Chloe's pov
Isang linggo ang lumipas at palapit na ng palapit ang sports fest. Naging busy na rin ako dahil sa dami ng ginagawa ko pero I am thankful kasi nandiyan si Drei para tulungan ako. Paper works, reportings, at kahit ngayon. Sa pagdedecorate ng school court.
Nagkaayos na rin kami ni Patty at di na namin pa pinagusapan ulit ang pagaaway namin. At sa totoo niyan ay kasama ko sila ni Ian at Drei sa pagaayos ng court kahit di naman sila member ng english club.
Natapos ko ng magsort ng mga materials. Napatingin na lang ako kay Patty at Ian. Ang tahimik nilang ginagawa ang flowers made of crepe papers. Pero kahit ganun nakikita ko pa din ang pagiging sweet nila sa isat isa.
Napansin ko naman ang biglang pagsandal ng ulo ni Patty sa balikat ni Ian.
Hmp! Nagiinarte na naman siguro ang loka.
"You okay, sweety?" Sabi ni Ian kay Patty.
Napapikit si Patty habang nakasandal pa din kay Ian atsyaka hinilot ang sentido niya, "Yeah.. Okay lang ako. Nahilo lang ulit ako ng onti."
Napapansin kong lagi na lang siyang ganyan. Nahihilo o di kayay sumasakit ang ulo.
Iniwan ko ang ginagawa ko at nilapitan silang dalawa. "Patty, pansin ko lagi ka na lang ganyan. Baka may migraine ka na. Ipacheck up mo yan para makainom ka ng tamang gamot." Suhestiyon ko.
"Yes, but take this advil muna. It'll lessen the pain." Rinig kong sabi ni Drei na may hawak na gamot at mineral bottle. Kinuha ko ito at pinainom kay Patty.
Ininom din naman nya ito at idinilat ang mapungay niyang mata, "Really, I'm okay."
"Sweety ang lamig ng pawis mo..and you're getting pale." Nagpapanic na sabi ni Ian habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Patty.
Namumuti na rin ang labi ni Patty kaya nagpanic na ako.
"Ian! Drei! Let's bring Patty to the clinic!"
Medyo napalakas ang sigaw ko at napalingon na din ang iba kong club members na kanina'y nagdedecorate.
Dali daling binuhat ni Ian at Drei si Patty. Wala na itong malay kaya lalo akong nataranta.
Nakasunod lang ako sa kanilang tatlo habang binubuhat si Patty. Nang makarating kami ng clinic ay sinabihan kami ng nurse na isa lang ang pwedeng magbantay kaya hinayaan na lang namin si Ian.
Nagaalala ako kay Patty. Ano na bang nangyayari dun? Maysakit ba siya? Baka nga migraine lang. Oo, migraine lang yun.
Nang naglalakad na kami ni Drei para pumunta sa sunod na klase namin ay napansin niya yata ang pagkatulala ko.
He slid his hand at my waist then he pulled me closer to him. "Don't stress yourself out, my queen." Sabi niya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.
Hindi ko alam pero ang kaninang pagaalala ko kay Patty ay napawi ng kung anong kiliting naramdaman ko sa buo kong katawan sa ginawa ni Drei.
Natapos na ang klase ko at medyo natagalan pa ako sa pagpunta ng parking lot dahil pinuntahan ko pa ang clinic para sunduin si Patty pero sabi ng nurse ay nakauwi na lahat ng pasyente. Dali dali akong naglakad dahil kanina pa ako hinihintay ni mang danny for sure.
"Hindi nga po pwede Sir! Wag kayong makulit."
"Ikaw yung makulit manong eh! Sinabi ko naman na sa inyong boyfriend ako ni Chloe!"
"Kilala ko ho ang boyfriend ni ma'am Chloe. Si sir Terrence yun at di kayo."
"Manong?" Natigil sila sa pagtatalo ng dumating ako. "Ano pong nangyayari?"
"Ito po kasing lalaking ito, pinipilit na umuwi na daw ako dahil sa kanya raw ho kayo sasabay. Boyfriend nyo raw. Ha!"
Kumuyom na ang panga ni Drei sa inis kay manong.
"Manong? Umuwi na po kayo, kay Drei po ako sasabay." Pakiusap ko.
Napabuka pa ng bibig si Manong at tangkang magsalita pero walang lumabas na anumang salita. Nang makaalis na ang sasakyan na drive ni Mang Danny ay nagsalita si Drei.
"Get in my car."
Tss! Naiinis ako sa pagiging commanditative ni Drei!
Pumasok rin naman ako sa kotse niya pero ugh! Bat ko ba siya sinusunod!!
Nagsimula na siyang magdrive at ako naman ay nakatingin lang sa bintana at pinagmamasdan ang nagdadaang mga sasakyan.
"I hate that driver of yours. You could actually fire him right away because he's so rude to his master's boyfriend." Sabi niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela at ang isa naman ay nakasandal ang siko sa pinto ng kotse habang nakahawak sa labi niya.
"Hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Matagal ng nagtatrabaho si Mang Danny samin. He's been serving my family ever since. Kahit ng mga panahong wala pa ako."
"So?" Pagtataas niya ng kilay sakin.
"So?" Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Doesn't mean na matagal na ay di na pwedeng matanggal o mawala. People come and go." Ang lalim ng pinaghuhugutan neto ni Drei!!!
"What I mean is we trust him so much. At di ko siya pwedeng tanggalin dahil lang di niya alam na boyfriend kita."
"Then let him know. LET THIS PLANET KNOW."
Hindi ko alam pero parang gusto kong sundin itong utos ni Drei. Gustong gusto.
May parang nakakakiliting kuryente na naman akong naramdaman sa buong pagkatao ko. Malala na ko.
"Drei... I..."
"Never mind. Just forget it." Sabi niya ng lumiko siya pakanan.
Nako nagtatampo ang baby kong cute!
"Uy teka.. Dun sa kaliwa yung papunta sa subdivision namin." Nagtatakong tanong ng mapansin kong maling daan ang tinatahak namin ni Drei.
"I know." Madiin niyang sabi.
"Eh bat ka lumiko dito?"
"Because you're not going home yet."
Gustong lumukso ng puso ko sa tuwa. Pakiramdam ko ay sasabog na ko sa kilig. Feeling ko ay magdadate kami ni Drei. Or baka sa... Motel? Para ituloy yung naudlot naming ANO sa bar niya! Waaaahhh!!!
"A-ano? S-saan naman t-tayo p-punta?" Nauutal kong sabi. Feeling ko nagiinit ang muka ko sa naiisip ko.
"We're going to the hospital. Ian said Patty was sent to the hospital."
Agad nawala ang ngiti sa aking puso at ang kaninang tuwa ay napalitan ng takot at kaba.
[To be continued]

BINABASA MO ANG
Getting You Back
General FictionPWEDE BANG IMEND NG BOTH BROKEN HEARTS ANG ISA'T ISA? PANO KUNG DAHIL SA ISANG "DEAL" AY MAGBAGO ANG TAKBO NG BUHAY NILA? PWEDE BANG MAUWI SA TOTOHANAN ANG PAGPAPANGGAP?