"Hindi dapat pinagbubuhat ang prinsesa" nakangiting sabi ni Chace habang inaagaw sakin yung maleta na hawak ko
pauwi na kami ngayon sa Manila dahil magsisimula na ang pasukan sa monday. tama na ang isang linggong saya at kilig. back to prison na.
"babe ang gaan gaan lang neto, hindi mo na kailangan makipag agawan sakin" sabay bawi ko ng maleta na hawak niya "may isa pa kong maleta sa loob ng kwarto ko ayun nalang kunin mo"
"sure ka okay na yan ah? parang mabigat eh" tutol niya
"ay ang kulit? kiss kita diyan" pangtutukso ko para bumitaw na siya
"sige nga" sabay nguso. wow ang lakas ng loob niya ngayon ha, palibhasa lahat sila ay nasa labas.
"tse! kunin mo na yung isa kong maleta doon" napansin kong sumimangot siya dahil hindi ko binigay ang gusto niya. wag kang ganyan baka hindi ko mapigilan sarili ko.
nagsimula na kong maglakad papunta sa van para ilagay yung maleta na hawak ko. agad ko namang natanaw sila mama at magulang ni Chace na nag uusap.
"Ma" sabay halik sa pisngi "Mag iingat ka palagi dito ha. wag mong pababayaan sarili mo"
"ako pa talaga ang pinagsasabihan mo ha? ikaw ang mag ingat. alam mo namang maraming masasamang loob sa Pilipinas" sabay cross ng dalawa niyang kamay sa dibdib niya
"hayaan mo Tin, ako ang bahala sa anak mo" habang nakangiti sakin at akbay sa balikat ko "parang anak ko na rin to kaya aalagaan ko siya hangga't kaya ko"
ang swerte swerte ko talaga sa mga taong nakapaligid sakin. hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ko nagawang makontento noon.
"salamat Mary, sainyo ng asawa mo. hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan sa pagmamahal at pagaalaga niyo sa anak ko habang wala ako sa pilipinas"
okay ang awkward kailangan kong humakbang palayo sa usapan na to. it's not my thing na makihalo sa usapan ng matatanda.
"pupuntahan ko lang po si Chace sa loob" paalam ko at nagsimula na kong maglakad
pagpasok ko ay nakita ko si Chace na nakaupo sa sala habang nag ttype sa cellphone niya. agad naman akong tumalon sa upuan para halikan siya sa pisngi.
"ang tagal mo. anong ginagawa mo dyan?" nakatitig lang ako sa mukha niya habang naghihintay ng sagot. he's so gorgeous.
"nagmessage si Theo" sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa screen
bigla akong kinabahan at halos hindi ko napansin na hindi ako humihinga. agad akong napatingin sa screen pero naka home na agad yung phone niya.
"bakit daw?" tanong ko
agad siyang tumayo para buhatin yung maleta na dapat kanina pa nasa van.
"nangangamusta lang" sagot niya habang nakatalikod at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay
ang cold ng boses niya. anong minessage sakanya ni Theo? Oh please wag muna hindi pa ko nakakauwi ng bansa baka mamaya bigla akong tumalon palabas ng eroplano habang nasa ulap kami.
agad naman akong tumayo para habulin siya at naabutan ko naman agad dahil ang bagal lang ng lakad niya
"babe ano ngang sabi?" pangungulit ko kaya huminto siya sa paglalakad
"bakit interesado ka? may iba pa ba siyang dapat sabihin?" nakititig lang siya sa mga mata ko
napatingin ako sa mga kamay ko habang nilalaro yung mga kuko ko "wala naman. malay mo may pinapabili o pinapasabay. syempre kapag may nasa ibang bansa diba ganon-"
hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil nagsimula na ulit siyang maglakad. nilingon ko siya at sinundan nalang din sa paglalakad.
Theo...
-
at Narita Airport
Naiiyak na ko. Ang tagal ko nanamang hindi makikita yung mga kapatid ko lalong lalo na si mama. pero mas naiiyak ako kasi hanggang ngayon hindi parin ako kinakausap ni Chace.
"babe what's bothering you?" tanong ko, ayokong magpahalatang may tinatago dahil baka lalo lang lumala yung nangyayare
"nothing" sabay ngiti "hindi ka gutom?"
ayoko talaga ng ganito. pakiramdam ko may mali talaga. ano bang sinabi sakanya ni Theo? hindi naman pwedeng "bro may nangyari samin ni Scarlet" agad ang sabihin niya.
"I love you, and if something is bothering you, it's best to talk about it instead of holding it in" agad ko namang kinuha ang kaliwang kamay niya pero biglang nagsalita yung mama niya
"papasok na tayo sa loob, mauna na kayong dalawa"
naramdaman kong hinugot niya yung kamay niya at kitang kita ko sa mga mata niya na hindi siya okay. I need to know what's happening inside of his head.
"tara na?" yaya niya
tumango nalang ako habang papasok sa loob ng eroplano.
"We're now starting to pre-board.." narinig kong sabi sa mic na boses babae
Ano ibig sabihin nun? "pre" means before diba? so pano yun? sasakay kami, bababa tapos sasakay ulit? hay kung ano ano na naiisip ko.
halos 4 hours ang byahe pauwi. 4 hours din akong mananahimik. I need to talk to Theo once I get back. hindi pwedeng mangyare to.
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
RomansaScarlet Faith Austin and her long time boyfriend, Chase Christopher Anderson has a relationship that envies by many. Everyone thought that they're going to last forever. But then here comes Theo Hatman, a childhood best friend of Scarlet who's going...