Chapter 37~ Italy

97 1 0
                                    

3 years later..

-Clara Maria's PoV-

"Gusto ko lang pasalamatan lahat ng taong sumuporta sa akin para maabot ko ang gantimpalang mga medalyang ito.. Sa mga magulang ko, na talaga namang kahit sobrang busy nila, pumunta parin sila dito para panoorin ako. Thanks Mom and Dad.. I love you.."

"Aww" Sabay naming sagot. Ngumiti naman si Levi at ipinagpatuloy ang speech niya bilang valedictorian ng Ashton Academy.

"Sa mga naging teachers ko, kundi dahil sa inyo, hindi ko maabot ang pagiging Valedictorian ng 4th year college.. Sa mga schoolmates ko.. Naalala ko pa nga nun, isa pala ako sa tinaguriang Campus Heartthrob."

"Kiyaaa~" Napalingon naman kaming lahat sa babaeng tumili sa dulo.

"Fans mo ko since birth, Levi!! Ahhhh!!" Nagtawanan naman ang lahat sa loob ng auditorium ng school.

"Kasama ko sina Nathan..Si Nathan na napakahangin, na napaka-cool ang porma, na naging dahilan ng pagbabago ni Wendy. 'Tol, adik na adik 'yan dati sa'yo pero sinusuplada mo lang. Para kang babae, natalo mo pa ang isang manhid na tao." Tumawa ulit ang lahat. Tumingin naman si Levi kay Nathan na katabi ngayon si Wendy. Bali, nililigawan na niya ngayon ang kaibigan ko. I'm happy for her, 'yung nakaraan namin, okay na. Tapos na. Iniwan rin ng ama niya ang nanay nito. Kaya nagkasundo ang mga nanay namin ni Wendy, at magkaibigan narin sila katulad namin ni Wendy.

"Ni Alfred...na sobrang cold, napakatahimik niyan, at palaging nakatambay sa garden ng school. Hindi masyadong takative, pero napakatalino..katulad ni Lea, na nagmahal sa pagkatao niya, kahit na may past ito.." Napatingin naman ako sa katabi kong si Lea na ang katabi ay si Alfred. Natutuwa nga ako dahil nakamove-on na siya kay Jina, at nililigawan niya rin ngayon si Lea.

"Ni Archie...ang playboy ng school na ito. Hahaha, impossible na makikita niyo 'yan ng walang kasamang babae... Tuso 'yan. Pero hindi niyo aakalain na iisa lang pala ang makakakuha sa puso ng playboy ng Campus. Isang kakaibang babae na napakatapang! Walang iba kundi si Allerie" Sunod naman akong tumingin kay Archie, na ngayon ay loyal na. Himala di ba? May girlfriend na. Kaso, mas matapang pa sa kanya. Haha! Allerie ang pangalan niya, naalala ko ang kwento ni Archie, na nakilala niya raw ito nang hindi sinasadyang pagbato niya ng can. Sinapak pa nga raw siya eh, Haha.

"At..At ni Zero" Napawi naman ang ngiti ko nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya..

Pangalan na ayaw ko nang marinig..

"Pre, alam kong masaya ka na dyan sa Italy. Pasensya na dahil hindi kita nakasama nung papunta ka nang airport." Kasama ko, alam kong nalulungkot rin si Levi.

Dahil hindi man lang namin siya nakausap. Wala kami sa airport noong araw na 'yun.. Nung araw na magkakabati sana kami..

..araw na dapat ay magiging kami na.

Pero wala eh, siguro hindi talaga kami itinadhana sa isa't-isa.. Bigla nalang niya kong iniwan na mag-isa..

..nang hindi pa nagpapaalam.

Para saan pa? Hindi naman na magiging kami eh. At wala pa kaming relasyon noon. Tatlong taon na ang nakakalipas, 21 years old na ako. Dapat wala na 'yun para sa'kin. Move on from the past na nga raw eh. Pinilit ko nalang na ngumiti.

"Sa ngayon, masaya na ko sa mga kasama ko kayo ngayon.. especially kay Maylee." Tinuro niya naman si Maylee na dala-dala ang 2 years old na anak nilang si Maelynn.. Nito lang ay natutunan nang tanggapin nang mga magulang ni Levi at Nanay ni Maylee ang katotohanan. Syempre nung una, nasaktan sila, sino ba namang magulang ang matutuwa kapag nabuntis at nakabuntis ang anak mo.. Hayy, mabuti nalang, ayos na lahat.

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon