........
"Mom? Bakit kelangan kong maglayas nun? Bakit gusto ko kayong iwan? Hindi ko naman kayang gawin yun sainyo diba? Diko ko po kase maalala eh. Nagka amnesia daw po ba ako? Anong sabi ng doktor?" Nagulat si mommy sa tanong ko
"Ahm kase....a-nak"putol putol na sabi ni mommy
"Dahil ba yung kay andrew? Muntik na siyang mamatay dahil sakin at lagi niyo kong sinisisi. Kaya nag away tayo? At inatake si dad. Tapos naglayas ako, kaya ako naaksidente rin. At dahil pa ri sakin ay namatay si daddy. Malas talaga ako sa buhay niyo mommy. Dapat ako yung namatay at hindi si daddy."oo muntik ng mamatay ang kapatid ko dahil sa kapabayaan ko. Nalunod siya sa may swimming pool namin buti na lang nasagip agad siya ni mom. Umiiyak na naman ako
"Anak walang dapat sisihin nangyare na ang nangyare. Wala na tayong magagawa kaya stop blaming yourself. Oo masakit sakin ang pagkamatay ng daddy niyo pero hindi dapat ako magalit sayo dahil anak kita. At kelangan na lang nating tanggapin iyon." Wika ni mommy. Sasabihin ko sana kay mommy na dumalaw kay daddy pero napaisip ako. Wag na lang muna dahil ayokong makita si dad sa puntod niya na ako ang dahilan ng pagkamatay niya. Siguro dadalawin ko na lang siya pagtanggap ko na. Kung kaya ko ng harapin si dad.
"Ang sagot pala sa tanong mo kung nagka amnesia kaba? Ang sagot ay hindi"
"Ah ganun po ba so comatose lang po pala ako. Meron po palang ganun nacocoma pero di nagkakaron ng amnesia"ngiti lang ang sinagot ni mommy
*******
Nakauwi na kami ng bahay. Hayyyyyys how I miss our home sweetie home.
7months later.. .
Nanliligaw na sakin si Gelo simula ng makarecover ako sa nangyare sakin. Sinabi na naman uli niya yung nararamdaman niya. Binigyan ko siya ng chance. Kaya binuksan ko yung puso ko para sa kanya. Nagdadala siya araw araw ng flowers at may card sa flower. Na yun ang aking kinatutuwa dahil lagi siyang naglalagay dun ng kung ano ano para mapakilig at mapaganda ang araw ko. Hatid sundo sa school. Sang ayon naman si mommy kase kilala naman na daw niya si Gelo. May tiwala si mommy sa kanya.
And a months passed nasa rooftop kami ng school ni Gelo sinurprise niya ako. Napaka romantic niya. Hindi ako mahilig sa romantic pero okay na rin. Kase mahal ko na si Gelo tatanggapin ko kahit gaano pa siya kacorny. And before matapos ang date namin ay sinabi ko na ang matagal niya ng gustong marinig at yun ay yung sagot kong "Yes" tuwang tuwa siya nun. Binuhat pa nga ako tsaka inikot ikot. Kita sa mga mata niya na masaya talaga siya. And then we made a promised. We promised each other na kami lang hanggang sa pagtanda namin, we promised that we will die together. Masaya rin ako dahil nakikita ko siyang masaya.
****
Graduation na namin sa kolehiyo. After that we celebrate it. Together with my family and of course Gelo's family. I didn't know na pati family niya kasama. Well, natural his my boyfriend. After eating I went tp the wash room.Lakad
Lakad
Lakad hanggang sa malapit nako sa aming table actually kami lang yung customer dun siguro pinareserve muna ni mommy para samin then nasa gitna ako ng biglang may bumukas na projector! Shocked! 0_0 nakita ko ung mga masasayang picture na meron kami ni Gelo tsaka may mga stolen din ako pero ngayon ko lang nakita. And napa wow ako sa lahat ng pictures namin tsaka pati na rin sa mga stolen shots ko. Hahaha!
Gelo appeared infront. Holding a microphone. Ano naman kayang pakulo nitong lalaking ito? Sabi ko sa isip ko
"Iya my princess. Alam ko naguguluhan ka na sa mga nangyayari ngayon" oo talaga Gelo gulong gulo nako. Sabi ko sa utak ko
"Iya alam mo naman na you're the one. Thank you kasi binigyan moko ng chance jan sa puso mo. Akala ko talaga wala na eh. Alam mo bang sobrang saya ko nung sinagot moko? My mom knew how crazy am I to you. Right mom?" Tumango ang mom niya na mangiyak ngiyak. Anong nangyayare?
"I really really reaaaaallllly love you Sophia De los Reyes. Matagal ko ng hinintay ang araw na to. Tita,thank you for giving your trust on me. Hindi ko kayo bibiguin. Ibubuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko para kay Iya " i know Gelo and Iloveyoutoo. Sabi ko sa isip ko. Lumapit siya saakin and lumuhod sa harapan ko
"Iya my princess, please marry me. Im not asking you kasi alam kong ako ang papakasalan mo."proud na sabi niya pero sincere.
Tumingin muna ako sa paligid ko. Nakita ko si mommy na umiiyak. Tumango siya."Yes Gelo I will marry you no matter what." Tumayo siya and he sealed me a kiss.
After the preparation 4months ding sinettle yung kasal ko. Excited na kinakabahan na may halong saya na may halong lungkot. Lungkot kase wala si dad na maghahatid sakin sa altar at lungkot dahil hindi ko na makakasama sina mommy at andrew. Masaya ako kase mapapakasalan ko na yung lalaking pinakamamahal ko. I really love him. At magiging asawa ko na siya finally.
Nakarating nako sa church pero nakakapagtaka kase parang nag aalala ang mga mukha nila. Anong nangyayare? Wala pa ba si Gelo? Bumababa ako. Alam kong nandito siya. Siguro may surprise lang ulit siya sakin. Sinabi ko kay mom na dadating siya. Kinausap ko sila
"Dadating si Gelo. Mahal niya ako kaya alam kong dadating siya. Kaya papasukin na ang mga flower girls. Best man. Pwede na--mang..... Mauna yung bride diba? Ako na lang ang maghihintay sa groom para naman maiba." Pilit akong ngumiti para alam nilang okay lang ako.
1
2
3.... Three hours na kaming naghihintay kay Gelo pero wala pa rin. Umalis na ang ilan. Ako umiiyak lang dito at kino-comfort ng mommy ni Gelo. Si mommy kasi inaasikaso yung mga bisita
"Iha im so sorry. I dont know that this will be happen. But I knew how special you are to my son. Tinanong ko na sa mga kasama namin sa bahay kung umuwi ba si angelo sa bahay pero wala daw. Yung driver naman ng sinasakyan niya ang sabi nagpapababa daw siya at sumakay ng taxi. Im so sorry iha. Siguro kelangan na natin magpahinga. Let's go back to the hotel. You have to rest"sabi ni tita
"No tita. I'll wait for him. Dadating siya. I know dadating siya. Kaya hindi ako aalis hindi pwedeng wala siyang madatnan sa simbahan na ito. We pro----mised each....other."
Pati si mommy inaaya na rin ako pabalik ng hotel para makapagpahinga. Pero hindi. Ayoko. Dadating si Gelo
"Ate?" Lumingon ako. Si andrew pala
"Yes baby? Dont worry ate's fine"
"If.....you are fine ate? Why are you crying? Dont cry ate. Coz your also hurting me. If I see you crying my heart also crying ate"mas lalo tuloy akong naiyak sa sinabi ni andrew. Pinunasan ko yung luha ko then I stood up and held his hand going back to the hotel.
*end of flashback*