7

1K 35 1
                                    



Knight Shin

Lately iniisip ko na si Yhen parati. Hindi na nga ako makapagisip ng mabuti eh. Everytime na matatapos ang taping ay nagmamadali akong umuwi. Gusto ko lang siyang makita at makasama. Tulad na lang ng kahapon yung paghahabulan namin sa mall at pinagtitinginan kami ng mga tao. Never ko pang ginawa yan sa buong buhay ko. Always kong sinasabi na hindi dapat ako gagawa ng mga bagay na magdadala sa akin ng kahihiyan pero kay Yhen, i find it cute. And i wanna do it over and over again.

Went shopping store after store is nice too lalo na pag kaakbay ko siya at hawak ko kamay niya. Nakakaproud din sabihing, "Knight, asawa mo yan? Ang ganda naman mas bagay kayo."

Kay Hariett dati kung hindi sa bahay namin, sa bahay nila o sa restaurant lang kami magkasama, minsa sa mall pero pormal lang kami. But yesterday, i feel alive and happy. Maybe because sa isang skandal kami ni Yhen nagkakilala, sa isang Skandal din kami na uuwi kaya hindi na ako nanibago sa skandal na sangkot siya? In fact i like it when people looked at us when I'm with her.

At ang banat?

Man... Ako ba to?

Saan yun galing? Bat ngayon lang lumabas.

I was dreaming about how Yhen's face turned red yesterday, and it smiled at me, affected pala siya.

May party ngayon sa lahat ng celebrity na under sa Quest Network at ngayon ko rin ipapakilala si Yhen bilang asawa ko para matigil na ang chizmiz sa amin. Buti na lang si Hailey alam ang sitwasyon namin kaya kahit anong naririnig niya sa mga ka klase niya ako wala daw siyang paki.

"Bantayan mo muna ang dalawa mag go-grocery lang ako."

"Nasa taas si Bishop diba? Pabantayan na lang natin para masamahan kita."

"Sige pagsabihan mo malelego lang ako."


After kong mapapayag si B ay hinintay ko sa baba si Yhen naka damit pangbahay lang ako. Halos hindi ako huminga nang makita ko asawa ko. Nagsuot si Yhen ng maiksing short na khaki at sandong comouflage pinarisan niya ng sneakers at naglagay siya ng make up. Daig pa ang model sa seksi at cute. Hindi katangkaran si Yhen pero bagay sa kanya. Para siyang twenty-two instead na thirty-one. Mukha din siyang teenager na walang anak at asawa.

"How Should I define Yhen's beauty?"

"Perfect for me!"

"Let's go."

Nang narating namin ang mall ay agad kong hinawakan ang kamay ni Yhen hindi para makalayo siya kung di para makita ng lahat na taken na siya. Naasar ako sa mga teenager na panay tingin sa kanya. Tuloy na insecure ako sa edad ko. Nasa kabilang aisle si Yhen at mukhang may hinahanap ng makasalubong ko isa sa kaibigan kong actor. Agad siyang ngumuso ng makita si Yhen.

"Men, Ganda ohh..OHHLALA!"

"Knight dun tayo." Ani ni Yhen at naglakad na palayo.

"Shit! Kilala mo?" anito

Itinaas ko ang kamay kong may singsing at nanlaki ang mata niya ng senyasan kong "Asawa ko" iniwan ko siyang napakamot ng ulo at natawa ako. Nang magkatabi kami ni Yhen ay inakbayan ko siya at hinalikan ko sa pisngi. Nabigla siya sa inasal ko pero nginitian ko lang siya.

"Sweet ka ata ngayon?"

"And I will be sweeter this time."

Bago pa kumurap si Yhen ay hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi at ramdaman ko ang pagbalik ni Yhen sa halik ko. Natigil lang kami ng may camera nang nagkislapan.

SWEET SCANDALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon