Ilang araw na rin ang nakalipas at dahil palagi kami magkasama ng crush ko dahil siya'y nagpra-practice at ako'y nagre-review sa School Publication Office, lalo kami nagiging close.
Pinipigilan ko ang aking sarili na hindi maging obvious sa kanya na crush ko siya. Ang pangit kaya pag ganun. Parang napaka-flirt ko. Hindi ako ganoong babae kaya as much as possible sinusubukan kong mag-act as if wala talaga akong feelings sa kanya.
Alam na din ng isa ko pang kasama mag review na si Lovely ang aking sikreto. At tuwing wala sa room ang taong yun, tinatanong ko siya kung obvious ba ako. Hindi naman daw. Except sa fact na halatang masaya ako pag kasama siya, wala naman daw iba pang signs na magpapahalatang ako'y may lihim na pagtinggin.
Nakahingga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
The day before the contest.........
Nandito ako malapit sa may Guidance Office, nakikisagap ng Wifi habang naka-tablet.
Nagqui-quiz kasi ako ng sarili ko. Hinahanda ang aking utak para bukas sa District Science Quest.
"Uy, pabukas naman ng facebook." -Matthew
Napalinggon ako ng marinig ko ang boses niya.
"Ala, hindi naman ito sa akin. At nagre-review pa ako. Alam ko na, may ginagawa ka ba?" -Ako
Umiling lang siya.
"Sige, ganito nalang. Itanong mo nalang sa akin yung mga nasa reviewer ko. Please?" -Ako
"Ha? Di pwede, may gagawin pa pala ako." -Matthew
"Geh! Ganyan ka." -Ako
Nagmamadali siyang umalis at pumunta ng stage.
Nakakainis naman. Nasaulo ko na kasi ang mga tanong na to. Gusto ko nalang patunayan sa sarili ko na alam ko na talaga ang information dito. Wala naman magre-review sa akin. -_-
Nag-tab nalang ako and after a few minutes.....
May umupo na tao sa tabi ko.
Sandali akong sumulyap sa aking katabi, SIYA pala! o.O
Hawak niya ang reviewer ko.
"Game. Modern LEDs work for thousands of....." -Matthew
Napangiti naman ako. Hindi niya din ako natiis. Or baka nabored lang. Haha. Di naman ako nag-aasume. :)
Hindi ko na siya pinatapos at ako na nag recite ng tanong.
"Hours, but how long did the first light bulb last? Hmmm.. 13.5 hours." -Ako
"Yah! Patapusin mo muna ako sa tanong. Wag kang bastos." -Siya
"Bastos AGAD? Di ba pwedeng excited lang?" -Ako
"Joke lang. Okay game next question." -Siya
"Who was the recepient of the first telephone call made by Alexander Graham Bell?" -Siya
"Thomas Watson." -Ako
"Ano sabi niya kay Mr. Watson?" -Siya
"Mr. Watson, come here, I want you." -Ako
"Hahaha. Tama." -Siya
Nakita ko si Rachelle sa may pintuan ng aming room, nakatinggin sa amin. Hala, baka mag selos yun.
Patuloy niya lang akong ni-review hanggang wala na siyang maitanong sa akin. Kaya nag recess na siya at ako nalang mag-isa ang natira ulit dito.
Nag-thank you ako sa pag-review niya sa akin bago ako umuwi.