Hating Him

48 3 0
                                    

Hello ulit wattbuddies! :) Here's the next chapter.

Sinipag akong gumawa kasi.......... you know what?

WALANG PASOK!! ^^

BTW, Enjoy!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

WHAT THE-?! I hate that guy! Whoever you are, you can go now to heaven. Yeah, i mean NOW.

Pwede na sana kung mapansin lang eh. Okay na po ako dun. PERO DI KO INEXPECT NA MAGING CLASS OFFICER AT LALONG HINDI KO HINANGAD.

"Okay so yan na ang mga class officers natin. Officers, please come forward for some short introductions naman" sabi nung class adviser namin.

Masabi ko lang, ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat pag start of the school year ay ang INTRODUCTIONS. Kasi naman, para sa'kin, gawain lang 'yun ng mga bata di ba? Pansin mo sa mga nursery puro ganyan......Hayy

Lahat sila nasa unahan na. Pupunta ba 'ko?

Pupunta ba ko?

.

.

.

Sige na nga pupunta na ko. Hayy.......... Bibilisan ko nalang ang introduction. Hindi naman kasi kailangan na malanobela ang introduction diba?

Unang nagsalita si "I'M HOT"

"Hi guys. My name's Mervin Madrick. I transfered here from The Hotchkiss School in USA. I'll be counting for your cooperation from today onwards. Nice to meet you all"

Narinig ko 'yung mga mumurs na nanggagaling sa buong classroom, lalo na 'yung mga babae.

"OMG! He's from Hotchkiss! It was like-Oh my! One of the best schools in the world located in the US!"

"Yeah. Narinig ko narin 'yung school na 'yan. Is he an elite?"

"Probably. I want to be his girlfriend. Gosh! He's so hot!"

"Maybe he's also a musician. Ang alam ko maraming musicians dun eh. I wanna hear him play!"

Seryoso, malakas ang pandinig ko kaya naririnig ko 'yung mga sinasabi nila. So what kung ano man siya? Girls...Hayy..Tao parin po siya.

"Okay Miss de Asis. It's your turn" sabi ni Ma'am Adviser.

Kinakabahan ako. Magsasalita ba ko?

.

.

"Hey speak up. You're wasting time" sabi ni MISTER MERVIN.

May lakas siya ng loob makipag-usap sa'kin ng gano'n ha?!

"Janice de Asis. Nice to meet you" I shouted with a loud voice. Naiinis na kasi ako eh.

Magsasalita na sana si Ma'am para pagsabihan ako pero biglang nagsalita 'yung babaeng katabi ko. 'Yung secretary ata?

"Kateleen Aquino at your service!" tas bigla siyang nag-salute. Maliit siya at cute na may wavy hair and fair skin complex. Parang doll.

Pagkatapos ng intro niya, bigla siyang nag-smile sakin. Nakikipag-friend ata? Pero iniwasan ko nalang siya ng tingin at thankful nalang ako sa kanya. I was saved from the lecturing from my adviser. Dagdag pansin nanaman kasi 'yun eh.

Nag-intro narin ang mga iba pang officers pero di ko na sila pinakinggan. Basta ang alam ko, rich kids sila. Naghihintay nalang ako sa kanila na matapos kasi gusto ko nang bumalik sa upuan ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos na ang iba pang mga subjects at puro introduction lang naman ang naganap so, surely na yan, hindi ako nakinig. Dahil narin sa wala akong interes.

As of now, naglalakad ako papunta ng cafeteria nang biglang may humarang sa'kin.

"Hi Janice. I see now that you haven't changed even a lil' bit."

Huh? Bakit kilala ko ba 'to? Anong meron....

.

.

Mokong Mervin?

--------------------------------------------------------------------------------------------------

At diyan nagtatapos ang second chapter. Yey!

Sana naman nagustuhan niyo. Haha :)

You can comment or vote if you don't mind :))

The Weird World of the Weirdo Girl [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon