Chapter 9

51 10 15
                                    

AUTHOR'S NOTE: Mehehehehe. Dedicated sa nagiisa kong tagacomment. hahahha. Yaan mo yung mga classmate mong ayaw magbasa, wahahaha. Grabe talaga flood yung comments jusme. Hahahahahaha loveyaaah <3

MAY BAGO AKONG TAGA UDDDDDD!! DI NA KASIK ACTIVE YUNG ISA. WAHAHAHAHA.

Kapag Wala palang A/N, sila naguud non. Pagako naguUD, lagikng may A/N x

ENJOY READING X

Chapter 9

CHLOE's POV

Pabalik na ko ng class ko. Pero inuusig pa din ako ng konsensiya ko TT^TT

Eh paano ba naman kasi?? Dapat ko bang sabihin kay Drei na may 'Other Woman' yung boyfriend ni Kate??

Eh kaso baka pag nalaman nya magwala na naman yun TT___TT Ano ba yun kasi?!

Dapat di ko na lang nakita yun ehh!!

Pero sure ako, sya yung Jason Morris Dela Cruz. Sya yung niresearch ko, sya yung nasa picture na binigay ko kay Drei dati.

WAAAAAHH!! Anong gagawin ko??

Angel Chloe: Sabihin mo kay Drei, para maipaglaban nya si Kate sa manloloko!!

Evil Chloe: Wag mong sabihin!! Lalo lang maiisip ni Drei si Kate!! Mawawalan ka na ng pag asa kay Drei!!

NAAAAAAAAHHH!! DI KO ALAM KUNG ANONG DAPAT GAWIN TT^TT

"Hmm.. sasabihin ko ba o hindi .. uhm.. ----AYY PUTAKTE!!"

nagulat kasi ako kasi may bumangga sa akin. Di ko nakita kung sino sya, dinampot ko kaagad yung mga gamit ko, nahulog kasi dahil sa pagkakabangga niya..

"Chloe..here.." sabi ng isang boses na tumutulong sa kin sa pagdampot ng nahulog kong gamit.

Yung boses nya .. Boses na hinding hindi ko malilimutan..

"T-thank you." tumayo na ako at kinuha na ang gamit ko.

Kasama nya pala si Melissa. Nakapulupot ang kamay ni Melissa sa mga braso ni Terrence..

"Hiiii!! Di ba ikaw yung ex ni Terrence?? Nice meeting you!! Ako yung new girlfriend ni Terrence." sabay abot ni Melissa ng kamay nya sa akin.

WOW. NICE WAY OF INTRODUCING YOURSELF -__-

"H-hi? I have to go, sige m-mauna na ako."

"Omg, parehas tayo ng class! Sabay na tayong pumunta ah??" at sa kin naman pumulupot yung kamay ni Melissa :"3

"Sige na baby! Mauna ka na. Sabay na kami ni Chloe." nakangiti nyang sabi kay Terrence.

"H-ha? S-sige." tanging naisagot ni Terrence.

At umalis na kami ni Melissa. Nakahawak pa din sya sa braso ko :"3 as if naman mawawala sya -__-

Patuloy lang kami sa paglalakad papunta sa room ng may naramdaman ako.

"Aray!!" napasigaw na lang ako bigla. Ang sakit kasi eh! Bumaon yung mga matutulis na kuko ni Melissa sa braso ko!!

"Shut up!" impit na sigaw nya.

Ano bang problema nya?? Kanina lang ang bait nya ah??

"At may nalalaman ka pang pabunggo bunggo effect kay Terrence para magpapansin?!" walang nakakarinig sa kanya. Tanging ako lang. Madami kasing tao sa corridors kaya maingay.

Anong problema neto??

"H-ha? A-a-aray!! Masakit!! Bitawan mo nga ko!!" Nababaliw na ba sya?! Di ko naman sinasadya yung pagkakabunggo kay Terrence eh! tsaka ano?! Ako?? Nagpapansin kay Terrence?!

Getting You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon