BONUS: After 5 years

210 9 4
                                        



Yhen Fritz Shin



It's our wedding.


Again.


2 months lang naming pinaghandaan. Simple lang naman ang gusto ko eh kaso si Hailey gusto niya bongga yung parang wedding daw niya ay siya daw and little bride at si Cyroh ang little groom. Sobrang excite na excite siya. Mas excited pa sa akin.

Nang nagsimula hanggang natapos ang seremonya ay hindi niya hiniwalayan si Cyroh. Na halatang naiinis na sa kanya. Habang nagkakasayahan ay si Hailey ay umiiyak at gusto kong matawa sa kanila ni Knight.


"Daddddyyy."


"What's wrong."


"Si Cyroh."


"Bakit?"


"Pakilala niya sa akin little sister daw niya ako. Huhuhuhu ayoko ng sister lang. Gusto ko girlfriend niya."


"Anak ang bata-baga mo pa para magka-boyfriend."


"Pero mahal ko siya."


"Ganito yun anak. Si mommy mo? Mahal na mahal niya ang Tito Klaide mo pero hindi sila ang nagkatuluyan kasi dumating ako at mas gwapo ako sa tito Klaide mo kaya nainlove sa akin ang mommy mo."


"Your saying may darating pa? At hindi si Cyroh yun?"


"Yun nga anak. Kaya si Cyroh? Hayaan mo lang siya."


Biglang tumigil sa kakaiyak si Hailey at nakikipaglaro na sa mga bata. Nilapitan siya ni Cyroh pero hindi na niya ito pinansin.


"Yhenny-Love yang anak mo mana sayo." Reklamo ni Knight at niyakap ako. "Effective diba? Ayun si Cyroh hindi na niya pinapansin."


"Sana lang huwag pagdaanan ni Hailey ang naranasan ko."


"Hindi yan kita mo naman after niyang umiyak ay masaya na ulit siya."


"Tama."


"Sinong susunod sayo?"


"Si Ace."


"Hindi si Bishop."


"Si Ace nga."


"Si Bishop."


"Pustahan tayo. Pag ako mananalo gagawa pa tayo ng kapatid ni Kellan. Pag ikaw hindi natayo gagawa."


"Mukhang gusto ko ata yan."


"Deal!"

SWEET SCANDALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon