Chapter 32~ EX

92 2 0
                                    

-Nathan's PoV-

"Yo!" Napalingon ako sa bagong dating na si Archie na kapapasok lang dito sa garden. Ewan ko ba dito kay Alfred at dito naisipan niyang tumambay.

"Tss. Late ka na naman" Kamot ulo kong sinabi habang kinakamot ang ulo ko. "Miss mo lang ako eh." At saka siya kumindat. For fuck's sake, kadiri. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Alam ko gwapo ako, Arcol pero hindi mo naman kailangan maging bakla para magustuhan kita" Natatawa kong sinabi.

"Gago!" Bulyaw niya.

Tinawanan ko lang siya. "Sorry guys, we're late." Napalingon ako kay Wendy na kasama si Lea. Maging si Fred na busy sa pagbabasa ay lumingon rin. Sinara niya 'yung libro at ngumiti sa harap ng dalawa. Aba himala, ngumiti. Bihira pa naman ngumiti ang isang 'to.

"Okay lang. Nasaan si Zero?"

"Nako. Na-out of place nga kami kanina ni Wendy dahil sa kasweet-an ng love birds kanina."

"Ano ba ginawa?"

"Wala. Nilibre lang si Zero ng kwek-kwek. Nakakatawa nga dahil ayaw pang kumain ni Zero dahil madumi daw. Hayyy"

"Rick Kid goals" -Lea.

"Nag-aalala lang 'yun para kay Clara. Mabuti na nga at nagkakaayos na ang lahat eh." Sagot ni Archie. "Nasaan nga pala si El?" Tanong ko. Napalinga naman 'yung tatlo. "Oo nga 'no." Sang-ayon ni Wendy. "Teka, hanapin ko, dito lang kayong apat ah." Tumayo si Arcol at naglakad papaalis ng garden.

"May napapansin nga akong may mali kay Levi eh" Pag-uumpisa ko. "May napansin rin ako, ang kaso konti lang." Sabi ni Lea. "Ano 'yun?"
"Nawawalan na siya ng time sa inyo?"

"Tss. Hindi 'yun. Hindi naman big deal sa'ming mga lalaki 'yun. What I mean is, parang may hawak siyang sing-sing at palaging iniikot ang Campus. One time nga nakita ko siyang nag-iikot sa mall, at may tinatanong sa mga tao."

"I also saw him in the jewerly shop" Biglang singgit ni Fred. "Di ba? Nakakacurious lang."

"OMG! Hindi kaya balak niyang agawin si Clara from Zero?! You know, proposal?!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Wendy. "Oo nga, may posibilidad na mangyare ang sinabi mo." Tatangong sabi ko. "Kampi ako kay Zero loverboy." Bigla kong singgit. "Ako rin, Senpai!"
"Tss. Wala namang sila." -Fred.

"Kahit na. Kailangan respetuhin ni Levi ang mga gusto ni Zero. Hindi 'yung ginugusto din niya." -Wendy.

"Kakampi kami kay El" -Lea.

Nagtinginan kami ni Nathan at nilingon silang dalawa. "Seryoso?!?" Tumango silang dalawa.

"Yeah." -Fred.

-Levi's PoV-

Kanina pa ko paikot-ikot sa Campus, nagtatanong kung kilala nila 'yung may-ari ng sing-sing. Pumupunta narin ako sa mga jewelry shop at malls para magtanong. Syempre minsan nakakapagod, pero patuloy parin.

Sabi nga daw nila, kapag nasimulan na, dapat tapusin.

I sighed. Nang may halong disappointment. Tumingin ako sa orasan. Malapit na pala 'yung oras tungkol sa napagusapan namin ni Rheine. Kinuha ko 'yung cellphone ko at ci-nontact si Clara.

~Phone~

"Hello?" -Siya.

"Hey."

"Ay oo, El? Nakabihis na ko"

"Sige I'll pick you up. Mga 5 minutes nandyan na ko"

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon