"Spell lonely, K-I-S-S." natatawa kong sabi ng tabihan ko siya.Pagkatapos kasing sabihin ng kablock-mate ko na wala kaming klase ng isang buwan, tinanong ko din yung iba pa kung may pasok din ba sa ibang subject at ganun din ang sagot nila. Wala! Minsan talaga ang hirap din maki-update pag irregular student ka eh. Palagi kang huli sa balita!
"Wapakels." walang kagana-gana niyang sabi habang nagbabasa pa 'rin nung librong hawak niya. Hindi ko alam kung ano yun pero once ko na ring nakitang binabasa ni Thads yun. Mga bookworms nga naman!
"Che! hindi mo man lang sinabi sa'kin na wala pala tayong klase sa LITT. Kung hindi ko pa nakasalubong si Fita kanina hindi ko pa malalaman." reklamo ko pero parang wala pa 'rin siyang balak kausapin ako ng matino.
"Sasabihin ko sana sayo kahapon kaya lang dinaldal mo ko."
"What? dinaldal kita? eh kailan ka ba naging madaldal? Ang tagal kitang nakausap sa canteen tapos simpleng pagsabi lang na wala tayong klase ng isang buwan hindi mo masabi? Kaloka-"
"Tangina, hindi ka ba mananahimik? kasalanan ko pa 'rin ba yun? estudyante ka 'rin responsibilidad mo yan! Pagod na pagod na ko! sawang-sawa na kong lahat na lang kayo may sinusumbat at sinisisi sa'kin. Isang beses lang naman ako nagkaroon ng maling desisyon sa buhay bakit parang habangbuhay ko ng pinagbabayaran?" at sa hindi ko malamang dahilan bigla na lang bumagsak yung luhang sa tingin ko eh matagal niya ng ini-ipon.
Alam ko namang mali yung ginawa ko at biro lang naman yun. Pero ramdam kong hindi naman talaga para sa'kin lang yung pag-burst out niyang yan.
"I'm sorry-"
"Nope. I'm sorry." walang lingon-lingon niyang sabi at saka umalis.
Hahabulin ko pa sana siya pero may kamay na agad na pumigil sa'kin paglingon ko nakita ko si Thads na may pilit na ngiti sa mga labi. Narinig niya kaya lahat?
"Hayaan mo na lang muna siya. I can feel it, malaki yung dinadamdam niya at walang connect yun sa mga nasabi mo. Siguro hindi niya lang napigilan yung sarili niya." sabi niya at inalalayan uli akong maubo.
"Pero gusto ko kasing malaman kung ano yung bumabagabag sa kanya. After all, kaibigan niya na rin naman ako." buntong-hininga ko.
Maya-maya pa kinuha niya naman yung kamay ko saka niya pinagsiklop ang kamay namin. "Hindi sa lahat ng bagay kaylangan nasa tabi ka niya. Malay mo mas kaylangan niya talagang mapag-isa para makapagisip-isip sa mga nagawa nya. Ikaw na 'rin ang nagsabi hindi pa naman kayo ganun katagal na magkakilala or magkaibigan kaya it takes time para malaman mo yung dinadamdam niya. You can't force her anyway."
"Kung alam ko lang na ganun na pala yung nararamdaman niya hindi ko naman sasabihin yun. Ang manhid ko 'rin kasi eh!" saka naman ako napayuko.
"Don't say that! You are the best person I have ever met kaya nga kahit mukhang introvert yang kaibigan mo eh, nagawa mo pa ring makuha yung loob niya." biro niya.
"Mahal naman!" sabi ko sabay hampas sa braso niya. Infairness lumalaki ang braso niya!
"Just kidding! Pero honestly sa napansin ko sa kanya yun talaga ang kaylangan niya."
"Siguro nga. Pero teka lang mahal! Bakit nandito ka nga pala? Diba oras na ng practice game niyo?" sunod-sunod kong tanong at chineck ko pa talaga yung oras sa phone ko kung tama ba.
"Speaking of, sisihin mo yang librong pinapabasa mo sa'kin! tinapos ko pa kasi siya sa sasakyan kaya hindi ko na nakaligtaan yung oras."
BINABASA MO ANG
Author [COMPLETED]
Teen FictionThe funny thing is nagsusulat ako noon dahil siya ang isa sa mga inspirasyon 'ko, pero ngayon nagsusulat pa 'rin ako dahil siya na ang bida sa masaklap 'kong storya. Masokista Series #1