--------------------------------------
GYB **Chapter 2**
Chapter 2
"WHAT?! Bakit ka pumayag?!" Sigaw sa akin ni Patty.
Nasa bahay kasi ako nila Patty. Di muna ako dumirecho sa bahay, kasi for sure, papagalitan ako ni Daddy kasi di ako umuwi.
Oo, bati na kami ni Patty. Di naman kasi kami nagaaway ng matagal. Love na love ko kaya yung bestfriend kong yun kahit may pagka loka loka yun.
"No choice ako best. Tsaka sayang naman yung 282,450. Kaya ayun.. Pumayag na lang ako."
"Haay nako best, di ko akalaing papayag ka dun.." Parang dissapointed na magulang naman na sabi ni Patty.
Ano nga bang nangyari? Magflashback tayo..
*FLASHBACK*
"Di ako tumatanggap ng cash. I don't accept money." Sabi nya and a grin form on his lips.
O__O
"W-what do you mean?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
Then umupo sya sa tabi ko..
Ohh jusko! Dito ko na ba isusuko?! Bakit naman kasi ang gwapo at hot nya?! Kalma Chloe. Hindi..
Di mo ibibigay sa kanya! Wag kang magpapadala sa temptation!
"If you will deal with my plan, wala ka ng babayaran. Ni piso wala na." Then he smirk.
Bakit ba sya ngumingiti ng ganyan?! Di nya ba alam na babae ako at.. at may pangangailangan din ako?!
>/////<
"H-ha? Anong plan?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Juskoo. Ano ba itong pinasok mo Chloe?
Palapit na ng palapit yung muka nya sa muka ko ...
Ilang inch na lang ...
Inch by inch ...
When he's moving closer ...
Feels like a fairytale ....
AYY! Hindi! Ano ba tong pinagiisip ko!!!
Di pa rin sya nagsasalita ...
Ohh hindi.. Dito na ba?
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Tumawa ang abnormal na lalake na to. Adik ba sya? Ikikiss nya ko tapos bigla syang tumawa?!
"Heck. Ano bang tinatawa mo dyan?!" Bwisit na tanong ko sa kanya.
"Do you really think I will kiss you?! HAHAHAHAHA!"
"H-hindi no! Asa ka pa naman. Tsss"
Pero I really thought ikikiss nya ko :"3 Ayy, sayang. Hahaha dejk lang.
"Hahaha, kidding aside, yung plan ko pala ..." Sabi nya.
"Ohh?! Ano na nga?!" Sigaw ko sa kanya.
"Magpanggap ka bilang girlfriend ko."
O___O
Seryoso sya?! Tsaka, bakit pagpapanggap lang?! Hahaha dejk lang.
"H-ha?! Bakit ako magpapanggap na girlfriend mo?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I want to get her back." Cold niyang sabi.
"H-ha? Sino?"
"My ex girlfriend. I want her to make jealous of us. Tapos kapag nagselos sya.. Makikipagbalikan ulit sya akin.."
Ang epic din ng utak neto ehh.. Imbis suyuin yung girlfriend nya ay pagseselosin nya :"3 Adik nga talaga.
"Ehh bakit ako? Bakit di na lang ibang babae?" Nakakapagtaka naman kasi talaga.
"Kasi if maghihire ako ng magandang babae, baka mafall ako dun. Mabuti ng ikaw, at least for sure di ako maiinlove sa isang katulad mo. Tsaka may utang ka sa kin di ba?"
HA? ANONG IBIG NYANG SABIHIN??!! PANGET AKO??
"Ehh paano kapag di sya nagselos? Paano pag di sya bumalik sayo?" Kinalma ko na lang ang sarili ko at di na lang pinansin ang pangiinsulto nya.
"That's our mission nga diba?"
"Ehh paano nga pag nagfailed?!"
Tanong ko sa kanya. Kahit alam kong kalokohan ang gagawin namin, ay puamayag na ko. Kesa naman pagbayarin ko yung tatay ko ng 282,450 pesos?! Tsaka.. Parang naaawa ako sa lalakeng to.. Parehas kasi yata kaming broken hearted eh.
"Gotta pay me. With interest na. Magiging 300,000 na yun." Sabi nya sa akin with his bored face.
"Aba't-- Bakit may ineterest na?! Negosyante lang ang dating ah!"
"Soo.. ano? Deal na?" Sabi nya sa akin.
"Sige.. Deal." Sabi ko naman.
*END OF FLASHBACK*
"Ehh alam nya ba yung pangalan mo?!" Tanong sa akin ni Patty.
"H-hindi.." Sagot ko.
"Ehh anong klase yan?!" Sabi ni Patty.
"Ehh nakuha ko naman yung number nya ehh. Binigay nya sa akin."
"Psshh.. Ang sarap mo sampalin Best." Sabi ni Patty na halatang inis na inis sa mga pinaggagawa ko.
*bzzt* *bzzt*
From: Boyfriend
Nakita ni Patty na may nagtext sa kin na 'boyfriend'. Nakalagay kasi to sa side table dun sa kwarto nya.
"Ohh? Sino tong 'Boyfriend' ?! Si Terrence?" Tanong ni Patty.
Asa naman syang si Terrence yun. Simula nung nangyari sa kanila nung pusit ay dinilete ko na ang number nya noh! Tsaka ano? Magtetext si Terrence? Eh cool off nga kami di ba? Pero kasi .. Di pa official ang break up namin.
"H-hindi.. Yung boyfriend ko... Yung nameet ko kagabi .."
Kinuha ko na yung phone ko at binasa ang message nya.
From: Boyfriend
"Anyway, I'm Drei. Drei Perez. What's your name?"
Ahh, Drei Perez pala name nya.
To: Boyfriend
"Chloe Villahermosa."
At pinalitan ko na ang name nya sa contacts ko nang 'Drei'
*bzzt* *bzzt*
From: Drei
"Okay. Susunduin kita sa bahay nyo bukas. We need to talk about the plan."
To: Drei
"Ayy shunga. Di mo nga alam kung saan ako nakatira eh." -__-
*bzzt* *bzzt*
From: drei
"E ano ba yung address mo? Tss."
At tinext ko na sa kanya yung address ko.
BINABASA MO ANG
Getting You Back
General FictionPWEDE BANG IMEND NG BOTH BROKEN HEARTS ANG ISA'T ISA? PANO KUNG DAHIL SA ISANG "DEAL" AY MAGBAGO ANG TAKBO NG BUHAY NILA? PWEDE BANG MAUWI SA TOTOHANAN ANG PAGPAPANGGAP?