Keziah's POV
September 19, 2012
Dear Diary,
Ang sarap pala talaga ng feeling na may crush, no? Mas masaya pa kaysa sa pakiramdam na may boyfriend. Less pain and less heartbreaks. Anyway, si Matthew Macaraig nga pala ang tinutukoy ko. Yung taga IV-Aquamarine! Yup, weird no? Bigla ko nalang na-feel eh, hayyy. Basta, ewan. Di ko maipaliwanag. Nagsimula ang lahat nang hiramin niya ang watercolor set ko more than a week ago. Since then naging close na kami. One thing's for sure though, hinding hindi ko to sasabihin sa kanya. I'll do whatever it takes wag niya lang malaman ang aking lihim na pag-admire. Good night!
~Keziah
The next morning..
*Yawn*
Good morning world. :) Tuesday ngayon at mukhang magiging masaya ang araw ko today.
Mukha lang naman, pag-tinggin ko sa aking orasan...
PATAY! Late na ako! 5:30am na, magpla-plantsa, mag-luluto at maliligo pa ako! Plus, mayroon pa nga pala akong homework na hindi pa tapos.
Paano na 'to? T_T
Mabilis kong inayos ang aking higaan at nag-prepare for school.
6:30am na ng maka-alis kami ng bahay.
Hindi na ako nakapag-luto ng almusal para lang hindi lalong ma-late sa school. Bibili nalang ako ng tinapay sa bakeshop malapit sa school.
Pero wala, walang bakery na bukas. Nakakainis naman.
Nagre-reklamo na ang sikmura ko. Late na ako! Late na ako! Sigaw naman ni brain. Grrr...
No choice, bibili nalang ako ng Stick-O para masaya.
Mahilig kasi ako sa sweets kaya, ayun. >_<
Malapit na ako sa school campus namin ng napansin kong parang ko-konti palang ang mga istudyante at pati si manong gaurd pa sitting pretty lang sa kubo niya. Anyare? o.O
Sumilip ako sa may karinderia na lagi kong kinakainan dati tuwing lunch at nakita kong 5:50am palang. For some reason, napaka advance ng aking relo sa bahay. >.< Kaya naman pala parang ang dilim pa nung umalis ako. Haixt..
Nagsimula ako maglakad ng dahan-dahan papasok sa school campus, wala na akong rason para magmadali pa. Kumakain ako ng Stick-O plus ang dami ko pang dala. Mahirap kaya mag-sprint pag ganun, di ba?
Nakayuko lang ako, tila bagang nahihiya ipakita sa mundo na mahilig ako sa mga pagkain ng bata.
Nasira ang aking pagse-senti moment ng may biglang humampas na illustration board sa balikat ko.
"Uy, ano ga yan?! Agang-aga Stick-O agad?" halos pasigaw na sabi ni Matthew with matching ngiti.
Tuminggin lang ako sa kanya na blank ang expression ng mukha ko.
"Eh, wala eh. Hindi ako nakapag-almusal kanina kakamadali." sagot ko na parang wala sa sarili.
"Ah kaya naman pala. May review ba kayo mamaya?" -Matthew
"Oo, palagi naman. Whole day ulit kami. Ikaw, may practice ka?" -Ako
"Oo." -Matthew
"Sige, dito na ako. Bye." -Ako
Nag-nod lang siya at naglakad na ako papunta sa corridor namin.
Bigla nag sink-in sa utak ko......
KINAUSAP AKO NG CRUSH KO!!!! WHOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hahahahaha. Sorry slow, ganito talaga ako pag hindi nakakapag almusal. XD Basta, wala na. Buo na ang araw ko. :D
Pag-pasok ko ng room, abot tenga ang aking ngiti.
"TROPA! Good morning!" -Sigaw ko with matching tono ni Chichay pag nag-greet. Haha.
"Oh, ano nangyari sayo?" -Tropa Love, isa sa pinakamasasayang kasama na tao sa room. Ang sweet niya din mag kwento. At may hawig kay Margaux ng Ina, Kapatid, Anak. Bawasan mo lang ng konting height. Haha. Pero mahal ko yan. :D <3 Napakabuti niyang kaibigan.
"Ah, kasi tropa. Kasabay ko papasok si crush!! Hahaha." -AKo
"Ay, may crush ka pala dito sa school? SINO?!" -Tropa Love
"Secret.. mamaya ko nalang ikwe-kwento sayo para may suspense. Haha." -AKo
"Ayiieee.. alam ko yan!!!" -Noreen isa sa aking classmates na mabait din. :)
"Ha? *nagulat*" -Ako
"Crush mo pala yun. Nakita ko kasi kayo kanina." -Noreen
"Ahh.. haha. wag mo nalang ipagkalat, please? Parang awa mo na." -pagmamaka-awa ko sa kanya.
"Oo naman. Mapagkakatiwalaan naman ako. :)" -Noreen
"Okay, thanks." -Ako
"EHh.. Sino nga yun tropa?" -Tropa Love
"Basta mamaya na. Or when the right time comes, mag lilinis na muna ako. Bah-bye!" -At dali-dali akong lumabas ng room para pumunta sa area ng aming lilinisan.