Chapter 14 ~ Day Eight 5 Signs

126 6 0
                                    

-Clara Maria's PoV-

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Zero na nasa harapan ko.

"Ano?" Naguguluhang ulit ko.

"Tsk. Ang sabi ko kung okay ka lang? Tss. Kung di ka ba naman kasi tanga na kalabanin pa si Angel, edi sana hindi ikaw ang naging Ms. Valentine" Ibig sabihin... Hindi totoo ang mga narinig ko kanina?

Bumalik ako sa diwa at sinamaan siya nang tingin, kahit papaano gumaan ang loob ko at hindi totoo 'yun. "Teka nga, ikaw engot sumosobra ka na ah, unang-una is hindi ako tanga. Pangalawa, kasalanan ko bang ako ang magiging Ms. Valentine? Kung hindi ka lang magmamay-ari nito edi sana pala si Levi nalang 'yung Mr. Valentine" Sinadya kong ibulong 'yung dulo.

"Excuse me? Hindi porket ako na ang magmamay-ari that doesn't mean na ako na ang lahat" -Engot.

"Hah! Totoo naman di ba? Ikaw na lahat-lahat, ikaw na ang may-ari, ikaw na ang sikat, pinakamayaman, pinakapogi o kung ano pa man! Lagi namang ikaw eh! Hindi ba pwedeng si El naman?!" Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko napansin na nadulas na pala ang dila ko. Sa totoo lang naman dapat aasarin ko siya pero nagiba ang expression nang mukha niya at sa tingin ko ay nasaktan ko nga siya. T^^T

"Huwag mo kong ikumpara kay El dahil iba ang buhay ko at iba ang buhay niya. Hindi ka man lang ba marunong mag-sorry dahil dalawang beses mo kong sinampal? O magpasalamat man lang dahil iniligtas kita sa Queen Bee na 'yun!" Grrr. Talagang iniinis ako nito ah.

"Bakit naman ako mags-sorry eh kasalanan mo naman lahat? At isa pa, magpasalamat? Ikaw ang may gusto nito. Hindi kita pinilit, at 'yung nangyare kanina? Hindi ko inaasahan na ikaw ang dadating. At hindi mo naman kailangan pang makipag-break sa kanya" He glared at me.

"Wala kang puso--"

"No! Ikaw ang walang puso! Naiinis ako sa'yo sa mukha mo at sa ugali mo! 'Yang bunot mong buhok! 'Yang instik mong mga mata, 'yang payatot mong katawan at lalong lalo na ang ugali mo--" Nagulat ako nang isandal niya ako sa pader. I was about to move nang ikulong niya ko sa mga bisig niya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nagkatitigan kami... Oh no.. I'm doomed.

"Bakit ako? Hindi ba ko naiinis sa'yo? Sa sabog mong buhok? Sa baduy mong mata? Sa maputlang labi mo?" Napalunok ako nang tinignan niya ang labi ko. "At sa tingin mo ba magkakagusto ako sa isang flat chested?" I immediately react to what he said at buong lakas ko siyang tinulak palayo.

"Grabe ka ha!! Ano ba akala mo sa'kin?! Sinabi ko bang gustuhin mo ko? Ganyan talaga kayong mga lalake eh! Gustong-gusto niyo 'yung mga magaganda ang buhok, mahabang pilik-mata, matangos ang ilong, mapupulang labi, magandang katawan at higit sa lahat malaki ang pw*t at d*de!!" Sigaw ko. He laughed.. Ngayon ko lang ata narinig ang kakaibang tawa niya, nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya.

"Hahahahaha, watch your words, Ms. Kim. Nasa harapan mo ang pinakahead nang school. Gusto mo bang mawalan nang scholarship? At dahil sa disrespect mo, dadagdagan ko ang parusa mo" Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi mo kaya! Hindi pa alam nang school 'to!"

"Talaga? Sigurado ka bang hindi nila alam ang ukol dito? Gusto ko, araw-araw pupunta ka sa bahay. At isa lang ang gusto kong gawin mo dun..." I looked at him directly. "And what is it? MR. ASHTON?" Sarcastic tone kong tanong. He looked at me and he smirked.

"Simple lang.. Just clean my room and bathroom and then, maaari ka nang umuwi. Let's start this today. Hihintayin kita after nang uwian. Remember, scholarship mo ang nakataya dito" Tumalikod na siya at saka umalis. Napabuntong hininga nalang ako. Another punishment again...

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon