Chapter 7

4 3 0
                                    

Naalala ko pa yung huling binigay ni Gelo na bulaklak sakin. May nakalagay na card dun. Binuksan ko at binasa iyon.

"Siguro sinasabi ng utak mo na ako ang mahal mo pero iba ang hinahanap ng puso mo.
I love you Iya!

~Gelo

Hindi ko maintindihan yung sinabi niya. Pero alam ko may dahilan siya kung bakit niya ginawa yun. Ewan ko ba diko kayang magalit sa kanya. Nangingibabaw pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Napansin ko yung relo ko mag aalas dyis na pala. Pinunasan ko ang luha ko at tinago ko na ang singsing. Matagal na rin pala akong nandidito. Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito. Tatayo na sana ako ng biglang may umakbay sakin. Nagulat ako. Bakit nandito si Lance? Bakit nandito siya?.

"Sinundan kita" tumitig siya sa harap bali ngayon nakikita ko siyang naka side view. Ang gwapo pala niya sa malapitan. He has a perfect jaw line. Matangos na ilong. Brown eyes. And he also has a kissable lips. Natetempt tuloy akong ikiss siya. Aishhhh! Ano ba itong naiisip ko.

"Tapos mo na ba akong tignan? Titigan rather." He smiled a sweet smile

"Kapal mo ah!" Sabi ko sabay palo sa braso niya. Ahy ang tigas pala. Huhu ang sakit nun ah

"Tapos ka na ba magdrama?" Opps. Oo nga pala nakita niya akong umiiyak. Oh my ibig sabihin! Narinig din niya yunggggg......

"Ibig sabihin--------"

"Oo narinig ko lahat. May pasabi sabi ka pa nga sa huli na "ang daya daya mo nemen Gelo"ginaya niya yung boses ko kanina na umiiyak. Napangiti tuloy ako

"Ayun nag smile rin."

"Bat moko sinusundan? May pagnanasa ka sakin noh?"

"Oy! Ang kapal nito baka nga kahit lalaking tambay sa kanto hindi ka papatulan. Feeling maganda huh?!" Natatawang sabi ni Lance. Aba't.

"Ah pumunta ka lang pala dito para asarin ako? Kung ganun aba lumayas ka na sa harap ko dahil wala akong panahon para makisabay jan sa kalokohan mo."

"Eto naman. Hindi mabiro"lumapit pa siya sakin at inilagay ang kamay niya sa aking ulo at ginulo ang buhok

"Ginugulo mo buhok ko eh"sabi ko

"Ahy hindi! Inaayos ko yung buhok mo inaayos ko" pilosopo niya. Wala talaga akong ganang ngumiti mukhang nahalata niya kaya tumigil siya pang aasar. Bigla siyang tumayo. Mukang uuwi ang mokong ah. Di man lang ako sinamahan dito. Okay lang sanay nakong maiwan.

"Oy san ka pupunta?"tanong ko. Para na kaming close noh? Haha

"May kukunin lang ako sa kotse. Miss mo nako agad. Nako ikaw yata yung may pagnanasa sa ating dalawa sophie eh!" Ahy buset tong impaktitong ito.

Pagbalik niya may dala na siyang parang picnic blanket. Wow boy scout huh! Humiga kami dun. Walang nagsalita samin. Puro palitan lang ng hininga ang tanging naririnig ko. .

"Ang hirap pala pag walang closure noh?" Pambabasag ko sa katahimikan. Nag shrugged lang siya.

"Naranasan mo na bang magmahal?" Tanong ko

"Flings oo. Pero mahal? Nah!" Sabi ni lance.

"Babaero" smirk lang siya

"Gwapo naman"

"Yabang"

"Gwapo naman"

"Ewan ko sayo" nahampas ko siya gamit yung palad ko. Ang hangin niya eh

"Aw!"after that tahimik na naman kami. Para kaming nag 'star gazing. Well star gazing naman talaga ginagawa namin. Dati ginagawa rin namin ito ni Gelo. Hindi ko lang malaman kung ano ang pagkukulang ko sa kanya at ako'y kanyang iniwan wala man lang siyang sinabi basta ang natatandaan ko lang ay hanapin ko daw muna ang sarili ko.

"Akala ko naman tapos ka ng magdrama."naramdaman ko may luha palang tumutulo sa pisngi ko

"Sorry" sabi ko

"Okay lang. Ilabas mo lang yang sama ng loob mo. Alam kong nasasaktan ka pa rin."napatitig ako sa kanyang dark brown eyes. Hindi ko alam,pero bigla ko siyang niyakap sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib saka humikbi doon

"Kelangan huling luha mo na yan ha? Hindi ka naman niya deserve. Kalimutan mo na siya. Move forward. Wag mong balutin ang sarili mo sa nakaraan."ang sarap sa pakiramdam while his caressing my hair. And I feel safe when Im in his arms. Tsaka parang may dumadaloy na kuryente saakin habang yakap yakap namin ang isat isa.

Siguro nga tama siya. I need to move forward. Kaylangan lang siguro namin ng closure. Kaya rin siguro ako naiyak ngayon dahil galit ang nararamdaman ko hindi na mahal. Gusto ko lang siguro marinig yung sorry niya.

Tumayo nako. Pinunasan ko na yung luha ko. Tsaka ngumiti kay Lance. Tumayo siya at kinuha na rin yung kumot na hinigaan namin kanina.

"Tara uwi na tayo?"anyaya ko sa kanya

"Sige. Basta huling luha mo na yan. Kubg magkita man kayo dapat mong ipakita sa kanya na malakas ka. Na hindi ikaw ang nawalan kundi siya" napangiti ako. Naalala ko yung sinabi ni Gelo na "Im his happiness,girlfriend,bestfriend,world and everything"

"Yeah he lost his everything"tsaka ngumiti sa kanya

"Yan you look better. Mas lalo kang gumaganda pag nakangiti" alam kong matanda nako para sa ganito, pero parang uminit yung muka ko ng sinabi niya yun

"You blushed" then I heard him chuckled

"Maputi lang ako" pagsisinungaling ko

"Okay if you say so."natawa na lang kami pareho

"So I got go, see you when I see you" paalam ko sa kanya

"Okay see you" sumakay na kami sa sarili naming mga sasakyan

*

Lance POV

Pagkarating ko ng bahay naiisip ko pa rin yung pagyakap ni Sophia sakin. Hindi ko alam pero parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko nung nagdikit ang aming mga balat. I know we're not a teen ager anymore. But all of us can feel this. Tsaka kapag ngumingiti siya, lahat ng problema mo will be fade. Alam kong masyadong mabilis pero.....

I think I like her

Yung feeling na matagal na naming gusto yung isat isa. Haysssss

I have to make a move




Getting Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon