Chapter 11 ~ Day Five Avoid

129 8 2
                                    

-Clara Maria's PoV-

"Nay, papasok na po ako" Tumango lang si Nanay at alam kong hanggang ngayon hindi niya pa ko pinapansin. Saglit ko siyang tinignan bago maglakad papuntang school.

Isinauli ko kasi ang mga binigay nung lalakeng hindi na dapat pangalanan. Eh ito namang si Nanay biglang nalungkot. Tapos ayun, hindi nalang ako pinansin simula kagabi. Pagkakataon na daw namin 'yun, sinayang ko pa daw.

"Hayyy, kung alam mo lang ang dahilan Ina" Bulong ko at napabuntong hininga ako.

Nang makarating ako sa school saktong nagring ang bell. Kumakaway si Wendy na lumapit sa'kin. "Uy! Tara na!" Nakangiti niyang sinabi. Paalis na sana kami ng--

"KIYAHHHHHHHH~~"

"Nandyan na sila! Omg!!!"

"Ahhh! Rape us!"

"Baby Koooo~"

"Kiyahh!!! Alfred mahal kita!!"

"Be my husband Fred!"

"Omy!! Ang hot mo naman, Archie! Pahawak ng abs mo!"

"Oh!? Di nga?! lahat ba sila may abs pati si lalabs ko?! Huhu! I want Arcol!"

"Levi, be mine!!"

"Muah! Muah! My Levi!"

"Ahhhhh!!! Tinignan ako ni Nathan!! I was like, fvcking blushed!"

"Nooo! Akin lang si Nathan!"

"Baby Zerooooo!!"

"Kiyahhh!! Bakit lalo siyang pumogi?! Zero halika dito!!"

"Ahhhhh Zero look at me! May bago kong pabango!!"

Napalingon naman kami ni Wendy sa limang lalaking paparating.. Ano pa bang bago? Edi ang Limang Campus Heartthrob.

"Psh. Hindi na naman ako tinignan ni Senpai KO. Hanggang kelan niya ba ko mapapansin? *pout*" Bulong ni Wendy habang nakatingin sa crush niyang si Neo. Papalapit ang lima sa amin kaya hinila ko na si Wendy pero nagpumiglas siya. "Wag muna tayo umalis! Papalapit na kasi sila. Ekk!"
"Wendy, nag-bell na ang ring, gusto mo bang ma-late tayo?" Inis na sabi ko. Natataranta na ko, papalapit na kasi sila sa amin. "Okay lang ma-late noh! Hahaha!" Kelan pa nasiraan 'tong kaibigan ko?

Hahayaan ko na sana siya at tatalikod na nang makalapit na sila. Patay tayo nito... .___.

"Uy! Clara!" Nakangiting bati ni Arcol at sabay akbay sa'kin. "Musta?" Bati ni El. "Nagustuhan ba ng Nanay mo ang regalo namin?" Singgit ni Neo. Habang si Fred naman nakatingin sa'kin. Nagulat naman ang lahat ng pumiglas ako sa pagkakaakbay ni Arcol sa akin.

"May problema ba, Clara?" Takhang tanong ni Levi. Si Arcol naman at Fred nakatitig sa'kin. Nakakatakot ang tingin ni Fred, pakiramdam ko binabasa niya ang isip ko kaya umiwas ako ng tingin.

Nakita ko naman sa peripheral vision na nakatingin sa'kin si Zero. Ayun, walang ka-emosyon. Agad naman siyang umalis at pinagbabangga ang mga babaeng nakaharang sa kanya. Napalingon naman kami nila Wendy, Arcol at Levi pati narin si Neo na humahabol kay Zero. "Anong problema nun?" Bulong ni Arcol.

Ramdam ko paring nakatitig sa'kin si Alfred kaya iiniiwasan ko ang mga tingin niya. "Clara, may nangyare ba sa inyo ni Zero?" Nagulat naman ako ng biglang magtanong si Arcol. Kaya napatingin narin lahat sa akin.

14 Days With My Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon