Author: Waa. Sorry sa inyo kung na fall out of interest na kayo dito sa story na 'to dahil po sa sobrang tagal na updates T^T. 'Yaan niyo, ita-try ko mag UD more consistently at mas mahaba.
-----------------------------------------------------------------------
Mervin's POV
Tsk! So ano naman ngayon kung may boyfriend na 'yung pangit na yun? Ano bang pakialam ko sa kanya? Bakit, kami ba?
Teka teka. Ano ba 'to? Bakit ko na siya iniisip? Arrgg! Nakakainis naman oh!
Makauwi na nga lang. Wala na kong gana pumasok.
...
"Nakauwi na ko pero siya parin nasa isip ko? Nasisiraan na ata ako ng bait eh."
Wala naman akong gana mag basketball.
Wala rin sa pagtugtog ng kahit ano.
"Makapag-internet na nga lang"
Pag bukas ko ng laptop, nag facebook agad ako.
"Ang dami naman nitong friend request. Puro babae pa. Akala naman ata nila i a accept ko? Manigas sila."
Speaking of mga babae, yung bruhildang yun, siya talaga yung naiiba sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Kaya siguro ako natutuwang inisin yun. Mahanap nga account niya..
Ano nga bang pangalan nun...Janice...de .... Di ko maalala -_-
Sinearch ko Janice de, ang dami naman lumabas puro Janice de Belen. Ano ba yan.
After millions of name, yun nakikita naman ako ng Janice de Asis. So tinignan ko yung profile. Wala naman siyang profile picture. Tas naka private pa yung account niya. Ang hirap naman mag stalk dito, ay este, mag investigate.
Ma i add na nga lang para malaman ko.
You better accept it. Ano choosy ka pa niyan? Yung iba nga di ko inaaccept eh tas ngayon ako pa nag add. Napaka swerte mo na.
---------------------------------------------------------------------
Janice's POV
Nakakahiya talaga kay Aaron-nii. Di lang sa kanya, pati sa mga parents niya pati sa kuya niya pati, ah basta sa lahat sa kanila.
Ito naman kasing si Mervin Mokong na to eh di pa ko tantanan. Nakakainis na ah. Akala niya ba matutuwa ako sa mga pinag gagagawa niya? Aissh!
"Mag lalaro nalang ako ng candy crush. Stress reliever."
Facebook:
Friend request:
Mervin Madrick
0 mutual friends
Ano nanamang kalokohan to? As if naman na i aaccept ko yan.
"Shocks! Laggers pa itong laptop. Kailangan ko na ata tong ipa repair?"
Click click click. Fudge, I hate you laptop.
"Yess! Meron na ulit.....wait..... You have accepted Mervin as a friend? WTH? Kainis naman kasi yang lag nayan oh!"
Di na ko nag dalawang isip, "unfriend" --> click.
-------------------------------------------------------------------
Hala umaga na. Parang ayaw ko pumasok, nahihiya ako kay Aaron-nii. Pero parang gusto ko rin naman kasi from now on makakasabay ko na siya on the way to school. Hayy.. Ano ba talagang gusto ko?
Toktok.
"Janny, wake up na. Maghanda ka na. Nakakahiya naman kay Aaron. Ikaw ah, may pa escort escort ka na nalalaman ngayon. Ayiie! Yung baby ko nagdadalaga na"
BINABASA MO ANG
The Weird World of the Weirdo Girl [Slow Update]
Novela JuvenilWhat will happen if suddenly all the expectations this year to be a good and peaceful year turned out to be the opposite? Or worse, it turned out to be a disaster?!