Chapter 10 ~ Day Four Family Problem

118 6 0
                                    

-Clara Maria's PoV-

*flashback*

"Clara heto na 'yung--"

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, bumungad ang mukha ni engot sa'kin.

Silence...

After 10 seconds...

20 seconds...

30 seconds...

'Yung mga mata niya, ngayon ko lang ito nakita..... O-O

After 40 seconds...

After 1 minute...

Doon ko lang napansin na kanina pa pala kami nagtititigan... Tapos ang lapit ng mukha namin!!

"KIYAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Tili ko.

*End of flashback*

Umiling-iling ako habang nagpupunas ng dumi sa lamesa sa bahay nila Archie. Napabuntong hininga nalang ako. Nagsimba kasi silang magpamilya at tinanggap naman ako ng pamilya niya. Kasing bait pala ni Archie ang mga magulang niya.

Malapit narin naman akong matapos kaya, nagpunas na ko ng mga pinggan na kahuhugas lang ng mga maids nila. Tapos, nagwalis ako at nag-ayos ng mga kama nila na higit pa sa sampung kwarto. Huhu, andami!

***

Pinunasan ko ang pawis ko at umalis na nang bahay ni Archie dahil excited akong pumunta sa bahay para makapunta na kila El. Ewan ko ba, parang ang saya-saya ko. ^____^

"Maawa ka naman sa anak mo at sa atin, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ni Clara ang bagay na ito!!" Nakarinig ako ng malalakas na sigaw sa bahay kaya nakaramdam ako ng kaba. "Bahala na ng malaman niya!!" Nagmadali akong pumunta sa bahay. "Masasaktan ang anak mo kapag nalaman niya ang katotohanan!!!" Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

"Nay, nandito na po ako--" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko sa nakita ko. O____O

Si Nanay napahiga sa sahig dahil tinulak siya ni Tatay. "Tay!!! Anong ginawa niyo kay Ina?!!?" Sigaw ko.

"P-pasensya na Glen..h-hindi ko sinasad--"

"ANONG HINDI SINASADYA?!?! NAKITA KO TINULAK MO SI INA!!" Napaiyak ako ng hindi na gumagalaw si Ina. "UMALIS KA!! HINDI KITA KAILANGAN!!!!" Nangingiyak kong sigaw. Kinuha naman niya 'yung bag at nagmamadaling umalis.

Inalog-alog ko si Nanay. "Tuloooongggg!! Tulungan niyo ko!!!" Sigaw ko habang tumitingin sa labas. Biglang pumasok si El na nag-aalala. "Clara, anong nangyare?! Susunduin sana kita nang makarinig ako ng sigaw at paglabas ng Dad mo" Lumingon ako sa kanyang nagmamakaawa.

"El, tulungan mo ko, si Ina.. Mamaya ko na sasabihin sa'yo ang nangyare, tu-tulungan mo muna ko" Pagmamakaawa ako. Tumango naman si El at binuhat si Nanay papuntang kotse, ako naman ay sinara ang pinto bago sila sundan.

---

"You're mother is fine, very well. Nilagyan na namin siya ng yelo sa ulo niya, at mabuti naman ay hindi ito dumugo. Nagkabukol ang iyong ina pero okay naman siya, magigising rin siya pamaya-maya" Napabuntong hininga naman kami ni El sa narinig namin. Hay, salamat naman. "Salamat po, doc" Ngumiti lang ang tugon ng doctor at umalis na.

"Uhm, El... Pwede bang... Bukas nalang ako maglilinis sa inyo? Pakisabi narin kina--"

"Yeah, sure. Tatawagan ko nalang si Zero na hindi na maitutuloy sa'min ang paglilinis mo" Napangiti na lamang ako doon.

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon