Chapter 5 ~ Maid?!

153 9 13
                                    

[A/N: Hey! Nandyan na 'yung trailer! Salamat and Enjoy Reading!]

-Wendy's PoV-

My gosh. Hindi ako makapaniwala na binato ni Clara ng sapatos si Zero at 'yung shoes pa talaga ni Levi. Nagsimulang sumugod ang mga babae pero agad naman silang hinaharangan ni Archie at Levi. Nakisama narin ako para itulak sila palayo, mahirap na. Baka makalbo pa 'to si Bes.

Napatingin muli ako sa kanya, this time...nakaharap na si Zero kay Clara. Si Angel nakahawak sa bibig. Still shocked sa nakita niya. Bwisit, manigas ka na sana diyan!! -___-+

"Kilala mo ba kung sino ang kaharap mo?" Mahinahon pero may konting diin sa boses ni Zero. Huminga naman nang malalim si Clara. Don't tell me papatulan niya--

"OO! ISANG LALAKING PAYATOT NA INSTIK ANG KAHARAP KO! At walang iba kundi ikaw! IKAW ZERO ASHTON!!! Hindi ako natatakot sa'yo! Immagina di essere l'uomo che può! (Akala mo kung sino kang lalake ka!)" Sigaw ni Clara. Petengene, bakit niya pa pinatulan? T___T~ at nag-italian language pa!

"Ha detto che la ragazza brutta!!! (Nagsalita ang babaeng pangit!!!)" Natahimik naman si Clara dahil mukhang naintindihan ni Zero ang italian language niya. Sabi na nga ba eh, huwag nang patulan. Section Academy 'yan at sa pagkakaalam ko, halos lahat ng language alam niyan!

"Italian voi? (Italian ka?)" Tanong ni Clara pero hindi naman siya sinagot ni Zero. Lalong nanlaki ang mga mata ko ng biglang sabunutan ni Angel si bes. Syeteng kalabaw!! Hindi ko naman maiwan ang mga babaeng 'to dahil paniguradong makikisabay sila sa pagsabunot sa kaibigan ko. Hayyy malas na araw! Kulang nalang magtawag na ko dito ng santo-santo!

"Clara lumaban ka!!" 'Yun nalang ang nagawa ko. Huhu! Wala akong kwentang bestfriend! T___T Si Zero naman tinitignan lang sila. Walanghiya!!! Napakasama ng ugali!! Naiinis na ko ha!! Agad akong umalis at sinabunutan rin si Angel pero sinabunutan din ako ng dalawang hinayupak na alalay niya, sinapak ko naman ng todo to the 101% level ang b***s nila kaya napabitaw sila. Kumuha nalang ako ng puting buhok ni Angel.

Wala narin nagawa si Archie at Levi kundi kunin ang dalawang haliparot. Si Zero naman nakatayo parin. Agad na nagtulakan at nagkawalaan na kami dahil ang daming estudyante na nakipagtulungan para awayin si Clara. Syete!! "Clara!!!" Naiiyak na ko. Pero sa malamang at sa malamang mas nasasaktan pa si Clara higit sa inaakala ko! Baka kung napano na siya. Agad agad akong lumapit kay Zero at sasampalin na siya ng makita ko si Nathan at Alfred ata na patakbo pabalik dito.

Senpai! T^T

Agad na sumiksik si Alfred at nagtaka ang lahat ng hilahin niya si Clara sa mga ito. Eh?! Eneng nengyeyere? Ang haba ng hair ng bestfriend ko ah!!! Andaming escort. Samantalang si Senpai Nathan KO hindi man lang magawa sa'kin 'yun. Ang mas nakakahiya pa, ALAM NA NIYANG MAY CRUSH AKO SA KANYA! T---T

At lalong nagulat ang lahat ng sapakin ni Levi si Zero. Huwaatttt daaa pakkk!! O_____O

Nag-ring ang bell at nagsilabasan ang mga teachers, na may kasamang guards. Agad naman akong lumapit kay Clara. "Bes. Okay ka lang?!" Hinawak-hawakan ko siya at napapadaing siya sa bawat hawak ko. "Andami mo nang sugat" Nakaramdam tuloy ako ng matinding awa. "Salamat nga pala" Sabi ko kay Alfred nga. Tumango lang si Alfred. "It's okay. Ayoko lang na may nananakit sa mga babae" Sabi niya atg umalis na.

Napatingin kami ni Clara sa paligid. Halos lahat kinuha ng guard.. 'Yung principal naman hinihila ang anak niya palabas ng school. Mukhang dadalhin silang lahat doon.

At 'yung mga doctor and nurses pumunta kay Clara at kay Zero pati narin ako tinangay. Paano ba naman, parang war na ang nangyare kanina! Si Nathan at Archie naman pinaalis na. Sinama narin si Levi para daw i-check up.

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon