Chapter 8
"Baby Chloe!!" sigaw sa kin ni Louie pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay nila. Suot ko pa nga din yung uniform ko eh -__-
"Bakit Louie?! Anong nangyari? Nasaan si Tito at Tita??" nagaalala kong tanong.
"Wala pa sila dito. Baby Chloe, nagaway ba kayo ni Kuya?" tanong ni Louie sa akin.
"H-ha?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.
"Nandun sya sa kwarto nya. Lasing na lasing sya paguwi nya dito. Tapos nagwawala na sya dun sa kwarto nya. Di na namin maawat kaya tinawagan ka na namin. Baka nagaway kayo .." sagot naman ni Louie.
Nakakagulat. Imposible namang magkaganito si Drei dahil nagaway kami kanina. Such a lame excuse para maglasing at magwala. Tsaka isa pa, bakit naman sya maglalasing para sa akin? Ano nya ba ako? FAKE GIRLFRIEND lang naman nya ko eh TT^TT
"H-ha? Nasaan yung kwarto nya?"
hinatid agad ako ni Louie sa kwarto ng kuya nya. Dun lang nya ko hinatid sa labas ng kwarto ng kuya nya. Di pa kami pumapasok.
"Baby Chloe... magingat ka.. you have no idea kung pano magalit si Kuya Drei .."
Tumango na lang ako sa knya at umalis na din agad si Louie.
Paano nga ba magalit si Luke Andrei Perez? Kinakabahan ako.
Kahit natatakot at kinakabahan ako, nagawa kong buksan ang pinto ng kwarto ni Drei.
Ang dilim. Pero kahit madilim, kitang kita ko yung dark aura na nakapalibot sa kwarto ni Drei.
Tumuloy na ko sa loob ng kwarto nya. habang naglalakad ako, may nasanggi akong mga basag na bote at kung ano ano pang bagay sa sahig.
Agad kong hinanap yung switch ng ilaw sa kwarto nya, at nung mahanap ko na, agad kong binuksan.
"D-drei?" kinakabahan ako.
Walang sumagot sa akin. Kaya nilapitan ko na sya.
Suot nya pa din yung uniform namin, pero bukas na yung first 3 buttons ng polo nya. Nakaupo sya sa sahig ng kwarto nya. Umiiyak sya. Ang gulo talaga ng kwarto nya. Yung fist nya, may sugat.
Paglapit ko sa kanya, tinanong ko kaagad sya.
"D-drei? Anong nangyari?"
Tatanggalin ko na sana yung bote ng alak na nasa kamay nya ng bigla nya kong yakapin.
"K-kate... You're here ..." sabi nya habang nakayakap pa din sa kin.
Iba yung naramdaman ko. Ito yung first time na niyakap nya ko. Merong kung anong bagay yung nagpush sa kin para yakapin ko din si Drei. It was a comforting hug.
"K-kate ... Tell me you still love me .." utos ni Drei.
Naawa ako kay Drei. Ganito din ba ko nung malasing ako dahil kay Terrence? Naging desperada din ba ko? Ganito din ba yung itsura ko? Mukang kaawa awa ba ko nun?
Di ako nakasagot sa sinabi ni Drei.
"KATE!! TELL ME !! YOU STILL LOVE ME, RIGHT?!" sigaw ni Drei habang nakahawak sa balikat ko.
"Y-yes.. I love you Drei .. hush now .." sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko yung likod nya.
"I love you, Kate.." sabi nya habang nakayap sa kin.
Ayaw kong gumalaw. Hinayaan ko lang si Drei na nakayap sa kin.
Ilang minuto na ba kaming magkayakap? Na nasa ganitong posisyon? Ilang minuto na ba? Gaano na katagal?
BINABASA MO ANG
Getting You Back
General FictionPWEDE BANG IMEND NG BOTH BROKEN HEARTS ANG ISA'T ISA? PANO KUNG DAHIL SA ISANG "DEAL" AY MAGBAGO ANG TAKBO NG BUHAY NILA? PWEDE BANG MAUWI SA TOTOHANAN ANG PAGPAPANGGAP?