Chapter 23

13 0 0
                                    

I gasped. Classmate ko pala si Drei ngayon!! Bat ko nga ba nakalimutan!!

"Bat nakaplain white shirt ka?"

Uh-oh. There's no way I'd tell him na suot ko ang shirt ng ex ko.

"Ahmm.. Ano.. Hiniram ko kay.. Ahh! Hiniram ko kay Patty! Natapunan kasi ng pagkain damit ko eh." Pabulong kong pagpapaliwanag kay Drei.

Tinitigan nya lang ako.

"Do you expect me to believe that lie?"

Uh-oh.

"Ian says absent si Patty dahil masama pakiramdam niya."

Ang tanga ko talaga! Ugh!

"D-drei.. K-kasi ano eh kasi... Uhm.. Si Terrence nagpahiram nito. Natapunan nya kasi ako ng pagkain sa damit eh. Uuwi pa sana ako kaso baka malate pa ako. Sorry I lied."

And the moment I told him that, di niya na ako pinansin for the rest of the day.

😰😰😰😰😰

"Sa mall po muna tayo manong."

I need some refreshments. Ang daming nangyari sakin ngayon. Natapunan ako ng pagkain ng ex ko, tapos pinahiram ako ng extra shirt niya. Tapos dahil dun nagalit si Drei. Tapos, nabigla ako kasi ikakasal na si Daddy.

I want him to be happy but siyempre pag naiisip kong magkakaroon na ako ng mga kapatid, nalulungkot ako na masaya. Ay basta!

Dumaan ako sa isang bookstore para bumili ng mga art materials na gagamitin namin sa english club. Nang makuha ko na lahat ng mga materials na kailangan ko, napadaan ako sa mga section ng english novels. May nakakuha ng attention ko, ang isang attractive, violet book na nasa loob ng isang box na may crown sa tuktok. Isang maputing babae and nasa cover nito at naka color violet ring damit.


Tinitigan ko yung libro dahil manghang mangha ako sa cover nito, napaka majestic kasi tignan. THE CROWN ang title nito at may nakalagay sa ibaba na pangalan ng author na si Kierra Cass. Mukang nagiisa na lang yung book, at wala ng other copy sa shelves.

Akmang kukunin ko na ang libro ng may isa pang babae ang humawak dito.


"Bibilhin mo?" Tanong niya sa akin habang parehas pa rin naming hawak ang libro.

Napatango na lang ako.


"You should read its prequel first bago basahin to. Have you read THE HEIR?"

I shook my head.

She smirked. "Mas mahalaga ang una, kesa sa pangalawa. Remember that." Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ang libro pa ba ang pinapatungkulan niya.

I let go of the book. She smiled at me then puts the book on her cart.

"Oh, I think you liked the book that much. Mukang pareho tayo ng mga gusto." she chuckles. "We have the common interests, I really suggest we should talk."


"Sure."


Then we both went to the counter.

[To be continued]

Getting You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon