Chapter 25

18 0 0
                                    

Chloe's pov

As she promised, dumating si Patty in less than 20 minutes. Pumasok siya sa kwarto ko, naka pajama lang siya at jacket na may hood. Dala dala ang 2 bff fries, 2 softdrinks, 2 spaghetti at 2 chicken ala king galing mcdonald's.

"Hoy bat ang dami niyan?" Sabi ko sabay abot sa bitbit niyang paper bag na may lamang pagkain.

"Malamang, ano ikaw lang kakain?" Sabay upo niya sa ibabaw ng kama ko.

"Che! Dapat di ka na nagabalang pumunta dito may sakit ka oh!" Sermon ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at kumain na siya. Tumabi ako sa kanya at kumain na din dahil hindi ko naman nagalaw ang pagkain ko kanina habang kasama si Kate.

Habang kumakain ako, pansin ko ang pagkaputla ni Patty, pero hinayaan ko na lang siya at tinapos ang pagkain. Niligpit namin yung pinagkainan namin at sabay humiga sa kama ko.

"Anong problema?"

"Madami." Napabuntong hininga na lang ako habang parehas kaming nakatingin sa ceiling.

"Like?"

Bumuntong hininga ako, "My Dad is getting married."

"So?"

"I am scared okay? Baka pag nagkapamilya na si Daddy, baka makalimutan niya na ako."

"Yun lang ba? Don't be so selfish Kassandra. Your dad deserves to be happy. Hindi mo siya pwedeng pigilang sumaya just because natatakot kang mawala yung Daddy mo sa'yo. If you really love your dad, set him free and don't be such a self centered person, okay?"

That stung.

"Thank you for making me feel bad, Patricia."

"I never meant to make you feel bad, I am saying the truth. Doesn't mean I'm your best friend, ikaw na lagi kong kakampihan. Sometimes, you don't deserve to be comforted. Sometimes, you deserve to be slapped." She said with a giggle.

I chuckled, "That's very sweet of you."

Tumawa lang siya. Hindi ko alam yung gagawin ko kung wala si Patty.

"Oh, nakita ko si Kate kanina."

"Huh?! Anong nangyari????" Sabi ni Patty ng may excitement sa tono ng boses niya.

"Nagusap kami."

"Anong pinagusapan niyo???"

"I found out na he still love Drei. That she never stopped loving Drei."

"Are you kidding? Di ko siya maintindihan! Eh bat niya iniwan si Drei?!"

"It was a fixed marriage. Yan yung sagot. Nalulugi na daw yung kompanya nila Kate, and kailangan daw nilang makipagmerge kela Jason to save their company. Take note, Jason don't love her neither."

"I feel bad for Kate." Sabi ni Patty.

"Same."

"You should probably tell this to Drei."

"No, I can't."

"Ha anong di mo kaya?"

"Mahal ko na si Drei. Ayokong malaman nya 'to kasi siguradong makikipagbalikan siya kay Kate. Ipaglalaban nila yung pagmamahalan nila!"

"Baliw ka na ba? He could never be yours! He's in love with Kate!"

"HE WAS IN LOVE WITH KATE!" Nagulat ako ng mapagtaasan ko ng boses si Patty.

"He still loves Kate. Drei will never be yours." Kalmadong sabi ni Patty.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at umupo sa kama at nagsimula ng umiyak. "Why are you like that?! Bakit imbis na pinapalakas mo yung loob ko ginaganyan mo ko? I need you Patty! I need you here to make me feel strong!"

Umupo na din si Patty sa kama at nagsimula ng lumuha ang kanyang mga mata. Napansin kong may tumutulong dugo sa ilong niya, mukang di niya yun napapansin kaya sasabihin ko na sana sa kanya ng bigla siyang magsalita.

"You don't need me. You don't need your Dad. You don't need Drei. You don't need anyone. Because you know what I've learned? All we have at the end of the day is only ourselves."

Naghalo na ang luha, sipon at dugo ng ilong ni Patty pero she didn't even bother to wipe it off. Tinignan niya lang ako; yung mga mata niyang may matinding lungkot.

"I am your bestfriend..." I sniffed, "I need you... But why does it seems like you're turning your back to me, huh?"

She smiled bitterly and wipes her cheek with the back of her hand.

"Yourself is the only one who could save you from drowning."

Then she left.

I am drowning.

I am drowning in the sea of sadness.

And nobody's helping.

Pumasok ako sa school kinabukasan. Naging sobrang boring dahil wala si Ian Patty nor Drei. Sa isip ko ay mabuti na rin yun dahil di ko rin alam ang sasabihin ko kay Patty at Drei pag nagkataon.

Magisa lang akong kumain. Loner. Hindi totoo ang sinabi ni Patty. Di ko kayang mabuhay ng magisa. No man is an island.

4pm na at tapos na ang klase ko naglalakad na ko sa corridors ng makasalubong ko si Drei. Anak ng tipaklong pag minamalas ka nga naman!

Tumingin sa mata ko si Drei. Nagiwas ako ng tingin kasi di ko kayang titigan siya ng matagal.

Nagdiredirecho na ko sa paglalakad ng hawakan niya yung braso ko.

"Hey..." Cold na sabi ni Drei.

"Uuwi na ko Drei... Let me go."

"I'll drive you home then."

"Di na kailangan susunduin naman---"

"Hahayaan mong ihatid kita pauwi or bubuhatin pa kita papunta sa kotse ko?"

"You never gave me a choice! Madaya ka!" Tapos ngumuso ako. Narinig ko pang tumawa siya ng kaunti.

God, I missed his voice.

Naramdaman ko pang hinawakan niya yung bewang ko habang naglalakad kami. "Hoy chansing ka ah!" Pangaasar ko sa kanya.

"Nagpapachansing ka naman?" Tas tumawa siya at hinigit pa ko palapit sa kanya.

"Kapal mo!"

I love him. I can't just let him go. I'll be so selfish but I don't care. Di ko na kayang mawala si Drei.

Naglalakad na kami ni Drei papuntang car park. Tumunog na yung alarm nung kotse niya, papasok na sana kami ng kotse niya ng may tumawag sakin.

"Chloe!"

Sabay pa kaming napalingon ni Drei para lang makitang nakapulupot na naman ang kamay ni Melissa kay Terrence.

"I am so glad nakita ko kayong dalawa, right babe?" Tanong ni Melissa kay Terrence.

"Uhh.. Yeah." Naiilang na sagot ni Terrence.

"Oh by the way, Terrence's birthday would be in a month! I would like to invite you guys! It'd be held in a resort! It'd be more fun pag nandun kayo!"

Wow. Siya pa talaga nang invite?! Birthday celebrant ka teh? Naginit bigla ang ulo ko dito kay Melissa.

"But if di kayo makakapunta I'll understand." Dagdag ni Terrence.

Alam ko namang ayaw ding pumunta ni Drei kaya ako na ang sumagot, "Thanks but I dont think makakaattend kami ng party niyo---"

Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na si Drei.

"Sure thing. We'll be there."


A/N: Please comment. Di ako maguupdate hanggat walang nagcocomment huhuhu.

[To be continued]

Getting You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon