Chapter 21

18 3 1
                                    

Jason's pov

"Prrrrrrrrrttttt!! Dela cruz!! Ano ba?!" Sigaw sa akin ng head coach ko sa basketball. Nagppractice na kasi kami para sa nalalapit na sports fest ng school.

"Sorry coach."

"Alam mo Dela cruz, mabuti pa at umuwi ka na lang muna at magpahinga. Para kang laging wala sa sarili mo eh." Galit si coach, pero nararamdaman ko ang concern sa kanya.

"Pasensya na coach. Aayusin ko na talaga."

"No, I insist. Sige na, umuwi ka na muna."

"P-pero sir---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pumito na ulit sya at bumalik na sila sa pagppractice.

Inis na inis kong niligpit ang gamit ko sa bleachers at lumabas na ng court.

Akala ko hindi ako maapektuhan ng pagpapakasal ko kay Kate. Pero ang laki din pala ng impact nito sa akin.

Ayokong ikasal sa kanya. Ayokong ikasal sa kahit na kanino. Gusto kong maging malaya.

Flirt-Fuck-Farewell. 3F's. That's my motto.

Kate? I know nothing about her. Ang alam ko lang, they own a sinking company. They need someone to help them get out their bankruptcy zone. And yes, kami yun.

May kanya kanyang financial benefits na makukuha ang pamilya namin sa merge na iyon, pero wala akong pakialam.

Hinarurot ko ang takbo ng sasakyan ko dala ng aking inis. Basketball is my life. Dito lang ako nakakaramdam ng pagmamahal at kalinga.

Naiinis ako. Bat kasi ako pa? Bat di na lang yung kuya ko ang ipapakasal kay Kate?

Pinark ko na yung sasakyan ko at pumasok na ng bahay.

Nagulat ako ng nakita ko si Dad na may binabasang mga papel.

Didirecho na sana ako ng kwarto ng magsalita si Dad, "Ang aga mo yata?" Sabi nya ng di man lang tumitingin sa kin.

Di ko sya sinagot at maglalakad na paakyat ng kwarto ng magsalita sya ulit, "By the way, sign this papers. Kailangan 'to sa business agreement natin with the Ramos. Don't worry Kate would also sign this."

"Pwede bang mamaya na lang yan? Can't you see I'm tired?" Napagtaasan ko ng boses si Dad. Pagod lang talaga ko.

"Tired? Because of that basketball? Kung itinigil mo na yan? Sana tumutulong ka na lang samin sa business na 'to? Di mo gayahin ang kuya Jude mo!"

"Jude!!!! Ayan!!! Si Kuya Jude na naman?! Sana siya na lang kasi ipakasal mo kay Kate eh!!"

"That's the least you could do to this family, my worthless son."

I clenched my fist and I gritted my teeth. I want to punch him straight into his face. Pero tatay ko pa din siya.

Umakyat na ako sa kwarto ko at padabog na sinara ang pinto.

I miss my old family. I miss my old self. I miss mom. I miss her.

How I wish I could get her back.

****

Chloe's pov

It's been 3 days when Drei and I made out. Hinatid nya ko nun sa bahay, akala ko'y magagalit sakin si Papa pero hindi.
Before Drei said goodbye, hinalikan nya ko sa pisngi at ngumiti sa akin.

At yun na yun. Yun ang huli naming pagkikita. Friday is rest day dahil sa gala. Pero sunday na ngayon at di ko pa din macontact si Drei o si Louie kaya eto ako ngayon nagpahatid sa driver namin, papuntang bahay nila Drei.

Pagpasok ko, winelcome ako nung mga maids nila, ngumiti ako, tatanungin ko sana kung nasaan si Drei ng biglang sumulpot si Louie dala ang tray na may lamang pagkain.

"Uy! Ate chloe!" Sigaw ni Louie. Nakakapanibago lang dahil hindi "Baby Chloe" ang tawag niya sa akin.

"Uy," bati ko. "Nasan ang kuya mo?"

"Nasa taas, may lagnat kasi. Actually dadalhin ko 'to para sa kanya."

Ohh kaya pala di sumasagot si Drei sa tawag ko.

"Ako na lang ang magdadala," inabot naman sakin ni Louie yung tray. Kinuha ko na din ang tray at aakyat na sana ng may naalala ako.

"Bakit pala di ko macontact number mo?" Paguusisa ko.

"Ahh.. Ehhh nasira na kasi."

"Eh? Bat nasira?"

"Sinira ni Nicole."

Nagulat ako, "Huh? Bat naman sisirain ni Nicole?"

Napakamot ng ulo si Louie,"Maynabasa kasi siya eh. May... Kafling ako sa text. Nagalit kaya binasag phone ko."

"Kaya naman pala ehh."

"Yeah, ayaw nga nila mama palitan ang phone ko kasi I should learn my lesson daw."

Ngumiti ako, "Eh did you learned your lesson na ba?"

Nahihiya lang siyang tumango.

"You should treat every girl like a princess. Treat Nicole the way your Kuya treat me. Love my cousin the way your brother love me."

Then I went upstairs to see my boyfriend.

Author's note:

Hirap magback read para lang maalala yung name nila Louie at Nicole!! Nakalimutan ko na eh hahaha. So ibabalik ko yung quota na kailangan ko. I need lots of reads, and 500 votes!! Sorryyyyyy. Pakiramdam ko kasi ay wala ng nagbabasa except sa isa kong loyal reader. So as soon as you reached the quota, maguupdate na ako agad agad!! 😊 Again, thank you for the support!!

Getting You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon