Five

4 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Eastwood Cinema dahil naisipan namin ni Chace manuod ng sine kasama ang mga pinsan niya. Close ko kasi ang family niya kaya kapag may gusto kaming puntahan, nagyayaya agad kami. routine na namin manuod ng sine kapag walang pasok dahil sinusulit namin bawat weekend para kahit papaano ay hindi boring.

"She's the one!! maganda yon" sabi ni Ate Cath, habang nag tetext

"Oo nga ang hot ni Bea Alonzo don" singit naman ni Kuya Chad

"Sayo ba ano gusto mo?" tanong sakin ni Chace habang hawak hawak niya ang kamay ko

agad naman akong napatingin sa list ng mga showing ngayon

"mukhang maganda naman yung she's the one kasi 'hot daw si Bea Alonzo don'" diniinan ko talaga yung pagkasabi ng 'hot daw si Bea Alonzo don' dahil alam ko naman kung ano din ang nasa isip niya. sus mga lalaki talaga.

"ikaw lang naman ang sexy sa paningin ko" nakangisi niyang sabi

"heh" sabay palo ko sa braso niya. lakas nanaman niya mang asar ngayon kapag ako nagsalita nangangamatis naman yung mukha.

"oh tara na bili na ng ticket kunin mo yung late para last full show tayo. gusto ko munang kumain bago manuod nagugutom nako" sabay akbay ng kabilang kamay niya sakin "Pepper Lunch anyone?" tinaas niya yung kanang kamay niya, senyas na kung may magtaas din ay dun nalang kakain. parang voting.

nagtaasan naman sila ng kamay kabilang ako, dahil hilig na namin kumain sa Pepper Lunch. hindi ko nga rin alam kung bakit hindi manlang kami magsawa doon.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Pepper Lunch, syempre kabilang building pa yon. hindi kami papaawat noh.

"Ano sayo?" habang nakapila kami sa cashier ay tinitignan namin ang menu

Beef pepper rice lang naman lagi ang inoorder ko dito dahil ayon ang nakasanayan kong kainin. ayoko ng ibahin dahil baka mamaya hindi masarap ang maorder ko, alam mo yung takot na baka masayang lang ang pera mo sa hindi masarap na pagkain. take a risk sabi nila, pero ayoko magsayang ng pagkain.

"beef pepper rice" nakangiti kong sagot sakanya

"nanaman? babe try mo yung wild steak" sagot niya habang tinuturo yung sinuggest niyang itry ko daw

"eh.. ayoko" malungkot kong sabi. kapag ganitong may dalaw ako ayokong may tumututol sa gusto kong kainin, nakakalungkot

"okay okay I'm sorry. whatever my princess wants" sabay halik sa noo ko "mag excuse ka na doon sa waiter para makahanap na tayo ng uupuan. kami na ni kuya mag oorder"

hinila ko naman agad si ate Cath sa bakanteng upuan para makipag kwentuhan. close kami ni ate Cath, ayaw niya ngang tawagin ko siyang ate dahil nagmumukha daw siyang matanda. 2 years lang tanda niya sakin pero para lang talaga kaming magka-edad. syempre tumutol naman ako, hello ayoko mag mukhang walang galang. magkasama kami minsan pumarty. syempre dahil pasaway ako, may fake license ako para makapasok ako sa lahat ng club at bar na gusto kong puntahan. hindi naman ako baby-faced, kapag tinatanong ako kung ilang taon na ko, hindi din sila naniniwalang 17 pa lang ako dahil mukha na daw akong 19.

"kamusta Japan?" tanong sakin ni Ate Cath habang iniinom niya yung tubig na kakalapag lang ng waiter sa table namin

"okay naman, masaya" sabay kuha ko din ng baso ng tubig para uminom

"nakapag solo ba kayo?" tanong niya pagkatapos niyang ibaba yung basong wala ng laman. uhaw na uhaw ha.

"hindi. kasama namin sa kwarto si Kuya Chad" sagot ko habang binaba ko na din yung basong may kalahating laman ng tubig

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon