Ilang oras na kaming naghihintay dito sa labas ng ICU, hanggang ngayon kasi wala pa ring balita sa kalagayan ni Mama dahil wala pang ni isang doctor ang lumalabas kaya naman bawat minutong lumilipas hindi ko maiwasang kabahan at mapabuntong-hininga na lang.
Nang dumating naman si Tita Majoy, ang Mama ni Anthony. Mas minabuti niya munang iuwi ang kambal kahit pa ayaw ng kambal na iwan ako at si Mama na wala pang balita pero sa awa ng diyos sumama naman sila at pinangako ko na lang na tatawagan ko agad sila pag may balita na kay Mama. 7:16 na rin ng gabi pero hanggang ngayon nandito pa rin si Anthony at Kiss sa tabi ko, sinabi ko ngang kaya ko naman ang sarili ko pero sadyang makulit sila at ayaw akong iwan.
"Okay na ba ang pakiramdam mo Masori?" tanong ni Kiss na kinatango ko naman agad.
"Ikaw ba ayos ka lang? Anong oras na Kiss baka hinahanap ka na sa inyo."
"Wag mo nga kong intindihan ayos lang ako. Saka ako lang naman tao sa bahay kaya pwede akong umuwi kahit anong oras ko pa gustong umuwi." nakangiti niyang sabi saka tinungga yung tubig na hawak niya. Panigurado gutom na siya, kanina niya pa kasi ako inaasikaso at nahihiya na talaga ako sa kanya.
"Salamat talaga Kiss ha? panigurado kung wala ka dito hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka nabaliw na ko diyan sa tabi-tabi." natatawa kong sabi na kinangisi niya lang.
Siya kasi yung kumakausap sa'kin sa mga nagdaang oras bukod kay Anthony na naka-idlip na rin dito sa tabi namin. Siya nga rin yung nagpakain sa kambal bago sila sunduin ni Tita Majoy kanina kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Para bang malayong-malayo siya sa Kiss na nakilala ko noon? kaya nga tama talaga yung kasabihang makikita mo lang yung tunay mong kaibigan pag nandiyan siya sa mga panahong baon na baon na ang kalahati ng katawan mo sa lupa dahil sa problema, yung tipong kahit ang tanga-tanga mo na nandiyan pa rin siya para paulit-ulit kang gisingin sa realidad.
"Wala yun. What are friends for right?" natatawa niyang sagot. "Saka may hinihintay din kasi akong tao." makahulugan niyang sabi na kinakunot-noo ko naman agad.
"Sino-"
"Masori!" sabay naman kaming napalingon ni Kiss sa pinanggalingan ng sumisigaw na boses na yun.
Ayoko pa sanang maniwala pero ng makalapit na siya sa tapat namin parang kusa na namang tumigil ang mundo ko at nagsunod-sunod na namang nagbagsakan yung luha ko. Anong ginagawa niya dito? hindi ko naman siya sinabihan ha? Siya ba yung sinasabi ni Kiss na hinihintay niya?
"Alam mong ayoko siyang makita lalo na sa ginawa niya sayo pero kahit ngayong araw lang sumubok akong makausap siya alang-alang sayo. Kahit kasi alam ko namang kaya mo yung sarili mo ng wala siya, hindi ka naman namin pwedeng biglain. Alam ko ring dahil sa nangyayari ngayon hindi mo siya magagawang tawagan o balitaan dahil ayaw mo siyang puntahan ka lang dahil naaawa siya sayo pero wala namang masama kung iisipin mo na lang na pinuntahan ka niya ngayon dahil nag-aalala siya sayo kahit sa huling pagkakataon." litanya ni Kiss sa harap mismo namin ni Thads. Ang sakit marinig nung kahit sa huling pagkakataon kasi ramdam ko na, ramdam kong darating kami dun.
"Kiss..." pigil luha kong tawag sa pangalan niya pero nginitian niya lang ako saka pinunasan yung luha ko.
BINABASA MO ANG
Author [COMPLETED]
Teen FictionThe funny thing is nagsusulat ako noon dahil siya ang isa sa mga inspirasyon 'ko, pero ngayon nagsusulat pa 'rin ako dahil siya na ang bida sa masaklap 'kong storya. Masokista Series #1