Chapter 24~ Zero's Courtship

111 4 1
                                    

-Clara Maria's PoV-

Mga 12:00 AM na ako nakalabas nang bahay kina Zero. Hinatid niya pa ako pero ayoko talaga. Sinabi naman niyang wag daw ako makulit. Hinayaan ko nalang.

"We're here" Napatingin naman ako sa orasan. Patay na! 1:00 AM na!

"Malalagot ako kay Ina" Bulong ko. Napatingin naman sa'kin si Zero. Ako naman, bumaling sa labas ng bahay. Bukas ang ilaw, ibig sabihin, hindi pa natutulog si Ina.

"Akong bahala sa'yo, panget. Halika" Lumabas siya ng kotse niya at pinagbuksan ako ng kotse. Wow ah, ibang-iba na talaga si Zero. Gentleman na.

Hinawakan niya naman ang kamay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit?" Natatawa pa siya ah!?

"Hoy, engot. Di ba sabi ko ligawan mo muna ko bago ka maghockage moves dyan. Umuwi ka na nga lang!" Pagtataboy ko.

"Fine fine *bitaw sa kamay* Pero sasamahan kitang magpaalam sa Ina mo" Nagsmirk naman siya maging ako. "Paano kapag ayoko?"

"Edi uunahan nalang kita dun!" At saka siya nagmadaling tumakbo sa bahay. "Hoy! Engot, sandali!!" Sigaw ko sa kanya.

Papasok na sana si Engot pero napatigil siya sa may pintuan. Hinahapo naman akong pinuntahan siya. Pero sinara niya 'yung pintuan. "Oh, bakit parang naduduwag ka?" Natatawa kong sinabi. "Uhh. Clara, matulog ka nalang sa'min, tara na" Tugon niya at kinuha ang kamay ko pero pumiglas ako. "Ha? Bakit naman? Gusto mo ba lalo lang akong mapagalitan ni Ina?"

"Tsk. Basta, tara na"

"Bakit? Eh sa ayaw ko eh. Bahala ka dyan" Pupunta na ko sa pintuan kaya wala naring nagawa si Zero at sumunod sa'kin.

Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa'kin ang hindi ko inaasahan.

"A-Anak.."

"San ka galing?"

Napuno na naman ng galit ang puso ko. Nagagalit ako na naiinis. Gusto ko siyang sigawan, gustong-gusto ko. Nagpigil ako ng galit dahil ayokong mapahiya kay Zero. Agad naman akong nagmano kay Ina.

Si Zero naman nagmano kay Ina pero magmamano na sana sa isa pero hindi siya pinansin.

"Sino 'tong lalaking 'to? Bakit madaling araw ka na nakauwi?" Mahinahon pero alam kong galit na siya. Tinulak-tulak ko naman si Zero sa labas. "Sige na, Zero. Umuwi ka na, ako nang bahala sa kanila" Bulong ko.

"Pero paano ka?"

"Okay na ako, engot. Sige na"

Nag-aalala si Zero pero nagawa narin naman niyang umalis kaya sinara ko agad 'yung pinto.

"Nay? Nakapagluto na ba kayo? Kumain na po ako kina Zero eh. Kumain na po ba kayo?"

Hindi naman sumasagot si Ina at nakayuko lang. "Ina, pupunta na ko sa kwarto ah. Huwag kayong magalala walang nangyare sa'min ni Zero. Magkaibigan lang kami, pero balak niya akong ligawan"

Papunta na ko ng...

"Kinakausap pa kitang hayop ka!!" Napatigil naman ako sa paglalakad. At hinarap siya.

"Halika nga dito" Utos niya habang kinakawayan ako. Tinignan ko naman siya. "Sino ka ba para lapitan ko?"

"Figlio! (Anak!)" Sigaw ni Ina. "Akala ko ba nandun ka na sa kabit mo? Bakit bumalik ka pa dito?" Umupo naman ako, malayo sa kanya, sa kanila.

"Balita ko, mayaman na 'yung kabit mo. Ang swerte ng anak niyo ah, alam ba niyang anak lang siya sa labas?"

"Clara, tumahimik ka nga. Huwag mong bastusin ang Ama mo!" Suway ni Ina. Pero hindi ko siya pinansin. "Bastusan? Bastusin? Siya ba hindi tayo binastos? Matapos tayong iwan sa kabit niya basta-basta nalang babalik dito? Ano bang pakeelam niyo sa'min? Hindi ba iniwan niyo na kami? Ano bang karapatan niyong sermunan ako?"

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon