"Oo, mahal na mahal kita pero gusto ko lang itanong kung mahal mo pa ba talaga ako?"
"Mygod Masori! ang drama naman niyan." irap ni Kiss bago ko pa naman ipublish yung first chapter ng storya ko.
Nasa canteen kasi kami ngayon, dahil wala naman talaga kaming pasok dito muna kami tumambay bago manuod ng game nila Thads ngayon. Himala nga dahil sumama ng kusa ang loka siya daw kasi ang tatayong tissue ko pag pinaiyak na naman daw ako ni Thads. Ewan ko ba sa babaeng yan, pagkatapos lang magkaroon ng emergency sa kanila noong nasa ICU pa si Mama, bigla na lang siyang nagbago. Para bang may magandang nangyari sa kanya para maging ganito siya ka-blooming, madalas na rin yung pagngiti-ngiti niya at yung pagiging madaldal niya.
"Wow ha! sayo pa talaga nanggaling yan eh, parang noon lang gustong-gusto mo nga yung mga ganyang klase ng kwento. Yung totoo anong drugs na-take mo ngayon?" ganting irap ko pagkatapos kong i-click yung shut down.
"People change lang talaga Masori, change is coming na nga diba? Nakikiuso lang ako." natatawa niyang sagot na kina-iling ko na lang.
Wala naman kasing matinong isasagot yan kahit anong pilit ko, magsasayang lang talaga ako ng laway. I wonder talaga kung anong klaseng emergency ang pinuntahan niya.
"Utot mo! change is coming ka pang nalalaman. Pahuli kita kay Duterte eh." sagot ko habang nagliligpit ng gamit.
Pupunta na kasi kami ng court para manuod ng game ni Thads, sabi niya kasi magte-text siya pag 3pm na para paalalahanan ako pero 3:15 na kasi kaya napa-isip na lang akong baka nakalimutan niya na sa sobrang pressure sa game nila ngayon. Marami rin kasing manunuod dahil open ang school ngayon sa mga outsider.
Malapit na kami sa court ng bigla naman kaming matigilan ng may tumawag kay Kiss. "Kiss!"
"Oy Claudine!" balik na tawag ni Kiss sa kanya.
"Buti na lang nakita kita nawala kasi yung number mo sa'kin. By the way, may practice daw mamayang 7pm sa field sabi ni big boss." sabi nung babae na kinakunot-noo ko naman.
Hindi na kasi sila lumayo sa'kin kaya rinig na rinig ko talaga yung pinag-uusapan nila. Ang pinagtataka ko lang talaga eh, ano yung tinutukoy niyang practice nila at 7pm pa ng gabi. Ang tindi naman ng big boss nilang yan.
"Ganun ba? sige pupunta ako." tango ni Kiss saka sila nagpaalam sa isa't-isa.
Syempre dahil dakilang chismosa ako. Hindi ko nanaman napigilan yung bunganga kong magtanong kay Kiss. "Para saan yung practice niyo na yun?" tanong ko habang naglalakad na kami papasok ng court.
Sobrang dami ng tao kaya punong-puno agad yung mga upuan, buti na lang talaga hindi kami doon uupo dahil palagi naman akong nakapwesto sa player's seats. Sobrang ingay din kaya halos isigaw na ni Kiss yung sinasabi niya.
"Kasali ako sa Black Archers ng school." sabi niya na kinalaki naman agad ng mata ko.
BINABASA MO ANG
Author [COMPLETED]
Teen FictionThe funny thing is nagsusulat ako noon dahil siya ang isa sa mga inspirasyon 'ko, pero ngayon nagsusulat pa 'rin ako dahil siya na ang bida sa masaklap 'kong storya. Masokista Series #1