Chapter 4

21 3 1
                                    

***
---kringggggggggg
Inabot ko yung alarm clock sa side table ko. Umupo muna ako sa higaan ko upang magmuni-muni. Naalala ko yung nangyari kahapon sa mall

----Flashback
"Oh dimo naman sinabi na may kasama pa pala tayo maliban kay janella"- wika ni mommy

Humarap si Lance kay mommy. Pagkaharap ni Lance ay namutla siya na makita ito para siyang nakakita ng multo. Or should I say nagwapuhan lang siya kay Lance?

"Hello po tita Im Lance po" magalang na pakilala ni Lance

" Yes I know-- I mean nice meeting you i-iho. And I am Sophia's mom" namumutlang sabi ni mommy

"And im Therese po his my tito. Pogi po ba?"

"Of co----course my dear" nangiginig na sabi ni mommy. Bat parang may something kay mommy? Parang may lihim siya na nabunyag. Hays ewan.

"Tita are you okay?" Tanong ni ella kay mommy mukang nahalata rin niyang hindi okay si mommy eh

"No. Ah.. I mean yes iha im fine. Siguro nagugutom lang ako." Biglang kinuha ni mom yung tinapay at ngumuya ito ng ngumuya pero syempre andun pa rin yung manners habang kumakain siya halatang gutom nga ata si mommy

"Tito Lance diba po girlfriend mo po si tita sophie? Bakit di mo siya inaasikaso" muntik nakong mabilaukan sa kinakain ko at pati na rin si mommy sa sinabi ni therese buti nalang binigyan ako ni ella ng tubig si mommy naman agad niyang kinuha yung tubig na nasa harap niya

"Mag c-cr lang ako. Excuse me" ang weird talaga ni mom

"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni lance

"Yes im fine" sabi ko kay Lance

"Therese I told you to shut your mouth. Hindi ko---"hindi na natuloy ni Lance ang sasabihin niya dahil dumating na rin si mom. Ang bilis naman niyang mag cr

"Ahm tita sorry about what therese's---

"Let's just finish our meal and go home pagod na rin ako eh" putol ni mommy kay Lance. Ang weird talaga. May kakaiba kay mom. Para talaga siyang may itinatago. Tahimik na ang lahat habang kumakain pero tanging si adrew at therese lang ang maingay sa hapag. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami.

....
Pagkauwi naman namin tinignan ako ni mama at sinabing----

"Andrew magpahinga ka na sa kwarto mo at ikaw rin sophia" mahinahong wika ni mommy

******
Paalis na sana ako ng bahay ng may narinig akong yabag na narinig

"Anak? Matagal na ba kayong magkakilala ni Lance?"tanong ni mommy

" Ahm hindi po. Nagkakilala lang po kami sa coffee shop" sabi ko kay mommy "nakilala ko siya dahil sa panghahalik na ginawa niya saken" syempre sinabi ko lang yan sa isip ko.

"Ahh ganun ba nak. Pano kayo nagkakilala?" oo nga pano nga ba kami nagkakilala?tanong ng maliit na parte ng utak ko.... Isip isip isip.

"Ah kase po nagkabanggaan kami sa coffee shop?" Patanong na sagot ko kay mom

"Ah ganun ba? Anong sinabi niya sayo?" Nawi-weirdan nako kay mommy

"Nag sorry sa isa't isa pagkatapos ng banggaan namin tsaka nagpakilala as usual mom. Ganun naman diba kapag dimo kilala yung tao?" Naguguluhan na sagot ko kay mommy. Para kasi siyang kinakabahan eh

"Ah oo nga pala. Hahaha" pilit na tawa ni mommy

"Osya umalis kana anak"
"Okay mom bye" then I gave her a kissed before leaving

*****
Tapos nako sa trabaho ko. Napapatakbo ko naman ng maayos ang kumpanya.7:00pm palang naman pero nakalabas na ko ng office ng maaga. Kaya naisipan kong mag mall muna. Para mabawasan ang stress. Naisipan kong kumain na lang rin dito syempre may kasama ako ang aking partner in crime none other than ella. Hindi yan tatanggi, syempre libre ko na naman. After namin mag order. Syempre kinuwento ko kung pano kami nagkakilala ni Lance. Ang bruha kinikilig dahil sa paghalik sakin ni Lance. Bigla akong nakaramdam ng paro- paro sa aking tiyan. Parang bigla kong namiss ang mga labi ni Lance. Parang ito yung halik na matagal ko ng hinahanap Aishhh! Ano ba itong naiisip ko! Eraseeeee!!! Sakto namang dumating yung pagkain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkwe-kwentuhan habang kumakain ng bigla ko siyang nakita. No. Hindi siya yun. Namamalikmata lang ako. Pero hindi,siya yun eh. Nandidito si Angelo Monteverde. Ang nagbigay kulay ng buhay ko. Ang bumuo saking pagkatao. Ang taong gumising sa natutulog kong puso na siya rin ang dahilan ng pagkawasak nito. Nakikita siya ng dalawang mata ko at hindi nagsisinungaling ang mga ito. Tumingala ako para pigilan ang luhang malapit ng bumagsak. Pero wala akong nagawa dahil nag uunahang bumagsak na ang aking mga luha. Umalis ako sa restaurant na kinakainan namin ni ella. Iniwan ko siya dun. Hinabol niya ako pero buti at di niya ako naabutan. Ang sama ko ba? Iniwan ko si ella dun? Hindi naman siguro ang sakit kase eh, bumalik lahat ng alaala naming dalawa. Nagdrive ako ng nagdrive hanggang sa makarating ako sa lugar na paborito naming puntahan dito sa may cliff kung saan kita mo ang buong city. Sa right side makikita mo ang amusement park. Sa left ay manila bay. Ang ganda ng view. Tumayo muna ako at ninamnam ang sarap ng hangin. At minulat ang aking mata at sumigaw ako ng " bakit ngayon kapa bumalik! Kung kelan napagdesisyunan ko ng tuluyang kang alisin sa puso ko! Ang daya mo naman Gelo! Ang daya daya mo! Paano ako makakapag move on ng tuluyan kung pareho na tayo ng inaapakang lupa, kung pareho na ang nilalanghap nating hangin! Pagkatapos nun ay huminga ako ng malalim at umupo ulit

Getting Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon