"ang tagal naman mag lunch time nagugutom na ko" bulong sakin ni Christine, ang bestfriend ko
nasa kalagitnaan kami ng lesson na Physics, one of my favorite subject dahil sobrang galing mag turo ng teacher na nasa harap namin ngayon.
napatingin naman ako sa orasan na nakadikit sa pader sa likuran naming lahat.
"Miss Austin?" nako lagot nanaman ako kay Mr. Ocampo
Isa nga siya sa pinakamagaling magturo dito sa Central Valley University pero ito ang pinaka terror sa lahat. kahit senior student na kami, grabe pa rin to magparusa.
"Sir?" dahan dahan naman akong napalingon dahil alam ko na kung anong mangyayare sakin
"you know what to do" sabay lapag niya ng chalk sa table niya habang nakatingin sakin
lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin rin sakin, medyo natatawa pa yung iba dahil alam nilang pasaway ako sa loob ng klase. pero hindi sa teacher na to.
"yes sir" dahan dahan akong tumayo at sinimulan ng ipasok yung mga gamit sa loob ng bag ko dahil mas mabuti ng wag palalain to dahil baka ibagsak pa niya ako sa klase niya at matanggal pa ko sa top students.
bago ako makaalis ay kinurot ko sa kamay si Christine. Natawa lang naman siya. Etong babaeng to napahamak pa ako sa kagutuman niya.
"oh Karen, Mr. Ocampo no?" nakita kong padaan si Russelle na kaklase ni Chace sa kabilang section
"Oo eh. excited daw akong mag break time, ayan pinalabas na ko" habang paupo ako sa bench sa harapan ng classroom namin ay tumigil si Russelle sa paglalakad para harapin ako "bakit?"
"wala naman. tsk tsk makita ka ni Chace diyan kokotongan ka non" sabay tawa at pasok sa kabilang classroom kung saan siya naka assign
Oo nga pala, lagot talaga ako kapag nakita ako non. ayaw na ayaw niyang nagiging topic kami ng school dahil maganda ang image naming dalawa dito. pero wala naman siguro to, napalabas lang naman ako hindi naman major diba?
napansin kong naglalabasan na sa classroom yung mga classmate ko. agad naman akong napatayo, hinihintay kong makalabas sila Christine. pero unang lumabas si Mr. Ocampo. Mag sosorry dapat ako pero dinaanan niya lang ako.
Sunod namang lumabas sila Christine.
"may assignment ba na binigay si Mr. Ocampo?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa canteen
"wala naman. sinabi lang niya na ireview namin yung tinuro niya ngayon dahil may quiz bukas." sagot ni Bea, isa sa mga kaibigan ko na kabilang din sa grupo namin
oh ano naman ang isasagot ko doon? wala naman akong alam sa tinuro niya ngayon. ang hirap talagang napapahamak pagdating sa mga major subjects.
"mag cr lang ako. mauna na kayo sa canteen" sabi ko sabay kaliwa sa may hallway papuntang cr
"kanina ka pa pinalabas ni Mr. Ocampo ngayon ka lang mag c'cr?" sabi ni Samantha, isa ring kabilang sa grupo namin
"bilisan mo na baka dito ka pa maihi" banat ni Margarette, isa din sa mga kaibigan ko
narinig kong nagtawanan sila habang ako hindi ko na sila nilingon dahil baka mabatukan ko pa sila isa isa. mga bwiset.
naglalakad na ko papunta sa cr ng may matanaw akong isang lalaking nakasandal sa pader malapit sa cr
"Hi Scarlet" ang malas ko naman
ngiting ngiting mukha ni Theo ang nadatnan ko malapit sa CR at siguradong pinalabas din to ng isa sa mga terror teacher na nandito.

BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
RomanceScarlet Faith Austin and her long time boyfriend, Chase Christopher Anderson has a relationship that envies by many. Everyone thought that they're going to last forever. But then here comes Theo Hatman, a childhood best friend of Scarlet who's going...