Chapter 24

11 1 0
                                    

Chloe's pov

The moment I saw her, I know this is going to be awkward as hell. But we need to be civil. Besides bat ako magiging bitter sa kanya?

"A slice of strawberry shortcake and choco hot fudge please?" Sabi ni Kate sa waiter. Tumango lang ito at sinulat ang order niya.

"What about you ma'am? Would you like to try our best selling Oreo cream cake?"

Tumango lang din ako at ngumiti. I have to act like this is normal and it doesn't bother me.

Ngumiti sa akin si Kate, "I'm glad nakita kita dito. What a coincidence right?" She shows off her bright white teeth as she smiles. Oh crap, Drei fell inlove with these smiles.

"Yes," I gave her an awkward smile. "Actually pumunta ako dito para bumili ng decorations para sa nalalapit na school fest namin since club namin yung assigned para dun." Then I pointed the paper bag besides me.

"Oh, that would be so fun. I hope I could come."

No. Please. You're not welcome.

Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ba napakasama ko kay Kate gayong wala naman siyang ginagawang masama sa akin?

"Yeah sure," medyo nanginig pa ang boses ko. "I just hope mas maeenjoy natin unlike nung Gala." Tapos ngumiti ako.

"Oh yeah, speaking of the Gala," naputol ang sasabihin niya ng dumating ang order namin. Ngumiti siya sa waiter, kinuha ang purse nya at inabot ang 1,000 peso bill.

"Hey, ako na ang magbabayad." Sabi ko ng akmang kukunin ko na din ang purse ko. "No! Ako na." Then she smiled. "Keep the change, mister." Dagdag nya pa sa waiter bago ito umalis.

I stared at her for a moment. She looks so divine, immaculate, pure... Perfect. Her beauty is eternal. Sobrang tangos ng ilong niya, napakamaamo ng muka niya, para siyang si snow white sa ganda. Ito ang kinahumalingan ni Drei, no doubt.

She gets a tiny piece of her cake and starts eating. That was perfect.

"Tungkol nga pala ulit sa Gala," she took a sip of her juice then clears her throat. "I am really sorry for that. Ako na ang nagaapologize sa ginawa ni Jason. That was really so childish and immature of him."

I wipe off the crumb on my lips with a tissue. "Nahh, okay lang yun may kanya kanya namang flaws ang mga boyfriend natin right?" At ngumiti ako.

Nawala ang mga ngiti sa kanyang mga muka, "But Drei is... Flawless." At syaka sya muling ngumti.

The way na sinabi niya yun, nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. I found myself wondering. Hindi naman na niya mahal si Drei diba? Kasi siya ang nakipagbreak, siya ang nangiwan. Pero bakit nung sinabi niya ang mga katagang yun ay parang nilalarawan niya ang taong mahal niya. Hindi ba't si Jason na ang mahal niya?

Napansin niya siguro ang di ko pagsagot kaya nagsalita siyang ulit. "Did I offend you? I'm so sorry, Chloe. It's not what I mean."

"Okay lang, ano ka ba." Then I let out a fake chuckle from my mouth. "Kung para sa'yo ang tingin mo ay perfect si Drei, para sa akin di siya perpekto. Ang dami niyang flaws, ang dami niyang negative attributes. Pero tanggap ko lahat ng iyon. His flaws aren't really flaws, it's an art." Sabi ko ng may dignidad. Feeling ko nanalo ako sa debate kahit di naman kami nagdedebate talaga.

Ngumiti siya, pero kumikislap ang mata niya. Hindi dahil sa tuwa, ngunit dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.

"You do really love him, noh?"

"Of course, who wouldn't?" Sagot ko.

"No one. Not even me."

"Pero bat mo siya iniwan?" Nabigla ako sa nasabi ko. Ugh! Kung pwede ko lang mabawi ang nasabi ko.

Getting You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon