Chapter 34~ Explanation

83 2 0
                                    

-Clara Maria's PoV-

Naiiyak ako sa nangyayare. At hindi ko alam kung bakit.

Muli kong tinawagan si Levi pero hindi na naman siya sumasagot. Ano na bang nangyayare dun?

"Oh, Clara. Si Zero?" Nilingon ko naman si Wendy kasama ang humihikab na si Neo. "Ah, umalis kasi eh. Emergency daw" Sagot ko. "Ahh, sige. May pupuntahan lang kami ni Senpai. Dyan ka lang ah? Babalik din kami." Tumango naman ako at nagsimula na silang tumalikod. "Ah sandali, sina Fred at Lea ba nakita niyo?" Tanong ko.

"Nagtext sa'kin si Fred. Ang sabi niya umuwi na sila" Sagot ni Nathan. Napatango nalang ako habang pinagmamasdan silang naglalakad palayo.

Napabuntong hininga naman ako. Ano nang gagawin ko? Kundi ang maghintay na dumating si Zero dito.. Pagkatapos...

Pagkatapos sasabihin ko na sa kanya.

...na si Levi 'y-'yung..

'Yung nakabuntis kay Maylee.

Makakaya niya kaya? Ayokong mag-away sila ni Levi ng dahil lang dito.

Lalo na si Maylee. Baka makasama sa bata kung malaman niya ang tungkol dito.

"Clara, long time no see." Napatigil ako sa pagiging tulala at unti-unting nilingon ang dalawang babaeng nakangiti ngayon sa harap ko.

-Levi's PoV-

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ng Queen Bee at nakisinggit sa mga taong naroroon. Nagdudugo si Maylee. At hindi siya makalakad. Kaagad akong umusog at saka siya binuhat.

"Kiyahh! Levi sandali--hihintayin pa natin si Zero!!" Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya. "Tumabi kayo diyan! Tabi!" Kaagad namang nagsiusog ang mga tao. "Tumawag na kayo ng Ambulance!" Sigaw ng isa kong ka-schoolmate.

"Tumawag na ko. Anong nangyare?" Natanaw ko si Archie na sumagot. Papunta na kami ngayong elevator. "Manganganak na si Maylee"

"A-Ano? Kailangang malaman ni Zero 'to"

"T-Tinawagan ko na siya... Ahhh--Sabi ko naman kasi sa'yo na hintayin--ahh muna siya dito! Argh!" Hindi ko matiis na masaktan dahil nasasaktan siya. Dali-daling bumukas ulit ang elevator at halos lahat ng estudyante ay napatingin sa'min at bakas sa kanilang mga mata ang labis labis na pag-aalala.

"Tsk. Hindi na natin pwedeng hintayin si Zero dahil manganganak ka na!" Sagot ko at ipinasok na siya sa loob ng ambulance.

"Argh, hihintayin ko si...si Z-Zerooo!"

"Maylee, kailangan mong lakasan ang loob mo. Tandaan mo, manganganak ka na at hindi ka pwedeng panghinaan nang loob ng dahil lang sa wala si Zero sa tabi mo" Singgit ni Archie. Kaagad siyang sinakay sa loob at pumasok kaming dalawa ni Archie.

"Teka ho, kaano-ano po kayo ng patient?" Tanong ng nurse. Galit ko naman siyang tinignan. "Kaibigan niya kami! So shut the door, and put your butt in the seat, hurry!" Tumango naman ang nurse bago isara ang pinto at nagsimula nang umandar ang ambulansya.

***

Dumaan na si Maylee sa emergency room at hinarangan ako ng mga nurse. "Siguraduhin niyong mabubuhay niyo siya!"

"Kayo po ba ang Ama?"

Napatigil naman ako sa sinabi ng Nurse. "O-Oo."

"Sige po. Dyan lamang po kayo, at hintayin nalang po ang resulta ng doctor." Nagsara ang Emergency Room at naupo ako sa mga upuan. Kaagad akong pinuntahan ni Archie. "Pare anong sinasabi mong ikaw ang ama nang bata?" Hindi ko naman siya sinagot at nanatiling tahimik.

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon