Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit iyak nadin ako nang iyak nung ikwento saken lahat ni Ken lahat nang tanong sa utak ko nasagot na.Ang sasama nila bakit nila kaylangang gawin to sa bestfriend ko naaawa din kay ken kasi sabi niya wala siyang nagawa di niya naligtas yung girlfriend niya nandun siya pero di niya nagawang makita ang mga gumawa non ganon din ang naramdaman ko sinisisi ko din ang sarili ko..
"Ken oh kape ka muna." Pag aalok ko sa kanina pang tulala na si Ken.
"Salamat nathalie ." Sagot niya.
Makalipas nang ilang oras nag paalam na si Kennedy.kaya ngayon ako nalang ulit ang mag isa dito sa apartment.
"Hayy!" Buntong hininga ko pag ka higa ko sa kama at chaka pinikit ang mga mata ko.
"Miss na kita bhie" umaagos na ang luha ko habang nakapikit hanggang sa nakatulog nako.
-kinabukasan-
Kaylangan kong pumunta ngayon sa convenience store para bumili nang pangangailangan ko sa bahay wala kasi akong pasok ngayon sa school at mamaya pa ang part time job ko.
Nag lalakad ako ngayon at tulak tulak ang push cart.
"Nasan na ba yung mga noodles aysht" bagot na bagot na tanong ko sa sarili ko.
Hindi ako naka tingin sa dinadaanan ko kasi hinahanap ko nga yung station nang mga noodles.
Nang biglang.
*Bugshhh*
"Fuck"
Bulyaw nung nasagasaan nang pushcart ko.
" di kaba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!!!" Sigaw niya.
Parang pamilyar boses niya?
"S-sorry po.di ko po sinasadya" sagot ko ng nakatungo.
"Tss. Tanga ka kasi. Stupid!"
Aba sumusobra na to sa pag mumura ha!"Aba naman nag sorry na nga diba! Tao lang nag kaka ma--.. J-jacob?" Kaya pala pamilyar ang boses nang loko.
"You?!! Miss?" Gulat na tanong niya.
" Nathalie Maurer" sagot ko agad makakalimutin na pala to eh.
Dumire diretso na siya na parang walang tao sa harap niya. Abay bastos to ah!
Tulak tulak ko ulit yung push cart ko at ayun finally nakita ko na ang kanina ko pa hinahanap.
Naiinis paren ako dun sa Jacob nayun walang hiya akala mo hindi babae yung kausap eh.
"Aysshht Gwapo sana yung Jacob na yun sama nga lang nang ugali." Bulong ko.
Matapos kong kunin yung mga noodles na bibilhin ko tinulak ko na yung push cart papunta sa station ng mga de lata. Tapos laking gulat ko na malapit ko nanamang mabangga ang kakaliko lang na si Jacob.
BINABASA MO ANG
The Silence Between Us
Fiksi UmumThis story is inspired by YanaJin's story 'MHIAMB'