Masokistang Masori #10 (Final)

19 0 0
                                    


"Happy 2nd Anniversary sa inyo! alam mo kahit alam ko namang magbe-break na kayo ngayon natutuwa pa rin ako!" natatawang sabi ni Kiss habang nasa daan pa rin yung paningin niya. 


Siya kasi yung nagpresinta na ihatid ako sa pagkikitaan namin ni Thads ngayon. Excited na daw kasi siyang makitang single na ko maya-maya lang. Ang samang kaibigan ano? ganyan yan! tamo sa susunod siya naman tatawanan ko.


"Wow ha! napaka-supportive mo talagang kaibigan." irap ko sa kanya. 


"Ganun talaga bes. Gusto mo pa bang ipamukha ko sayo kung gaano kasakit?" punyeta talaga 'tong babaeng 'to. 


"Wag na bes, nandito na kasi tayo eh. Hiyang-hiya naman ako sayo ipapamukha mo pa eh, mararanasan ko naman maya-maya lang. Kaloka!" sabi ko sabay bitbit ng shoulder bag ko. 


"Sayang naman. Oh! yung regalo na ibibigay mo baka makalimutan mo pa." natatawa niyang sagot saka inabot sa'kin yung librong dinaanan pa namin kanina. 


Hindi ko na naman siya pinabalot, nilagyan ko lang ng ribbon para makita talaga nila yung pangalan ko. Ready to publish na kasi yung storya ni Mimi, Marcos, at Jen next week pero humingi talaga ako ng tatlo ngayon ng mas maaga para ipang-regalo kay Shara, Thads, at Mama. Dapat nga si Kiss din at Anthony hihingan ko kaso naisip kong next week nanaman ipa-publish yung libro so, bumili na lang sila mayaman naman sila eh. Baka walang kitain yung libro ko kung ipapamigay ko na lang ng ipapamigay. 


Kung dati rin yung username ko lang sa wattpad yung nasa mga libro ko ngayon ni-request ko na rin na pati buong pangalan ko ilagay. Ganito na ko ka-confident ipamukha sa lahat kung sino si TripleMs, kung dati wala akong lakas ng loob at hindi sumagi sa isip kong magpapakilala ako sa ganitong paraan tignan mo naman ngayon? Sobra-sobra pa sa inaakala ko. 


"Thank you ha? wag ka sanang mabangga!" natatawa kong sagot saka sinara yung pinto at umalis na. 


Nagpahatid lang naman talaga ako sa kanya dahil pinapasa ko pa sa kanya yung case study namin sa LITT. Kaya subukan niya lang talaga mabangga kahit duguan siya ipapapasa ko pa rin yung CS sa kanya. 


Dumiretso agad ako sa entrance at nagbayad. Sobrang dami ring tao ngayon lahat sila masasaya, hayaan mo sila bukas na bukas din lulungkot din yan tamo! Pagkatapos magbayad dumiretso agad ako sa tapat ng ferris wheel dahil dito ko sinabing magkita kami. Hindi niya naman siguro ako balak indyanin ano? Umoo naman siya kahapon kaya wag siyang trash talk! sinabi ko pa ngang isama si Shara para ka ko after kong makipag-closure pwedeng maging sila na agad. Sakay sila ng ferris wheel tapos talon na rin sila para everybody happy!


And speaking of, hindi nga ako binigo ni Thads dahil kasunod ko lang pala sila. Taray naman ng dress code nila, pinapamukha talaga sa'king naka-couple blue shirt lakas maka-kulay langit galing namang impyerno. Bazaar!


Nang makalapit na talaga sila sa'kin binulungan pa ni Shara si Thads, tanga-tanga rin bumulong pa pinaparinig naman sa'kin. Sarap tampalin ng heels, sayang nga lang hindi ako nag-heels ngayon. "Iwan ko muna kayo baby ha?" sabi niya at tatangkain na sanang umalis ng pigilan ko siya.

Author [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon