Chapter 17: T.S.B.U

10 0 0
                                    


Nathalie's POV:

Napatakip nalang ako sa tenga dahil sa mga naririnig kong putukan ng baril.

"Shit!" Narinig Kong sigaw ni Kuya na nasa harap ko.

Tinignan ko yung binti niya at waaah! May tama siya ng bala.

Tinignan ko kung sino yung bumaril sakanya at si Jacob ang nakita ko.

Nakita ko din na nasa likuran na ni Jacob si Martin at Ken. May inihagis si Ken na kung ano malapit sa amin ni Kuya.

"Waaaah! Bat wala akong makita" sigaw ko. Pagkahagis kasi nun ni Ken ay wala nakong maaninag na kahit ano.

Naramdaman kong may bumuhat saken kaya sumigaw ulit ako.

"Waaaah! Bitawan mo nga ako kung sino ka man!!!!!" Sigaw ko.

"Fuck! Di mo kailangan sumigaw panget!" Ay si Unggoy pala.

"San tayo pupunta? Bat wala akong makita?" Tanong ko naman kinusot kusot ko pa ang mga mata ko pero wala padin.

"Uuwi na tayo! Babalik din yan maya maya!" Sagot naman niya.

"Matulog ka muna" narinig Kong bulong ni Jacob sakin.

Agad ko ding ipinikit ang mata ko dahil nahihilo pako may konting kirot parin akong  nararamdaman sa muka ko. Naalala ko sinampal sampal pala ako kanina huhu.

------

"Aww" nararamdaman ko kasi na parang may sumusundot sundot sa muka ko.

"I-im sorry to disturb you"

Agad agad akong bumangon dahil nakita ko si Jacob.

"Jacob nanaginip ata ako" sabi ko naman. Grabe ang sama ng pana---

"No you don't!" Sagot naman niya habang pinapahidan ng kung ano ang muka ko. Ginagamot niya pala ang mga sugat ko. Ibig sabihin na kidnapped pala talaga ako dahil may mga sugat ako.

"Anong ginawa nila sayo bat may mga pasa ka sa muka?" Tanong niya.

"Ang naalala ko lang ay yung sinampal sampal ako" sagot ko.

Kinuha naman ni Jacob ang mga kamay ko na may sugat din dahil sa pag kakatali saken.

"Salamat!" Sabi ko naman. Habang tumatagal nawawala na ang inis ko sakanya. Pakiramdam ko kasi pag kasama ko siya safe na safe ako.

"Tungkol pala kanina ano yung hinagis ni Ken?bakit nawala yung paningin ko?" Tanong ko habang siya naman patuloy lang sa pag gagamot ng sugat ko.

"Flashbang ang tawag dun Nathalie. Kapag hinagis mo yun panandaliang mawawalan ng paningin yung mga taong malapit sa lugar ng pinag hagisan nun" si Ken na kakapasok lang sa kwarto ko.

The Silence Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon