Two

6 0 0
                                    

"Gising na Faith, kumain na kaming lahat ikaw nalang hindi pa" nagising ako nang maramdaman kong hinawakan ni mama yung paa ko

"Faith gising na" narinig kong papasok si Chace sa kwarto para gisingin ako kaya agad naman akong tumayo

Nandito kami ngayon sa bahay namin sa Kawasaki. Malapit lang ang hotel kung saan naka check in ang mga magulang ni Chace. Napagdesisyonan nila na minsan dito matutulog si Chace at ang kuya niya sa kwarto ko kasama ako. Syempre sa kama ako, sa sahig sila.

"Gising na kaya ako! Niloloko ko lang naman si mama eh" sabay yakap ko kay mama "and please, don't call me faith"

"Oo na oo na kumain ka na doon nakakahiya ka pinapakita mo sa magulang ni Chace na batugan ka"

"kahit naman po batugan yan, mahal ko parin yan" sabay tingin at kindat sakin ni Chace "kain na tayo" yaya niya

"hindi ka pa kumakain?" tanong ko habang inaayos ko yung kama na hinigaan ko, and Iift my head up to glance at the clock on the top of my desk. it's now quarter to 12

"hinihintay kitang gumising para may kasabay kang kumain"

"edi sana kumain kana tapos sabayan mo nalang ulit ako. nangangayayat ka oh" napansin kong pumapayat siya netong mga nakaraang araw. siguro nagtitipid siya para sa pang bili niya ng singsing na suot ko ngayon. hindi kasi niya ugaling manghingi sa magulang niya ng pera. As long as na kaya niyang mag ipon, gagawin niya.

agad ko naman tinaas ang kaliwang kamay ko para titigan ang kumikinang sa daliri ko.

"good morning sunshine!!" habang nakangiti, ang sarap niyang tignan

"good morning din babe, sana napapansin mo pa ko" naka simangot niyang sabi sabay andig sa pader at pasok ng dalawang kamay sa bulsa niya habang nakatingin sa kisame. this boy!

mukhang ang aga niyang nagising dahil nakabihis na agad siya.

"ang seloso naman ng future husband ko. oh eto na kiss oh" sabay lapit sakanya ng nakanguso pero imbis na labi niya ang dumikit sakin, pinalo niya ang noo ko.

"kiss ka dyan. nandito sila mama oh, makita nila tayo ano pa isipin eh. tara na kakain na" hinawakan niya yung kamay ko para hilahin pero agad kong tinaas ang kamay ko in a surrendering way

"oops.. mag ttoothbrush lang ako" ngiting ngiting sabi ko

"bilisan mo ha" sabay talikod palabas ng kwarto

"yes sir!!" at nilagay ko ang dalawang daliri ko sa noo ko sabay baba na para bang nasa army kami

agad kong kinuha ang iphone ko na nasa ilalim ng unan ko at tinignan kung may notification. nakita kong may mga missed call at message ako sa facebook.

you missed a call from Theo Hatman

Theo: Scarlet let's talk. asap

you missed a call from Theo Hatman

Theo: Scarlet please answer your phone, I know you love me. please break up with him.

Theo: Alam niya ba yung nangyari satin?

"babe akala ko mag ttoothbrush ka na?" halos tumilapon yung phone ko nung marinig ko yung boses ni Chace

"yes babe. nag pm lang si Christine" shit. sana hindi niya mapansin ang pagsisinungaling ko.

"okay. be there in 5" nagsimula na siyang maglakad papunta sa dining room

ayoko. tama na yung pagkakamali ko na hanggang ngayon, pinagsisisihan ko parin. at ayoko ng malaman pa niya, dahil hindi ko kakayanin kung masisira kaming dalawa dahil sa katangahan ko. hindi ko kakayanin.

tumakbo na ako sa cr para mag toothbrush at magsuklay. nakakahiyang humarap sa magulang niya na ang gulo gulo ng buhok ko. pero bago ako lumabas ng cr, binuksan ko muna yung facebook account ko at blinock ko si Theo. pati sa instagram, at sa lahat ng social sites na pwede niya kong ma message.

nakarinig naman ako ng katok at halos matilapon ko nanaman yung phone na hawak ko. pinaglihi ata ako sa kape na kada may naririnig ako eh kailangan kong mamatay sa gulat.

"buhay ka pa ba?" boses ni Chace

agad kong binulsa yung phone na hawak ko bago ko pa tuluyang mabasag sa kakagulat ko bago ako lumabas ng cr.

"sorry dalawang beses akong nag toothbrush. let's eat" sabay hila ko sa kamay niya para makaupo na kami.

halos kaming dalawa at kuya nalang niya ang nandito sa bahay. mukhang kaming tatlo lang gagala ngayon dahil yung kuya ko ay nasa trabaho at yung mga magulang namin ay magkakasamang umalis.

"are you okay?" tanong niya, habang nilalagyan ako ng kanin sa plato ko

"teka ako dapat gumagawa niyan ah. akin na yan" aagawin ko sana yung bowl ng kanin pero mabilis pa sa alas kwatro niyang nilayo bago ko pa mahawakan

"hep! hep! hep! pagsisilbihan kita dahil kakagising mo lang at halatang hindi ka pa nagtatanggal ng muta mo" sabay hawak ko sa mata ko at kinapa yung muta na inaasar niya sakin pero wala naman eh. nilingon ko siya at nakita kong natatawa siya

"ikaw nang aasar ka!" sabay hampas ko sa braso niya

"ang cute mo kasi kapag naiinis" sabay kurot sa magkabilang pisngi ko

buti nakapagtoothbrush ako dahil baka kung ano naman ang iasar sakin neto.

"saan ka pala pupunta? bakit ang aga mong nakabihis?" sabay subo ng kanin na may tonkatsu.

"umalis lang saglit sila mama and tita may pupuntahan lang daw. pagbalik nila aalis na kami nila mama, pupunta daw kaming Mt. Fuji kasama si Akiyama-san"

si Akiyama-san, ay kaibigan ng mga magulang ni Chace. Build and Sell kasi ang trabaho ng mga magulang niya kaya marami rin silang nakikilala at swerte naman na may nakilala silang Japanese na pabalik balik lang ng Pilipinas.

"Eh bakit ang nipis ng suot mo? kahit october pa lang ngayon malamig na kaya" sabay subo ulit, nagutom ako sa haba ng tulog ko.

"magpapalit ako sa sasakyan ng damit. hindi pa naman talaga ito yung suot ko" sabay subo din siya ng kanin

"wow, may pageant?" pang aasar ko. ang arte talaga netong boyfriend ko, akala mo mag jojogging sa loob ng sasakyan at kailangan pa talaga magpalit ng damit eh pwede naman siyang mag suot ng jacket nalang.

"kilala mo naman si mama, masyadong neat-freak" patawa niyang sagot

kung sabagay, neat-freak naman talaga ang mama niya. naaalala ko pa na lagi siyang late natutulog kakaayos ng mga damit sa cabinet kahit sobrang ayos naman na. konting konti nalang, iisipin kong may OCD ang mama niya.

"magiging ganon din ako kapag nagkaanak na tayo-"

hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil biglang nabulunan si Chace. tumakbo ako papuntang kitchen para kumuha ng tubig at inabot ko agad sakanya.

"babe- naman- " halos nauubo ubo niyang sabi

"niloloko ka lang naman ikaw talaga ang sarap mong asarin" sabay pisil ko ng magkabila niyang pisngi at natawa din agad siya

"tapusin na natin tong pagkain natin para makapag pahinga ka bago kayo umalis"

habang kumakain ako ay pumasok nanaman sa isip ko yung message sakin kanina ni Theo.

alam niya ba yung nangyari satin?

No. hindi ko hahayaang malaman niya.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon