"Nagsisinungaling ka." -Matthew
"Ha? Hindi ah." -Ako
Hindi naman kasi talaga ako nagsisinungaling kasi crush ko din yung si John Louis na yun. Pero crush ko din siya at nang tanungin niya ako ngayon lang kung sino ang taong hinahangaan ko, mas pinili kong sabihin na si Louis nga. Alangan umamin ako sa kanya? Ayoko ngang malaman niya di ba?
"Sabihin mo na kasi ang totoo." -Matthew
"Siya nga kasi, bakit ba ayaw mo maniwala?" -Ako
"Kasi naman. Alam kong nagsisinungaling ka." -Matthew
"Magtatanong ka tapos pag sinagot kita, di ka maniniwala. Ano to, lokohan?" -Ako
Seriously nakakainis na ha.
Nag log-out na din ako.
Bago ako matulog may nag text.
"On the way to Mindoro. Birthday ni Papa bukas. :) Ingats sa amin. Text?" -Gm ng crush ko.
"Ingats." -Ako
"Tnx. May tanong ako. Sayo ko gusto malaman. May gusto ko ga sa akin? Kahit noon o ngayon. MERON o WALA? Pili diyan sa dalawa." -Siya
Shocks. Yun yun eh. >_< Ang tagal ko bago nag reply.
Pero eventually,
"Meron. Pero ngayon 'konti' lang." -Ako
Napag-isip isip kong sabihin ko nalang sa kanya, para matapos na.
"Edi lumabas din ang totoo." -Siya
"Huh? Anong ibig mong sabihin? Alam mo?" -Ako
Shocking talaga ha. Paano niya alam? At bakit niya alam? o.O
"Oo." -Siya
"Paano?!" -Ako
"Ramdam ko. Hindi naman kasi ako manhid." -Siya
"Sabi ko nga. Pero kanino mo nalaman?" -Ako
"Kay tropa Rachelle mo."-Siya
OUCH. Para akong sinampal, pinagkatiwalaan ko yung tao tapos siya pa mismo yung nagsabi? T_T Masakit. Feeling ko tinraydor ako.
"Kailan?" -Ako
"Matagal na eh, di ko maalala." -Siya
"Okay. Pero sa totoo lang ga, ayoko na talaga magka-crush. Nasasayang ang friendship eh. Oh sya, tnx. Iiwas nalang ako. Bye." -Ako
I know ang OA ko siguro ng mga panahong ito pero, halerrr na saktan kaya ako. T_T
Mas okay siguro kung mag move on nalang ako. At mag kunwaring hindi siya nage-exist, di ba?
"Ha? Wag naman. Friends parin naman tayo eh." -Siya
"Okay." -Ako
"Galit ka ga?" -Siya
"Hindi ah. Pero sino ang crush mo?" -Ako
"Si Alex." -Siya
"Awts. Hindi ako galit. Nsaktan lang." -Ako
ARAY. Kung kanina sinampal ako. Ngayon parang may sumaksak sa akin sa puso. Si Alex nanaman?! Palagi nalang si Alex. Pati si John Louis si Alex ang gusto. Bakit ba lagi nalang siya? Bakit napaka-unfair ng mundo? T_T
Hindi ko na napigilan, umiyak na ako ng wagas. Basang basa na ang unan ko sa sobrang daming luha. Di ko namalayan nakatulog na ako.
The next day, naka text ko si Rachelle at nalaman kong hindi niya sinasadyang masabi kay Matthew na crush ko siya noong una palamang sila nag-text. Inisip ko ng mabuti kung kailan yun. At na-realize ko na yun yung mga panahong ang bait bait niya, at mas lalo kami nagiging close. Yun yung bago pa lamang kaming magkakilala. Mga three days after niyang manghiram ng watercolor sa akin.
Nakakapag-taka kasi hindi siya umiwas sa akin at sa halip ay mas lalo pa siyang nakipag kaibigan. Di kaya kahit konti gusto din ako ng crush ko? Ehmmm.. erase erase. Ayoko mag assume. Sana lang maging magkaibigan parin talaga kami. Kahit yun lang? :)
Eh simula palang pala, alam niya!
Walang duda, FEEL NA FEEL talaga ni Matthew na crush ko siya.