Hello wattbuddies :)
*Note ko lang po. Wala akong galit sa mundo. Nilagay ko lang po 'yung mga bagay na, maybe, iniisip na iba.
Enjoy reading! :)
----------------------------------------------------------------------------------
Hay naku, pasukan na naman. Nandiyan na naman 'yung excited ka sa first day of school kasi bago lahat ng mga gamit mo, pagkakataon na naman para makapag "show-off" ka sa friends mo at ikumpara lahat ng gamit mo sa kanila. Pero ako? Wala lang akong paki-alam, wala talaga. Plano kong maging invisible this year.
First day of school and
A NEW SCHOOL.....
Nakakatamad pumasok. Bitin ang summer vacation. Extend please? Pero wala na kong magagawa. Hayyy.
Ngayon, papunta ako sa bulletin board para makita ko ang section ko. Sa class A....wala, B...wala, C....wala, D.....wala, F......ayun! As usual, nasa last section parin ako. Ayaw ko kasi sa mga first section, masyado silang napapansin. Pag nasa pilot sections ka, aba! parang iba 'yung tingin nila sa'yo. Bakit kaya ganun?
Kaya hindi ko nilalagay sa ganoong sitwasyon ang buhay ko. Kontento na ako sa hindi ako napapansin. Okay lang kahit walang friend. Pag may nahanap naman 'yang iba iiwan ka rin niyan eh at hindi rin naman kayo magkakasama forever and ever. Kaya nga ako nagtataka sa mga BFFs. Forever daw? Ano 'yun "imagination"? Hayy naku tama na nga. Siguro naman time na para pumunta ako sa classroom namin diba?
Naglalakad ako sa corridor papuntang classroom namin. Tinitignan ko 'yung mga dumadaan. Lahat sila naka porma with their bags. Sunod sa uso? Sus. Nagpakahirap pa..
"OMG ang ganda ng bag mo. Swap tayo?" sabi nung isang girl.
"Haha. Sige ba. BTW, nakakatamad pumasok no? Dapat pala di nalang ako pumasok ngayon. Gusto ko lang kasi mag crush-hunting kaya ako pumasok." tas sabay pa sila tumawa. 'Yung tipo ng tawa na masakit sa tenga. Alam mo 'yun? Hayy naku, sana di ka nalang pumasok at titigan mo nalang 'yang bag mo magdamag sa bahay mo. Tapos an-
"Oww." Sabi ng lalaki sa harap ko. Tinignan ko siya. Nakasuot siya ng grey t-shirt na may nakasulat na "I'M HOT" tas naka-varsity jacket siya na color black and white, color beige na skinny jeans at color black na converse. Literal ang suot niya, sino ba namang hindi maiinitan eh naka jacket ka tas antirik-tirik ng araw ta-
"Ms. Janice R. de Asis, when are you gonna stop stepping at my foot" bigla akong napatingin sa paa ko. Oo nga. Nakatapak ako sa kanya.
"Sorry" 'Yun lang ang sasabihin ko. YUN LANG....teka pano niya nalaman pangalan ko? "Umm. pano mo nalaman name ko?" tanong ko naman. Curious lang, bakit ba?
"Well, duh? Nasa ID mo kaya." sabi niya sakin.
"Ah". Sabay lakad ako papalayo sa kanya ng tahimik na 'yung tipong halata na ayaw mong makipag-usap sa kanya. Pero paano na 'yan, may nakapansin na sa'kin. Hayy, hindi na ko INVISIBLE......
Sa wakas! Nakarating din sa classroom. Bakit kasi sobrang laki ng school na 'to? Ay, oo nga pala. Rich kids. Dagdag nanaman sa sakit ng ulo. Mahilig sila mag-judge eh... Sasabihin nila lagi Ew so gross!, OMG she's so blahblahblah, etc.
As much as possible, I stay away from the group of girls kaya pinili kong umupo sa pinaka corner ng room, katabi pa ng bintana. Perfect place para sa mga daydreamer like me. Nag-start nang magsalita 'yung adviser namin. Tungkol ata sa class officers election. Basta, wala na ako dun....
Masarap talaga tumingin sa labas tuwing may sinasabi ang teacher lalo na kung di ka naman interesadong makinig. Dahil d'on, ayun ang ginagawa ko ngayon. Marami akong nakikitang mga estuyante na tumatakbo papasok sa school. Madami din palang nale-late sa school na 'to?
"Okay class attention" napatingin naman ako sa teacher dahil tinutuktok niya ang hawak niyang tumbler sa desk niya. Ano 'to order in the court? Pero infairness, nakuha niya ang attention ng mga estudyante tulad ko. "I will now announce the class officers for this class"
President: Mervin Madrick
Vice President: Janice de Asis
Secretary: Katleen Aquino
Treasurer: Denielle Aquino
Auditor: Brixter Yadco
PIO: Gabriel Embes
Ahh. Sige. Okay....
OKAY? Teka paano ako napunta doon?
Tapos biglang napadpad 'yung mata ko sa lalaking nakatayo sa tabi nung teacher na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pangalan. Napagtanto ko na na nasira ang plano kong maging INVISIBLE. Wala na, sira na talaga promise.....
Kasi nakatayo doon si "I'M HOT"
----------------------------------------------------------------------------------------------
Hi guys :) Sana na-enjoy niyo bago kong story. Haha :) 'Yung names nga pala, sa mga friends ko 'yan so in short, totoo silang nag-eexist.
Sorry sa mga wrong spellings and grammars, hindi ko na chine-check 'yun kasi kumakain ako ng Ridges at Nacho habang ginagawa ko 'to. Haha :)
Wala lang. Pampagana lang..
Please vote & comment if you don't mind. Motivation narin :))))))))))
BINABASA MO ANG
The Weird World of the Weirdo Girl [Slow Update]
Teen FictionWhat will happen if suddenly all the expectations this year to be a good and peaceful year turned out to be the opposite? Or worse, it turned out to be a disaster?!