay.
"Wala naman kaming problema ng Kuya niyo. Baka may binabasa lang, kayo naman kilala niyo naman yun." natatawa kong biro pero sa loob-loob ko mabigat din yung loob ko. First time kasing mangyari 'to at kahit kailan hindi naman umaktong ganun si Thads sa harap ng mga kapatid ko.
"Ay nako ate, hayaan mo na yun baka nga may binabasa lang si Kuya Thads. Sige na bumaba ka na! kanina pa naghihintay yun." nakangiting sabi ni Nikki kaya agad ko naman silang niyakap saka nagpaalam na.
"See you later! tulungan niyo si Mama ngayon ha? aalis ata yun ngayon kasi may padala si Papa. Hayaan niyo sisikapin kong umuwi ng maaga."
BINABASA MO ANG
Author [COMPLETED]
Teen FictionThe funny thing is nagsusulat ako noon dahil siya ang isa sa mga inspirasyon 'ko, pero ngayon nagsusulat pa 'rin ako dahil siya na ang bida sa masaklap 'kong storya. Masokista Series #1