Chapter 15: T.S.B.U

2 0 0
                                    


Nathalie's POV:

Nag lalakad ako ngayon at tumitingin tingin sa bilihan ng mga souvenir habang hinihintay sila. Nag bihis muna kasi sila dahil nabasa kame nung sumakay kame sa Rio Grande at jungle log jump. Ako kasi yung naunang mag bihis kaya ako heto nag hihintay sakanila -_-

Kasabay kong nagbihis sila Martin at Ken pero hindi ko na alam kung san sila pumunta.

May nakita akong teddy bear.
At ang cute niya.

"Ang cute Kuya mag kano po to?" Tanong ko dun sa lalake.

"350 po ma'am"  sagot niya. Sayang Hindi nakaya ng budget ko huhu. 200 lang kasi yung binaon ko tapos bumili pako ng shake kanina na 50 kaya 150 nalang tira.

Pabalik na sana ako dun sa bench nung nakita ko si Jacob na nakatingin sa gawi ko. Nung nakita niya naman na nakatingin ako sakanya ay umiwas siya ng tingin sabay hithit sa sigarilyo niya.

Hindi ko na siya pinansin. Naiinis padin ako sakanya no tinawag ba naman ako na stupid.

Umupo nako sa upuan at tumingin ulit Kay Jacob. Teka nasan na yung unggoy na yun? Bahala na nga baka sumabit na yun sa isa sa mga puno dito. Unggoy nga diba?

"Nathalie!" Humahangos na tawag saken ni Martin. At may hawak hawak siya na cute na cute na stuff toy. Kasama niya din si Ken,drake,Zac at travis na may dala dala ding stuff toy.

"Oh!" Iniabot ni Martin yung stuff toy na hawak niya habang hinihingal paden.

"S-saken t-to?" Tanong ko ang cute pa naman Neto nakakagigil.

"Wengya naman Nathalie ibibigay ba sayo ni Martin yan kung hindi para sayo?" Natatawang sabi ni Travis sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Babe!" Mag kakasama sila Trixie,Lexie,Ericka at Bea na nag lalakad.

"Babe oh para sayo!" Sabi ni martin Kay Trixie habang iniabot niya yung stuff toy.

"Salamat babe" sagot naman neto at tsaka binigyan ng halik sa pisngi.

"Alex oh!" Nakita ko naman na inabot ni Zac Kay Ericka yung teddy bear na hawak niya. Gulat na gulat namang inabot ni Ericka to.

"S-salamat" nauutal na sabi ni Ericka.

Ganun din ang ginawa nung iba. Si Ken binigay yung stuff toy Kay Bea at si Drake naman ay Kay  Lexie.

Napangiti nalang ako sa mga nakita ko. Pero hindi ko naiwasan na napatingin Kay Bea na nakatitig kay Martin.

"Nathalie nagustuhan mo ba?" Tanong ni Martin na parang pinag sakluban ng langit at lupa.

"Oo naman no! Ang cute nga eh" nakangiting sagot ko.

"Talaga??" Yung kanina na malungkot na mukha ay napalitan naman ng masaya na akala mong nanalo sa lotto.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Yow pre!" Lumingon ako sa likod ko kung sino yung binati ni Ken. Si Jacob pala.

"Oh! Hi unggoy tapos ka na bang maglambitin sa mga puno?" Natatawa ako habang tinatanong kay Jacob yun. Hahaha.

The Silence Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon