Nagising ako ng 12 ng hapon at nakita ko namang nakahiga sa tabi ko si Chace, tulog at mukhang sarap na sarap sa panaginip dahil inaalog ko pero hindi manlang nagigising
Binuksan ko yung tv at nilipat sa cooking show habang sarap na sarap parin ako sa paghiga dahil ang lambot ng kama niya tapos naka aircon pa.
Naramdaman ko naman yung pagyakap niya sakin.
"Good morning baby" nakangiti niyang bati, habang yung boses eh sobrang sarap sa tenga pakinggan kaya hinarap ko siya
"akala ko mag sisimba kayo?" tanong ko sakanya habang pinaglalaruan ko yung medjo curl at brown niyang buhok
"tapos na, para kang mantika matulog dahil nakaalis at nakauwi na kami tulog ka parin" natatawa niyang sabi
Hindi catholic sila Chace, kaya naman hindi ako makasama sa pagsisimba nila. hindi rin mahilig magsimba ang lolo at lola ko pero madasalin at maka diyos din silang tao. hindi naman nasusukat ang pagiging santo kapag nagsisimba ka diba? dahil may ibang tao na kahit araw araw nagsisimba ay mas masahol naman sa demonyo ang ugali.
hindi naman agad ako nakasagot sa pang aasar niya sakin dahil ang sarap titigan ng ocean blue eyes niya, samahan mo pa ng medjo makapal niyang kilay at matangos niyang ilong.
bigla nalang niyang inangat ang kamay ko. he's tracing the lines of my palm while singing lullabies. kakagising ko pa lang pero ready na ulit akong matulog. napapikit ako sa ganda ng boses niya, inaappreciate ko yung ganda ng pagkakagawa sakanya ng panginoon.
"sana, hanggang paglaki natin ganito tayo no?" napadilat ako at nakita kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa kamay ko at napatingin naman ako sa sobrang amo niyang mukha
"saan mo gustong tumira pagtanda natin?" napatingin din siya sa mukha ko at nahuli niyang nakatingin ako sakanya
"kahit saan, basta ikaw ang kasama ko" sagot ko sakanya habang hindi ko parin inaalis ang mga tingin ko sa mata niya. Okay ang corny ko, eh pano ba naman kasi nalulunod ako sa mga tingin niya na yan eh!
"Scarlet, I want you to achieve all of your dreams with me. gusto ko na ikaw ang kasama ko habang tinutupad ko ang mga pangarap ko, and I want you to do the same for me" bigla naman niyang hinalikan ang likod ng mga palad ko habang hindi niya inaalis ang mga tingin sa mata ko
and that's when I knew you were the one.
"I am willing to do everything for you" sagot ko
"babe?" mahinang tawag sakin ni Chace
"hmm?" sagot ko habang nakangiti
"you're the most beautiful girl in the world" habang hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa mga mata ko
and for the first time in my life, I actually believe it.
"lunch is ready" narinig namin kumatok si Ate Krizel sa pintuan, ang katulong nila Chace
"tara na" hila ni Chace sa kamay ko para makatayo agad ako
I don't know what I did right to deserve this kind of guy. I love his ability to put up with my endless crap.
agad ko namang kinuha yung phone ko at nakita kong may text sakin si Ate Cath.
Catherine Santos
punta ka dito sa condo movie marathon tayo 😊nagreply naman agad ako
'Okay be there in a while'
"Who are you texting with?" tanong ni Chace habang pababa kami ng hagdan para kumain
"Ate Cath asked me to come over to her unit. Movie marathon daw" sagot ko habang paupo ako sa hapag kainan
"I'll dropped you off and then I'll head to court. Nagyaya silang maglaro ng basketball eh" sagot niya habang inaabot niya yung spam na niluto ni Ate Krizel
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
RomanceScarlet Faith Austin and her long time boyfriend, Chase Christopher Anderson has a relationship that envies by many. Everyone thought that they're going to last forever. But then here comes Theo Hatman, a childhood best friend of Scarlet who's going...